Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Zeggie Cruz Jul 2016
Ilang beses ko na bang sinabi
na hinding hindi na magyoyosi.
Tila sindami na ulan noong Hunyo.
Pero bakit ganito wala pang pinagbago.

Walang pinagbago gaya ng nararamdaman ko.
Alam kong isang malaking kahangalan na sabihin na ikaw parin ay mahal ko.
Marahil nga, katangan ito.

Mga patak ng ulan ang nagpapaalala
Sa mga kahapon na ikaw ay kapiling at kasama.
Nalulunod ako, nalulunod sa katahimikan.
Katahimikan sa sunod sunod na patak ng ulan.

Sa tuwing umuulan,
Sinasambit nito ang iyong pangalan.
Sinasambit ang mga pangako at mga alaaang hindi kailan man makakalimutan.

Mahal kita, mahal mo ako.
Yan ang mga salitang naniwala ako.
Sinabi ko at sinabi mo.
Pero sa isang iglap, nasaan na tayo?

Sadya bang nakakaadik
Ang nikotin sa ngala-ngala at gilagid?
O sadya lang makulit at pasaway
Ang aking paglapit?

Sa yosing siyang sumagip
Sa damdaming pinuno ng sakit
Pinuno ng hinagpis at lungkot
Mula ng madurog ang pusong nakakapit
Sa sumpaang sa tadhana ay sumabit.

Naaalala mo pa ba
ang ating mga pangako?
Na ikaw ang siyang mamahalin hangang sa maging upos ang buhay at hininga ay sumuko.


Nagsimula ang lahat ng ikaw ay lumisan
Ang pinakamadilim na yugto sa puso at isipan
May mga bagay talaga na walang kasagutan
Isa na dito ay ang paglayo, mundo ay tinakasan

Mula nang ikaw ay nawala
sa bisyo ako ay nakipisan.
Kasama sa magdamagan
nang sakit ay mabawasan

Hindi madali nang ikaw ay nawala
Hindi ganun kadali na ikaw ay kalimutan
Parang isang kanta na paulit ulit
Bawat kataga sinasambit ang iyong pangalan.
Pangalan at katagang walang katapusan.

Bawat hithit bawat buga
Ang usok ay siyang sa akin ang nagpapaalala ng iyong wangis at itsura.
Sa bawat buga.
Nakikita ko ang iyong mukha.
At sa isang iglap mawawala.

Pero ngayong kaya ko na.
Bakit ang bisyo di na maisara?
Sadya bang nasanay na?
O dahil hinihintay ka pa?
kahel Oct 2016
CPR
Nangako ako sayo na poprotektahan kita kahit anong mangyari
Nagsinungaling ako
Dahil noong araw na pinulikat ka habang nasa gitna ng dagat
Na sobrang lalim na hindi mo na makita ang ilalim
Hindi kita nasagip

Nangako ako sayo na iingatan kita ng di nagdadalawang-isip
Nagsinungaling ako
Habang naghihingalo ka at humihingi ng saklolo
Wala akong nagawa kundi tignan ang paghampas ng mga alon
Pinapamukha na bakit ba kasi hindi ako marunong lumangoy

Nangako ako sayo na hindi kita papabayaan mag-isa
Nagsinungaling ako
Hinayaan kita malunod at hatakin pababa ng iba't ibang lamang dagat
Hinayaan maubos ang hangin hanggang sa huling hininga
Pinanood lumubog ang mga matang kasing ganda ng mga perlas

Pasensya ka na at nagsinungaling ako
Dahil akala ko matatakasan ko ang sariling anino
Pasensya ka na at hindi kita nailigtas
Hinayaan ko na may ibang sumagip sayo dahil kung ako 'yon
Baka pareho lang tayong lumubog at malagay ka lalo sa panganib

Pasensya ka na at lumutang ang mga pangako
Na sabay lalanguyin ang lawak ng buhay
Sisisirin ang lalim ng ating mga pangarap
Sasalubungin ang mga problemang dadaong
Iiwasan ang mga dikya na dulot ng nakaraan

Kaya patawad dahil ngayon lang napupuno ang pagkukulang
Wag ka mag-alala,matututunan ko din tumalon ng walang alinlangan
Susubukan maabot ang dagat na tinatahak mo kahit gaano pa ito kaalat
Pero sa ngayon, pasensya muna unang nagpakilala ang takot kaysa sa lakas ng loob
Pasensya dahil tinangay tayo ng alon palayo sa isa't isa
Meruem Oct 2018
Kapag mainit, palalamigin.
Kapag malamig, paiinitin.
Nasa kumunoy ka, sa gilid may lubid at bato;
Maghihintay ka pa ba na may sumagip sayo?
"Wag **** lunurin sarili mo kakagalaw, kakasigaw, kakapiglas, para lang may ibang taong sumagip. Kasi ikaw mismo may kakayanan ka!"

"Kapag nasa gitna ka ng dagat, magpadala ka muna sa alon. Kapag may gamit at kakayanan ka na pumalaot, at tsaka mo labanan ang agos."

- Mga salitang nakatutulong sa oras na kinakailangan. Salamat sa pagpapasilong, kaibigan!
Pusang Tahimik Aug 2022
Sa pag lubog ng araw
Liwanag ay napapanaw
Kasabay na dumadalaw
Dilim na umaagaw

Sa anyo ng katahimikan
May kasinungalingan
Sa bawat kabutihan
May kapatid na kadiliman

Sa mukha na may takip
Walang nais sumagip
Takot na sumilip
Ang ngiting may kalakip

At sa bawat natuklasan
Bumibigat ang pasan
Patay na kamusmusan
Wagi ang kasamaan

Tumigil sa piglas
Wala na ang lunas
Hirap nang tumakas
Sa lahat ng pintas
JGA
Redaviel May 2020
Hindi ko kayang ipangako ang langit, bituin, at buwan sa gabi
Hindi ko ipagkakait ang eksena na maglalapit sa mga labi
Kung saksi ang dilim at ang oras sa pagkakataon na ito,
Hayaan ang testigo na iligtas tayo sa korteng mapangmata
Alam kong hindi mali ito, nais nating maging tapat dito
Mga tulang ang tema lagi ay gabing payapa at tahimik
Pero sa pagkakataong ito, ikaw ang paksang walang imik
Pinapakiramdaman mo kung ito ay isang palipas panaginip
Kung ang pangako ay sisibol sa pagtagal, huwag kang mainip
Dahil ang pag-ibig ko'y totoo at nais kong masagip at sumagip
Trying my hands at poems made in my native language. Will improve on this and post more once in a while.

— The End —