Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagtatawanan" poems
Nagsimula ang lahat sa kanta Sa kanta na nagsilbing tulay sa'ting dalawa Na parang tubig at langis- Sa wakas nagsama 'Di inakala na magkakaganito Dahil wala naman talagang pagtingin sayo Ni hindi nakitang magiging magkaibigan Hanggang nagkaroon ng tiyansang baka pwede ng walang hanggan Walang hanggan na paguusap Walang hanggang pagtatawanan Walang hanggang pagiintindi ng mga Tingin na hindi alam kung ano ang sinasabi Pero tila takot parin Ang pusong napagod sa mga sakit Na idinulot ng mundong mapait Takot makaramdam, tumibok Sumubok ng bagay na hindi sigurado kung saan patungo Na baka isa na namang patibong Na kukulong sa isip kong lunod na lunod na Sa mga kathang isip at imahinasyon Kaya hanggang dito na lang muna siguro Pipigilan ang mga ilusyon at delusyon Na sisimilan na namang gawin ng puso Para kahit hindi matupad ang salitang "tayo" Mananatili parin akong buo kahit papaano
0
Jan 9, 2017
Jan 9, 2017 at 7:21 PM UTC
12/23/16
Isa, dalawa, tatlo Nakabilang na ako ng tatlo Ngunit nakatago pa rin ang feelings ko sa'yo Apat, lima, anim Kahit anim na ang nabilang ko Kailangan ko paring itago ito Upang ako ay hindi pagtatawanan mo Pito, walo, siyam Pang siyam na ito Ngunit ako ay nagduduwag paring umamin sa'yo Sampu Ito ay pang hulihan ko nang bilang Dahil nag-aaksaya lang naman ako ng oras Nag-aaksaya ng oras sa bagay na ito Sa bagay na hindi mo naman kayang pagbigyan Kasi dahil sa hulihan, kaibigan lang naman tayo; ay wala palang tayo.
0
Aug 12, 2019
Aug 12, 2019 at 1:41 PM UTC
"Kaibigan Lang, Walang Tayo"
Naranasan mo na bang apihin Ng dahil lang sa katawan **** bilbilin Halika kaibigan may kwento ako sayo Nawa'y pakinggan mo at sana'y makatulong ito Ako nga pala si Mahal Madalas bully-hin ng aking kamag-aral Yung tipong gusto **** sagutin ang tanong ni ma'am Ngunit alam **** pagtatawanan ka lang Meron din akong kaibigan Na alam kong maasahan Ngunit ako di pala'y iiwan Ng dahil din sa aking katabaan Isang araw nagkaroon ng sayawan sa paaralan Napakalungkot ng aking isipan Dahil alam kong  walang lalaking magtitiyaga Na makipagsayaw sa katulad kong mataba Sa sobrang sakit na aking nadarama Alam mo kaibigan, ginusto ko ng mawala Wakasan ang bukay na ito Ngunit aking napagtanto Napakasayang mabuhay sa mundong ito Kahit na maraming masasamang tao Kaibigan paalala lang, wag **** baguhin ang sarili mo Lalo na kung para sa ibang tao. Tanggapin mo kung ano ka Tanggapin mo kung sino ka Dahil kaibigan mataba ka man, tandaan mo Meron at merong iintindi sayo Merong isang taong tatanggapin ka At mamahalin kung sino ka
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 9:56 AM UTC
Mataba
di ko alam di ko alam DI. KO. ALAM. di ko kilala sarili ko di ko alam kung ano hangganan ko di ko alam kung may talento ba ko di ko alam kung may silbi ba ko di ko alam baka wala malamang wala ang hirap mabuhay sa "di ko alam" sa "baka" ang hirap ng nakikita mo silang lahat, alam na kung saan sila magaling, kung saan hindi pero bakit ako ang alam ko lang sa sarili ko ay hindi ko kilala kung sino ako kung ano kaya kong gawin kung paano ako magalit kung ano ba nararamdaman ko kung bakit hanggang ngayon ang pinakanakakatakot kong kinakatakutan ay ang sarili ko bakit di ko magawang pagtuunan ng pansin ang sarili ko ni di ko kayang tagalan ng titig yung pagmumukha ko sa salamin di ko kayang hayaan ang sarili kong matuto ng bagong bagay dahil takot ako takot na takot sa mahusgahan na malaman nila na wala akong kayang gawin natatakot ako kasi pagtatawanan nila ako takot na takot akong magkamali kasi alam ko wala na 'kong ginawang tama ayaw ko na ang hirap mabuhay sa "malamang" sa "ewan ko" sa "di ko alam" pero mas mahirap mabuhay ng di mo alam kung ano silbi mo dito j.r
0
May 13, 2017
May 13, 2017 at 5:58 AM UTC
"E ano kaya **** gawin?"