Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagpaparaya" poems
Nadatnan sa sahig nakahandusay Ilan taon pa lamang noong una natapilok Sa paghuwego ay naglibang Nakalimutan ang sandaling sablay Bumaba ang araw na nasa taluktok ng kampana ng simbahan May iskarlatang busilak Ang dagundong nito ay ang pagpaparaya sa mga bata na ginigiliw ng kanilang ina Ikandong ang wasak na damdamin para makahinga Nilulumot ang gasera sa guwang na pandama Di matinag ang pagkawalang Ipaubaya sa daungan ng mga hiling ang pahapyaw na pinapanalangin At doon din makahanap ng silungan Samantala nalalagasan ng supang ang Sampaguita Malungkot ang kanyang talaarawan Nagmistulang sinulid ang kaligayahan na ipang gamit sa paghabi ng ala-ala Sa kalayuan maaninag na nagluningning Ngunit kapag sa prontera may pilat na mapusyaw
0
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:36 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #15
Ikaw ay isang pambihirang hika na hindi mailarawan sa anumang wika; Ang pagnais sayo ay tulad ng ubo, Sa pagsikip ng dibdib ikaw ay tumubo. Ang pagtanging naganap ay bukod tangi at mainit, tila isang pagsibol ng lagnat. Pangalan mo ay pahirap sa aking lalamunan daig pa likidong apoy sa matinding inuman. Tila ako'y nawalan ng panlasa, sapagkat napaibig sa irog ng masa. Na-abisuhan man lamang sa idudulot na sakit ng hamak at panandaliang pagkaakit. Walang manggagamot ang nakakilala sa kaso nitong nakakawalang-hiyang trangkaso. Walang mabuting dinulot sa katawan: sinumpaang pangangailangan lamang ng laman. Nawa'y ang pagkalalin ay hindi nakahahawa sapagkat sa ngayo'y mag-isang tumatawa dahil sa pagtangkilik lamang ng mga alaala. (Isa sa mga sintomas na talagang lumala.) Sa kabila ng pagkilala na ito'y sakit lamang sa ulo; ipinatili hanggang sa luha ay tumutulo. Itinuloy ang pananabik sa tuwina, kunwari ang gawain ay ligtas na bitamina. Ang ibubunga ay malalaman lamang sa wakas kung sasapat pa ba ang natitirang lakas upang sugpuin ang delikadong damdamin at ang sariling katinuan ay panatiliin. Sa kabila nga ba ng mga dinanas, may matatagpuan bang ganap na lunas? Upang lahat ng aspeto'y manatiling malusog at sa karapat-dapat na lamang ang loob ay mahulog? Masakit na uri ng pangangalaga, ang payapang makakamit ay mahalaga. Wala lamang ito sa sapat na distansya; kailangan rin ang pagpaparaya.
0
Jan 23, 2021
Jan 23, 2021 at 12:38 PM UTC
Karamdaman
Ito ang huling hapon ng mga alaala, kupas na larawang sinikap maipinta mga araw at gabing lipas na ng panahon sa pag-indayog ng abo, at pagkaway ng damo paalam sa mga nakaraang siphayo paglubog ng araw, at ang buwan ng pag-ahon sa hapon, at sa paglamon ng dilim sa liwanag ang pagwaksi sa sariling naging duwag Tapusin na ang dalita sa iyong gunita Mga araw na unos ng paghihikahos pagkapaos sa bigong pagsusumamo sapagkat ito ang oras ng pag-agos pagdaloy ng tubig, pagpawi sa kapos sa agos, sa pagpaparaya, sa mga alaala Bagamat tayo ay binuo ng mga pagsubok at may mga lamat ng pagkapusok alalahanin, tayo ay mga piraso ng isang buong sining ng Maylikha pagsamasamahin, tayo ay buo magkakahiwalay man ay nabubuklod hangaring mabuti ang maglingkod. Simula Michael Joseph Aguilar Tapit
0
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:32 PM UTC
Simula