Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jose Remillan Sep 2013
Para sa atin ang gabing ito.
Gaya ng iyong pangako, tayo
Ay didito't papalaot upang
Salungatin ang daluyong ng

Ating mga damdamin. Saglit
Nating iwan ang parolang
Magdidikta kung saan dapat
Ang nararapat na hangganan

Ng pagsagwan natin sa maalon
At malaon nang karagatang ito. Saglit
Nating ibaba ang layag at laya ng
Ating pag-ibig; ikubli ang panganib

Na nakaamba sa bawat paghampas ng
Tubig, sa bawat pagkabig ng dibdib, at
Sa bawat pag-igpaw natin sa hatol ng
Panahon. Saan man tayo ipadpad ng

Lunday na lundayan natin sa gabing
Ito, walang pagaalinlangang sundan
Natin ang bituing magtuturo
Patungo  sa ating mga sarili...
Para kay Khiwai.

Quezon City, Philippines
September 26, 2013
kung ikaw lamang ay iba sa iyong
   sarili at hindi itong anino
na may hawak na balaraw,
  mala-dagitab ang bilis ng iyong pagkabig
sa akin,   sana’y naririto
  ka pa ngunit

ikaw   at    ako
ay hindi   ikaw   at  ako at tila
  ikaw   at ikaw  lamang
na sana’y dalawa; waring kumpisal
  sa harap ng salamin,
kung mayroon lamang kasiguraduhan
at walang bahid ng alinlangan at itim
na katahimikan,

puspos ka ng pagdaramot
kaya naman
sa init ng paglisan at sa pagiimbot
  ng distansya,
ako’y tupok
    na
   tupok
Isang araw maririnig mo malambot Kong tinig.
Kalambutang nagpatigas sa iyong pusong pumapantig.
Pusong noon ay natutong umibig.
Natuto subalit nasaktan sa pagkabig.
  
Masilayan ka lamang ay labis na ang kasiyahan.
Makausap lang saglit umaapaw na ang kaligayahan.
Ang katawan ay nalantang bahagya nang maramdaman.
Mainit **** haplos sa hubad na katotohanan.
  
Subalit ikaw ay lumisan sa aking tabi.
Iba na ang dumadama ng matamis **** mga labi.
Sa pagmulat sa umaga Hindi ko na masabi.
"Mahal kita, Mahal kita" pagkat di ka na katabi.
  
Isang araw ako ay magigising at muling babangon.
Subalit di na para sa iyo sa limot ika'y ibinaon.
Ako ay tatayo upang harapin ang bagong hamon.
Sa kaluluwang lupaypay sa alaala ng kahapon.
  
Sa iyong pagbagsak ako ay aangat.
Sa iyong pagligwak ako ay masisiyasat.
Iyong hahanapin pag-ibig na nilapat.
Subalit pagtingin mo ay Hindi na sapat.
  
Kalambutan Kong nagpatigas sa iyong puso.
Di batid ang umibig subalit natuto.
Iyo mang sinaktan ang isang tulad ko.
Isang araw maririnig mo malambot na tinig ko.

— The End —