Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Jan 2019
Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan
Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang
Nagtapos sa elementarya na  kabilang sa mataas na seksyon
-Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong

Sa paaralang sekondarya ay namayagpag
Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak
Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na  katalinuhan

Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso
Puno ng mga tala ang mga kwaderno
Di man pala - kaibigan,
Kaklase sa nakaraan ay natatandaan

Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon
Agila naman ang kinabibilangan
Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon
Malapad na balawis, sa pagkumpay sa
dagat ay dumadaluyong

Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin
Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula
Dahil ba kay Dessa o di kaya
talento na Kanyang biniyaya
Donward Bughaw Apr 2019
Anong galak sa mukha
ang masabitan ng gintong medalya
at mabigyan ng sertipiko
habang ang pangalan ay tinatawag
sa sira-sirang mikroponong ibig tumutol
sa pagkilala
ng mga huwad na gurong
karamihan ay alipin
nang bulok na sistema ng paaralang
pinanahanan ng mahika-
ng mga baboy at buwaya!


© 2019
Masarap mabuhay nang puno ng mga pagkilala. Subalit, deserve mo ba talaga? O isa na naman itong ilusyong bunga lamang ng mahika.
Bawat linggo'y may ginaganap na pulong,
Ngunit ang isang ito'y natatanging pulong;
Gitnang Sanlinggo ang karaniwang tawag dito,
Ang bawat isa'y natututo mula rito.

May isang bahagi, kung tawagi'y Paaralang Teokratiko,
Na kung saan, sinasanay ang kakahayan sa pagtuturo;
Isang paaralang inilaan ni Jah para matutong magsalita,
Upang ang lahat ay maging epektibo sa pangangaral ng Mabuting Balita.

Dito itinuro ang mga paraan para tao'y mahalin,
Upang matulungan sila na kay Jehova'y mapalapit din.
Kahit sino ay puede sa paaralang ito,
Basta't kuwalapikado at handang matuto.

Teksto sa Linggong ito'y maingat na suriin,
At Espiritual na Hiyas ay dapat nating hanapin;
Ibahagi sa mga kapatid, ang ating nahukay;
Nang matulungan din sila na magbulay-bulay.

Midweek meeting dinisenyo para sanayin tayo,
Salamat kay Jehova dahil sa probisyong ito;
Lahat tayo ay samasamang sumamba;
Sa Gitnang Sanlinggong pulong  na Siyang nag-organisa.

— The End —