Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
JOJO C PINCA Nov 2017
ang sabi ng pulitiko habang nakatayo sa entablado:

mga minamahal kong kababayan pag ako po ang inyong inihalal pinapangako ko na iaahon ko sa kahirapan ang bayan at magiging matapat po ako sa aking paglilingkod sa inyo.

sabi naman ng lider ng relihiyon habang nasa pulpito:

mga kapatid itong ating pagsasama-sama at gawain ang tunay na sa diyos; tayo po ang tunay na mga anak ng diyos at tinubos ng mahal na dugo ni Kristo; tayo po ay nakakatiyak sa kaligtasan. amen po ba?

sabi naman ng kapitalista habang nasa podium:

mga kasamang manggagawa mahalin ninyo ang inyong trabaho at ang kumpanyang ito sapagkat pag ito ay bumagsak kayo ang unang maapektuhan; pag umunlad naman ito ay kayo rin ang makikinabang. Kasama ko kayo sa pag-unlad.

yan ang sabi nila.

ito naman ang sabi ko habang ako ay nagsasalsal sa loob ng CR:

mga P_ Ina kayo, puro kaulolan at pang-uuto ang sinasabi ninyo - mga animal kayo. Puro kayo daldal ang gaganda ng mga binibigkas ninyong mga salita pero ang totoo puro kayo mapagsamantala at gahaman sa salapi. pweeeeh.
Wagas ang paglilingkod
Sa bayan niyang sinisinta.
Nagsilbing pananggalang
Ng mga sugatang paa.

Walang pag-iimbot
Na hatid ang bawat galaw.
Katapatan niya'y 'di matinag
Sa baluwarte niyang saklaw.

Siya ay anak-dalita
Kaya may puso sa maralita.
Hinirang dahil may bilang
At hindi lang puro salita.

Maaga man ang paglisan
Habambuhay magmamarka
Bansag na "Reyna ng Tsinelas"
Na kanyang naipinta.
Para sa pagkilala at pagalala kay Kagawad Manet Gonzales Buensuceso

#tsinelasqueen
G A Lopez Apr 2020
Manghawak ka sa kung ano ang kalooban ng Ama.
Kayo man ay hindi niloob para sa isa't isa,
Magtiwala ka sa magagawa Niya.
Kahit anong mangyari ay hindi Siya nagpapabaya.

Huwag magagalit sa Kaniya
Mag-isip ka
Ibig ng Diyos na iyong malaman
Na hindi tama ang iyong nilalakaran.

Paano ka maglilingkod sa Ama
Ng payapa
Kung ang kasama mo sa buhay,
Ay magulo at nasa likong pamumuhay?

Inilalayo ka Niya
Sapagkat ayaw ka Niyang mawala.
Ayaw Niyang tumalikod ka
Kapakanan mo ang inaalala Niya.

Maaaring hindi siya ang para sa iyo
May darating na bago.
Ito ang biyayang manggagaling sa Panginoon
Hindi ka na masasaktan tulad ng noon.

Sa paglilingkod ay manatili
At kung ika'y magmamahal muli,
Balikan ang salitang nasa unahan
Sana'y iyong maunawaan.

— The End —