Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumandal" poems
0118 Hindi Ka lumipas — Naalala ko noong nakaraang taon Ilang araw buhat sa ngayong pagbibilang ko Bago pa sumulyap ang mga pampakulay sa kalangitan Para magtagisan sa pagbungad sa paunang ngayon. Hindi Ka lumipas — Halos itim na lamang ang kulay sa kalangitan Na para bang ang pag-asa ay kinitil na ng sanlibutan Na para bang ito’y nobelang pawang paghihintay na lamang At nang subukang gapangin ng putik ang pangarap ngunit hindi — Hindi Ka pa rin lumipas At muli **** binigkas na Ikaw ang dahilan ng lahat Na ang lahat ay walang kabuluhan Kung ang Ikaw ay ibabaon sa limot at tatalikuran. Hindi Ka lumipas — Gaya ng mga butil ng luha sa aking mga mata Na ang pagsusumamo ay tila araw-araw na pag-aakyat ng ligaw Sayo Na maging ang umaga ay tila Simbang Gabi. Hindi Ka lumipas — Nang dungisan ng mundo ang mensaheng laan Mo Ngunit sabi Mo’y tapos na ang lahat Malambot pa sa bulak ang sumalo sa bawat pagkabagsak Walang katulad ang Iyong mga yakap, At heto ako — mas natutong sumandal sa nag-iisang Ikaw. ——— Hindi Ka lumipas — Ilang beses **** hinayaang masaksihan ko ang pagsagwan nila sa agos Ang paglipad sa ere na tanging Ikaw lamang  ang sumalo Na para bang ito na ang huling mga katagang bibitiwan ko — Ayoko na Pero hindi — Pagkat nagkakamali ang dilim sa paghasik ng kanyang sarili Pagkat ang Liwanag ay panghabambuhay At hindi tayo kakapusin sa oras At hindi ito isang “sandali lang.” Hindi Ka lumipas — At ayokong palipasin ang kahit isang pintig ng sinasabi nilang “sandali lang naman” Pagkat sa oras na ito’y hindi Ka lilipas — At tanging ang pangalan Mo ang mangingibabaw Sa susunod pang hihiranging mga araw Kahit pa sabihin nilang nagbago na ang lahat. Hindi Ka lilipas — Kahit pa tabunan ng pangungutya ang Iyong kasulatan, Tanging Ikaw ang magiging bukambibig. Kahit pa hindi makakita ang mga bulag Ay ipagdidiinan pa ring Ikaw ang magbubukas ng bawat paningin At walang dilim na kayang sakupin ang Bayan Mo, Ama. Hindi Ka lilipas — At sa bawat pagtaas ng Bandila Ay Ikaw ang mananatiling may tiyak na katuturan Na ang mensahe Mo’y ipangangalandakan Saanmang dako at sulok ng mga Islang hinati ngunit Iyong ipinag-isa. Hindi Ka lilipas — Tulad ng mga ulap tuwing ang ulan ay titila Tulad ng tubig tuwing huhupa ang baha Tulad ng ilaw at init ng kandilang inapula. Hindi Ka lumilipas — Gaya noon, hanggang sa huling hampas ng segundo sa huling pagyukod ng araw. Maghari Ka — Hanggang sa huling pagkurap na kasama Ka.
0
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 6:39 AM UTC
Hindi Ka Lumipas

Continue reading...
61
patawad patawad kung natakot ang mga balikat ko. kung wala silang lakas ng loob upang pasanin ang bigat ng mga kwento mo. alam nilang mangangalay sila at baka hindi ako patulugin sa sakit, sa pangamba, sa pag-aalala. nababahala ang kanan, ang kaliwa silang dalawa kaya patawad; patawad kung inalagaan ko ang lamya hindi mo makakapitan ang mga buto dahil sa rupok dahil sa walang kasiguraduhan dahil takot sila sa pusok hindi kongkreto ang pundasyon at inisip kong 'wag sila ialok sa'yo. kaya patawad; patawad kung walang tamis ang mga pangungusap. tinanan ka ng matatabang na salita sa kawalan at wala silang balak na bumalik. iniwan kang nakalutang sa ere; nag-iisip, nanabik sa ginhawang mailap. kaya patawad; takot lang ang mga balikat na ito na maging makasarili. ayaw lang nilang sumandig ka sa pader na nagdadalawang-isip. kaya kapag dumalaw muli ang gabi na kailangan **** ihilig ang sarili mo, handa na sila sumandal ka't makikinig ang mga ito.
0
Jun 7, 2020
Jun 7, 2020 at 9:27 AM UTC
Sandal
O araw, araw! Ako’y ulap na lambot. Ika’y sumandal Kapag ika’y napagod Ako’y handang sumalo.
0
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 11:17 AM UTC
Ulap sa Alapaap (A tanka)
kahit sabihing sandali hindi ako nag-atubili bakas sa mga labi ang aking mga ngiti makasama ka'y nag pauwi sa aking pighati kaya kahit sa sandali pangamba ko'y pinawi kahit sabihing sandali oras nama'y bumabagal at gustong ulit-uliting muli at sa iyo'y sumandal kaya't sandali huminahon ka man lang wag mag madali nais kang samahan at nasa alaala ko parati na bago umuwi mga kamay nati'y nagdampi kaya sa pagtalikod ay nakangiti at ang puso ko'y humihikbi sa tuwing ako'y iyong nilalapitan kaya sa mga susunod na sandali makasama'y aking aasahan
0
Dec 14, 2020
Dec 14, 2020 at 1:51 PM UTC
sandali.
Ipag paumanhin mo kung natatawa ako, dati kasi isa akong pulubi, Haha! sige tawanan mo muna ang aking sinabi, Habang umiinom ng coke para magka enerhiya, Nakasandal ako sa pader habang nagbibilang ng barya, Isa, dalawa tatlo kelan magiging kuntento?, Sapagkat hindi naman talaga barya ang binibilang ko, Kundi ang bawat pag patak ng segundo, Isa, dalawa tatlo "may halaga pa ba sayo?", Yung oras niya ang nililimos ko noon, Ngunit nagbago na ngayon. Naalala ko pa tumaya ako noon sa lotto, Isa't pangalawang taya ngunit ako parin ay talo, Muli akong tumaya sa pangatlong beses at sabi ko "Huli na to", Sa di ko inaasahan tumama na nga talaga ako dito. Ang lotto ay simbolo lamang ng pag-ibig, Yan ang nais kong ipahiwatig, Sayo ako nanalo, Sayo wala akong talo. Yan ang nagbago ngayon. Kinalimutan ko na ang noon. Napaka swerte kong hindi ko na kailangan mamalimos, Ng oras at atensyong naghihikahos, Sapagkat nariyan kana at handang magbigay, Handang umintindi at handang mag alay, Mag-alay ng pag-ibig na walang kapantay, Walang pag aalinlangan at walang hinihintay, Na ano mang kapalit na sayo'y ibibigay. Marapatin mo akong sumandal muli, Hindi sa pader, kundi sa balikat mo kahit sa isang sandali, Upang maipadama ko sayo kung gaano ako ka saya, Isa, dalawa tatlo ikaw ay mahalaga, Marapatin mo akong sumandal sa iyong tabi, At sa muling pagbibilang ng aking mga labi, Isa, dalawa, tatlo, Sayo ay kuntento.
0
Jul 15, 2022
Jul 15, 2022 at 6:30 PM UTC
PASANDAL