Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
032017

Isa, Dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, Pito? Tama ba?
Pasensya kana,
Hindi ko na kasi mabilang ang ating mga away at tampuhan.
Nahihiya na nga ako sayo eh, Kasi hindi dapat ito yung iyong nararanasan.

Alam ko sobra-sobra na yung mga sakit na naidulot ko sayo
Wala na yung mga pangako na sinabing tutuparin ko
Yung mga "***** tayo jan, ***** tayo dito"
Yung "Susulitin natin ang oras pag balik mo sa piling ko"
Dapat pala sinulit ko na ang oras habang nandito kapa sa piling ko.

Naalala ko pa yung araw na paalis kana
para tuparin yung pangarap mo
Kahit masakit sakin na lumisan ka
ikaw ay aking suportado
Kahit na alam kong matagal yun
pilit nating sinasabi na saglit ka lang, Na kayang kaya natin
Hanggang sa dumating na tayo sa hindi natin kaya.

Ang "sakit"
Salitang nanggaling na parehas sa ating dalawa
Yung tipong mahal na mahal pa natin yung isat isa
pero parang hindi na
Yung kahit hindi ikaw yung problema
sayo na napupunta
Hindi ko alam kung dapat bang wakasan na
Pero nagdesisyon tayo na kayanin pa.

Lumipas ang ilang araw
bumabalik na tayo sa dati
Nag-iintindihan na ulit
minsan pa nga nag bobolahan
Sabi ko pa sa sarili ko nun… YES!!! Wala na tong katapusan
Ngunit NAUDLOT ang ating walang katapusan.

Bumabalik na naman si justine sa kanyang dating ugali
Magdodota tapos hating gabi na naman uuwi
Tatawag ka sa aking telepono pero hindi ko nasasagot
Hanggang sa tumagal tagal na,
Hindi ko na sinasagot.

Ang hirap lang kasi maging masaya nang wala ka pisikal
Ang hirap magtiis na yung yakap
ay babasahin ko na lang at hindi na literal
Kaya nililibang ang sarili kahit na mali na ang paraan
Kahit na alam kong mali yun na dahilan
Hindi ko pa rin tinigilan.

Sabi ko sa sarili ko
maayos din lahat ng ito pag nakauwi kana
Nagkakaganito lang tayo dahil hindi tayo magkasama
Nag-aalala pagkat hindi sigurado sa ginagawa ng isa
Kahit iilang araw nalang
tiisin pa natin, pakiusap ko sayo
Maliliwanagan din naman
kapag nagtagpo na and dalawang puso.

May isa lang akong hiling na sana ay tuparin mo
Sa laban na ito,
Wag ka sanang matuto na sumuko.
(c) JS

This piece made me cry. Alam ko, di ka mahilig magsulat. Minsan, akala ko gusto mo na lang sumuko sa laban natin. Pero salamat, kasi nandyan ka pa rin. Salamat kasi mahal mo pa rin.

I glorify the Lord sa lahat ng mga nangyayari. Higit ang pagmamahal Niya for us. Yung pag-ibig na to, it's a shower of His grace. Thank You Jesus!
Sittie Feb 1
Hindi ko naman talaga gustong pumunta, ang kaso ay sumagi sa aking isipan na baka naroon ka.
Kaya tinalo ko pa ata si flash sa bilis ng pag sakay ko sa sasakyan, tapos Ikaw pa ang naiisip kahit hindi komportable sa upuan dahil sa malubak na daan.
Hayaan mo na ang mahalaga makikita na kita, pag labas ko palang sa kotseng aking binabaan, presensya mo agad ang aking nais na maramdaman.
Hindi makapaniwala nung ika'y sumulpot sa aking harapan, ay pasensya dadaan ka pala at ako'y nakaharang.
Saiyo lang naman ang tingin ko, ilalabas ang kamerang dala ko, mag kukunwaring may kinukuhaan ng litrato, subalit saiyo mismo nakatutok ito.
Halos ma-baliw ako nang sumulyap saakin ang mga mata mo, hindi ko rin inakalang mahuhuli mo ang nakaw tingin ko.
Siguro nga'y nahihibang na ako sapagka't tila nakain ko lahat ng paro paro, kaya't nung marinig ko ang pag kanta mo, tila mga nag wawalang nakakulong sa priso ang nang gugulo sa tiyan ko.
Masyado ata akong halata sa pag papapansin saiyo, pero hayaan mo na—minsan lang naman tayo mag kita kaya sinulit ko na, sana may susunod pa, susunod na mag tagpo ang ating landas.

-Nakaupo sa sofa habang kumakain ng corn beef at umiinom ng gatas

— The End —