Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
faranight Apr 2020
nung bata ako, hindi ako takot sa dilim,
hindi ako takot magisa at umiyak, hindi ako takot magkasakit.
nung nawala si tatay, ayoko na matulog sa sala dahil walang bumubuhat sakit roon at tila ba mahika sa tuwing sa kama ako nagigising.
ayoko na matulog ng magisa,
ayoko na sa dilim,
dahil natatakot ako sa konsepto ng kalungkutan at pagiisa.
mahilig ako sa kape at ingay,
na gumigising sa natutulog kong kaluluwa
at sa ingay na ramdam kong may karamay.
ngunit natikman ko ang gatas,
na tila nagpapakalma sa puso ko sa tuwing tatawagin nila ang pangalan ko, ayoko na magkamali.
ayoko na ng ingay na tila nagsisigawan.
nakakataranta,
nakakakaba,
ang sikmura ko'y namimilit,
dibdib ay naninikip,
hindi ako makahinga,
hindi ko na makita ang liwanag,
hindi na ako makadama,
hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng saya,
nalimutan ko na kung kelan ang huling ngiti na minsang nagtagal sa aking mga labi.
hindi na ko makadama,
at ang tanging nararamdaman ko na lamang ay kalungkutan
malamig na simoy ng hangin na yumayakap sakin sa dilim.
hindi ako nagiisa,
dahil andaming taong nasa paligid ko,
ngunit dama ko ang pagiisa.
Sa aking pagiisa alaala mo'y aking kaulayaw

Ang dilim na bumabalot ay ang bisig mo

Ang dampi ng hangin ay ang marubdob **** halik

Hinahanap-hanap ko ang amoy mo

Ang marinig muli ang iyong halakhak

Maramdaman ang marahan **** paghinga

At ang init nitong kumikiliti sa aking leeg

Ang pakinggan ang musikang likha ng iyong dibdib

Sa marahan at maharot nitong pagkabog

Nilalangoy sa bawat tingin

Manaka-nakang mapapapikit

At ikaw nama'y patuloy sa pananaliksik

Lulunurin kita sa aking panunukso

Ikaw nama'y patuloy sa pagsuyo sa aking mga labi

Nilalaro ang guhit sa iyong palad

Inuukit ang ngalan at ang gabing iyon

Nakasanayan na ang paghagod sa iyong buhok

Linya ng pagngiti ay kabisado na

Hinaharana ako sa gitna ng dilim

Kay higpit ng iyong yakap

At ako'y napapasinghap

Bawat bahagi mo ay naging parte ko

At bawat parte ko ay naging bahagi mo

Tayo ay naging sanlaksa

Nanganak ng mga “ako”

Bumuo sa “tayo” ng uniberso



Maayos na ang kobrekama

Malamig ang titig nito

Punyal na tumatarak sa dibdib

Dugo ang bawat paghinga

Bakas ay nilamon na..

Tanging sa isip na lamang kita

makakasama sa tuwina

Nagngingitngit ang aking mga kamay

Mata ay pilit sinasara

Ang katotohana'y ikaw ay malayo na

Pinalaya.

Ikaw sana'y lumago

Ang dilim ang magkukubli sa pagluha

Ang hangin ang bibingi sa sakit

Humayon ka ng mag-isa.
Ang matinis na tinig ng isang libong nagkakalampagang bakal na maninipis ang tumili mula sa gilid ng 'yong ulunan,
Umaga na naman.
Mauuna ang pagbangon mo mula sa kama kaisa sa pagmulat ng iyong mga mata't pag-gising ng iyong diwang pagal sa 'di maalalang panaginip.
Ang hangin ay umihip--
Mula sa bintanang kumakaway gamit ang mga kurtinang bughaw sa paglisan ng gabi sa pagkamusta ng masalimuot na umaga.

Pumipihit na naman ang oras.

Pinanonood mo ang pagputok ng bawat bulang nabubuo mula sa pag-ugong ng kaldero buhat ng initsigan,
Bagay na 'yong kinaiinggitan.
Ang natatanging paraan para mapainit mo iyong umaga ay ang paglaklak ng kapeng 'sing pait ng pagiisa.
Tapos maliligo ka,
Pipihitin mo ang gripo para bumungad sa'yo ang nagyeyelong tubig na kumikitil sa 'yong kakayanan makaramdam.

Sana kumukulo rin yung tubig.

Pinanonood mo ang pagdating at paglaho ng mga pangitain ng isang 'di makatarungang siyudad ng maralita't dukha.
Paano pa nila nagagawang ngumiti?
Ika'y naririndi sa malalim na pag-ungol ng mga sasakyang minamaneho ng mga diwang humihiyaw sa pagkakakulong,
Sa pagkaubos ng oras.
Sinusulit mo ang ilang saglit na ang tanging suliraning iyong sinusumpa ay ang pagkahuli sa klase't mga responsibilidad.

Pagkakataon na naman ng buwan.

Huminga ka ng malalim bago mo nilapat ang 'yong palad na 'sing gaspang ng gasgas na pinto ng iyong bahay,
At dahan-dahan mo itong tinulak.
Nilanghap mo ang kulob na amoy ng hanging 'di magimbala sa segundong umapak ka sa loob ng yung 'di maturing na tahanan,
Isinara mo ang pintuan.
Kasabay nito ang pagsara mo ng iyong sarili sa buong mundong tanging inaalala lamang ang kanilang mga sarili.

Bumuhos ang iyong mga luha.

Ang iyong katawan ay nanginginig, ang isip ay nangingimbal at ika'y nangingimi sa kawalan ng katotohanan--
Ng 'yong pagkatao.
Maririnig **** umuugong ang iyong bulsa't napagtantong may nangangailangang marinig ang iyong boses,
Tumatawag si Mikoy.
Sa pag-sambit niya ng iyong pangalan ay napawi ang bumubagyong luha't naglaho ang unos ng 'di maintindihang lungkot.

Sa pagkakataong iyon, saka mo lang sinabing nakauwi ka na.
Check out more of my works on: brixartanart.tumblr.com
faranight Mar 2020
ikaw ay tila bituin at ako ang buwan. ang nanahimik kong puso at sanay sa pagiisa ay bigla **** sinamahan. mas lalo **** pinaliwanag ang madilm kong gabi. panandalian, minsan ikaw nawawala wala, madalas natatakluban ng mga ulap na tila inaagaw sa akin. manatili ka, pakiusap.

— The End —