Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Katryna Jan 2019
kung sakali man malihis ng landas,
lingunin nawa ako ng pagmamahal.

kung sakali mang mapagod sa kakalakad,
tangayin nawa ako ng hanging payapa
patungo sa bisig na mapagkalinga.

kung sakali mang hapuin at maubusan na ng hininga,
dugtungan nawa ako ng buhay na kung saan ang kamatayan ay hindi kinikilala.

nang matapos lamang ang laban na wala akong laban.

walang salitang naririnig,
walang hikbi,
walang palag.

wala.

dahil walang handang makinig
kapag sarado ang isip.
eriya Jan 2019
Mga puting haligi saking paligid
Puti, puti ang kabaliktaran ng aking isip
Mga gamot na parang lason sa aking katawan pumapasok
Hindi ginusto aking pwesto
Tulong ang aking gusto
Sa loob ng kwartong presinto

Naka destino sa labanang di natatapos
Mga boses na parang palaso
Sa aking kaluluwa ay tumatagos
Labanan ng lakas
Pisikal o emosyonal
Malakas o mahina
Walang palag sa dilim na kalaban
Na unti unting lumalagot
Sa buhay na iyong inabot
it’s a filipino ver. of darkness :)

— The End —