Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagaalinlangang" poems
Noong araw na umamin ka Pikit matang sinabing, gusto kita Meron akong biglang nadama Dapat nga bang ipakita? Habang nakikinig sa iyong tinig May pagaalinlangang nadinig Tama nga bang making Sa nilalaman ng aking dibdib? Binigyang pagkakataon Sinubok natin ang kahapon Ngunit bakit ganoon Di ko na alam ngayon Takot akong aminin sa sarili Na baka ako'y nagkamali Pero mas takot akong aminin Na baka ako'y nakasakit Gusto kitang palayain Dahil di kita kayang yakapin Bigyang paumanhin Hindi nais ika'y paasahin
0
Nov 27, 2017
Nov 27, 2017 at 6:01 PM UTC
Paumanhin
Para sa atin ang gabing ito. Gaya ng iyong pangako, tayo Ay didito't papalaot upang Salungatin ang daluyong ng Ating mga damdamin. Saglit Nating iwan ang parolang Magdidikta kung saan dapat Ang nararapat na hangganan Ng pagsagwan natin sa maalon At malaon nang karagatang ito. Saglit Nating ibaba ang layag at laya ng Ating pag-ibig; ikubli ang panganib Na nakaamba sa bawat paghampas ng Tubig, sa bawat pagkabig ng dibdib, at Sa bawat pag-igpaw natin sa hatol ng Panahon. Saan man tayo ipadpad ng Lunday na lundayan natin sa gabing Ito, walang pagaalinlangang sundan Natin ang bituing magtuturo Patungo  sa ating mga sarili...
0
Sep 26, 2013
Sep 26, 2013 at 10:36 AM UTC
Layag