Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JK Cabresos Aug 2013
Ang oras ay nagbabago,
kung minsan pa nga di natin
namamalayan ito,
dahil sa pagiging abala natin
sa mga bagay-bagay na akala
natin importante,
subalit yun pala ay hindi.

Nasa huli ang pagsisisi,
ika nga ng mga matatanda,
sa kadahilanang di na natin
maibabalik pa ang mga oras
na nasayang natin,
na sana ay may nagawa pa tayong
mas makapagbigay kaligayan sa atin,
at mas kapakipakinabang
sa paglubog ng panibagong araw.

Ngunit pwede naman nating pagsikapan,
na susunod ay aayusin ito,
at mas pagtuunan ng pansin
ang mga prayoridad sa buhay,
tandaan na kahit magbago man ang oras,
lilipas man ito,
meron namang pagkakataong
maitama ang mga kamaliang
nagawa mo.
All Rights Reserved © 2013
jr May 2017
di ko alam
di ko alam
DI. KO. ALAM.
di ko kilala sarili ko
di ko alam kung ano hangganan ko
di ko alam kung may talento ba ko
di ko alam kung may silbi ba ko
di ko alam
baka wala
malamang wala
ang hirap mabuhay sa "di ko alam"
sa "baka"
ang hirap ng nakikita mo silang lahat, alam na kung saan sila magaling, kung saan hindi
pero bakit ako
ang alam ko lang sa sarili ko ay hindi ko kilala kung sino ako
kung ano kaya kong gawin
kung paano ako magalit
kung ano ba nararamdaman ko
kung bakit hanggang ngayon ang pinakanakakatakot kong kinakatakutan ay ang sarili ko
bakit di ko magawang pagtuunan ng pansin ang sarili ko
ni di ko kayang tagalan ng titig yung pagmumukha ko sa salamin
di ko kayang hayaan ang sarili kong matuto ng bagong bagay dahil takot ako
takot na takot sa mahusgahan
na malaman nila na wala akong kayang gawin
natatakot ako kasi pagtatawanan nila ako
takot na takot akong magkamali kasi alam ko wala na 'kong ginawang tama
ayaw ko na
ang hirap mabuhay sa "malamang"
sa "ewan ko"
sa "di ko alam"
pero mas mahirap mabuhay ng di mo alam kung ano silbi mo dito

j.r
Yhinyhin Tan Apr 2023
“Sige may mumu dyan!”
Noong bata ako mandalas itong sabihin sa akin ni mama para iwasan ko ang mga delikadong lugar na magpapahamak sa akin.

At habang nagkakaedad ako
Napagtanto ko na may mas nakakatakot pa pala kaysa sa mga multo
Na mas dapat kong pagtuunan ng pansin.

Ito ang mga mapanghusgang  lipunan
Mga mata nilang sumsukat sa iyong pagkatao
At mga opinyon nilang sisira sa iyong sariling kumpiyansa

Sa kabila nito, ipinagpapasalamat ko pa rin
Na sinunod ko noon si Mama
At isinapuso ang mga payo niya.

Dahil kahit napapalibutan pa ako ng mapanghusgang lipunan
Mga matang sumusukat sa aking kakayahan,
At mga salita nilang pilit sumisira sa kumpiyansa ko

Heto ako, nananatiling matatag
At ipinaglalaban ang prinsipiyong pinaniniwalaan ko.
Nasulat ko ito while wandering inside the CASA SAN PABLO. Nakita ko kasi 'yong babysitter ng isa bata, papunta sa sa hagdan kasi ang bata at para hindi ito mamali ng lakad ang sabi ng nagbabantay sa kaniya "Sige, may mumu dyan."
Tapos ang dami ko na naisip haha

— The End —