Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mark Ipil Sep 2015
Madalas magising sa murahan nila,
Na daig pa ang ulan na walang tila,
Kapayapaan sayo’y nangungulila,
Tila naalayan na ng rosas na lila.

Hanggang kailan kaya sila ganito,
Hanggang ang isa ay sawa na sa mugto,
Bakas ng kahapon nagsisilbing multo,
Na ugat ng bawat ‘di pagkakasundo.

Hanggang kailan kaya kayang tiisin,
Lahat ng mga hinagpis at pasakit,
Na dulot ng walang hanggang away,
Kailan kaya sila maghihiwalay?
P.S. This poem is about a son asking his parents until when will the stay in a relationship full of pain and suffering.
pawi Aug 16
Malinaw pa king sa ala-ala
Kung saan at pa’no nagsimula
Wala mang kasiguraduhan,
Sana ito’y pangmatagalan

Nagsimula sa pag-uusap hanggang umaga,
At umabot na sa malalim na paghanga
Lalo’t lubos kang nakilala
Tila ba ayoko nang ika’y mawala

Tunay ngang may mga bagay na hinihintay,
Sapagkat ito ay wagas at tunay
Lumipas man ang mga araw at bwan
Ikaw ang laging pipiliin, pangako yan

Meron mang di pagkakasundo,
Tandaan **** ikaw ay nananatili sa puso
‘Di ko nais magmahal ng iba
Dahil pag-ibig ko sayo’y totoo na

Pangakong sa piling mo’y mananatili,
Anumang pagsubok ang ating masaksi.
Pagtingin ko’y di magbabago,
Pangalan mo ang tanging sigaw ng puso.

Salamat sa pagmamahal na iyong ipinaramdam,
Ito ang pag-ibig na matagal kong inaasam.
Pangakong, pag-ibig ko ay sayo lamang alay,
Hanggang sa huling araw ng aking buhay.

— The End —