Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Madelle Calayag Jan 2020
Pagmasdan mo ako.

Damhin mo ang magaspang kong palad na bagamat ay nangulubot ay syang humahalik sa putikang sakahang pinaghihirapan.

Titigan mo ang mga mata kong hapung-hapo sa pagtanggap sa bagsak-presyong palay na katumbas ng presyo ng isang tsitsirya.

Ngunit, pakikinggan mo ba sila sa sasabihin nilang wag kaming papamarisan?

Sa bawat hakbang ko papalayo sa lupang sakahan

ay sya namang hakbang ko papalapit sa mataas na antas ng pakikibaka.

Kakalabanin ang pasistang gobyernong pilit yumuyurak sa katulad naming mga dukha.



Isa ako sa may pinakamaliliit na tinig sa lipunan.

Isa ako sa hindi maintindihan ng nakararami na isa sa mga nagtatanim ngunit ngayon ay walang makain.

Patawarin mo ako sa paglisan ko’t pagsama sa mga pagpupulong at sa pakikidigma para sa natatanging kilusan.

Dahil ako ang bumabagtas sa estrangherong lugar na kung tawagin ay Maynila.

Ako ngayon ang mukha ng mga magbubukid, ng mga inapi at ng mga pinagkaitan ng karapatan sa ilalim ng berdugong administrasyon ng bayan kong hindi na nakalaya.

Ako ang estrangherong kumilala sa bawat sulok at lagusan ng Mendiola na piping-saksi sa mga panaghoy naming kailanma’y hindi pakikinggan ng nakatataas.

Ako at ng aking mga kasama, ang bagong dugong isasalin sa sistemang ninanais naming patakbuhin.

Patawarin mo ako sa pagpili kong matangay sa agos ng mabilisang kamatayan tungo sa pulang kulay ng rebolusyon.

Ngunit, kailanman ay hindi nyo maiintindihan,

na hindi naging mali na ipaglaban ko ang aking bayan.
for the Filipino farmers
JOJO C PINCA Nov 2017
Ganito s'ya ipinakilala ng Supremo:

Mga kapatid
narito ang isang binata
estudyante ng Letran at Sto. Tomas
magaling na manunulat
makisig at walang takot
isang tunay na Tagalog
na umiibig ng tapat sa Inang Bayan.

Ngayong gabi
sa ating pagpupulong
s'ya ay ating tatanggapin bilang kasapi
at hihirangin na maging isang kalihim.

S'ya ang susulat
ng mga dokumento ng kilusan
magiging aking kanang kamay
at utak ng katipunan.
simulan ang ritwal at ang sanduguan.

Kapatid na Emilio
binabati ka ng lahat ng katipun
mula ngayon hindi kana tatawagin na Jacinto
kundi Pingkian na
yan ang rebolusyunaryong sagisag mo sa kilusan.
060821

Namuo ang mga luhang walang awat na nagpararamdam,
At sa kabila ng paghilot sa katauha'y
Daragsa ang hindi maintindihang elementong bumabalot sa liwanag.

Una,
Nasilayan ko ang larawan ng mag-inang minsang naging kabahgi ng akingnakaraan,
Kung saan naging bukas ang kanilang pintuan
Para sa mga kung anu-anong okasyon,
Mga pagpupulong na wala sa usapan,
Mga tawanang walang kabuluhan.

Ipinagkait ng pagkakataon ang paalam
Na sana man lamang ay naging harap-harapan.
At ang paalam na ito'y hindi malaman
Kung kailan ang simula at katapusan.

Pangalawa,
Sa pagitan ng pag-aaral at paghahanapbuhay
Ay namuti ang pangarap na lisanin ang kinasanayan.
Ngunit sa mismong araw ng kanyang paglilitis
Ay iba na pala ang nasa linya't nagbitaw ng mga salitang,
"Wala na sya."

Kinitil ang pangarap ng tadhana
At tuluyang naglaho ang alaala ng kanyang katauhan.

Pangatlo,
Sa apat na sulok ng pag-uusig
Ay naging bukas ang pagsalasat ng katotohanan buhat sa magkabilang panig.
Ang kanilang mga hain ay higit pa sa poot
Na may panghuhusgang bitbit at sigaw sa pula at sa puti.

Naubusan sila ng mga salita at nagtapos sa paghihiwalay
Ang kanilang mga ngitian at halakhakan,
At ang minsang pagbubunyi ay naging palitan
Ng liham ng paalam at katapusan.

Pang-apat,
Sa pagpunit ng bawat pahina ng kalendaryo
Ay nagwakas na rin ang kanilang pagkikita
Ang lihim ay idineklara't nagpaubaya na lamang sa Langit
Ang dalamhating tugon sa pag-ibig
Na sana'y may bukas at makalawa pa.

— The End —