Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
isang hawak na di ginusto
nagsimula sa panghihipo
pag iisip mo'y kasing dumi
ng burak sa estero
nalilito natutuliro
magsasalita ba ako?
kapangyarihan mo'y inabuso
ginamit para bumango ang pangalan mo
para maitago mo ang halimaw na nagbigay ng lamat sa buhay ko.

Isang gabi! isang gabi lang!
nadurog ang pagkatao ko.
kinulong mo sa madilim na nakaraan tulad ng pagkulong mo  sa akin
sa madilim at maliit na kwartong iyon
mabilis ang pintig
naririnig bawat kabog ng dibdib
paralisa ang katawan
di makasigaw
tulong! tulong! mga salitang tila naipit
sa aking lalamunan.

halik na di ko ginusto
yakap na di ko hiniling sayo
mga hawak sa aking katawan
nandidiri ako sayo
seksuwal na panghahalay
di ko nararapat pagdaanan

lamat na di malilimutan
lamat na mananatiling parte ng nakaraan
di mo na ko maapektuhan
ang lamat na bigay mo
ang aapakan ko
ang magiging boses ko

para maparating ang mensaheng ito

walang sinuman ang dapat makaranas nito!
walang sinuman ang dapat mabuhay ng may takot mangyari ulit sa kanila ito.
walang babae ang mahahalay base sa kanilang pananamit, kilos o pananalita.

ang lamat na bigay mo,
andito man ito
pero di na ito hadlang
sa muling pag ahon ko.
Taltoy May 2017
Di ko alam kung kakayanin,
Pigilin, nag-uumapaw na damdamin,
Punong-puno ng pagsisi,
Kamay, tinuturo ang sarili.

Para bang ang mundo'y gumuguho,
Nababalisa, natutuliro,
Di mapigilan silakbo nitong puso,
Di mapatigil itong pagdurugo.

Mga luha ko'y parang papatak,
Dahil sa lungot at di sa galak,
Bakit naman kasi ako magiging masaya,
Kung ikay aking nasaktan sinta.
I don't know why but I really like this one.
kingjay Dec 2018
Sa kubo na giba-giba ay nagbuntong-hininga
Nakatigil ang tanaw sa museo ng damdamin
Sinasaliwan ang kaganapan
Umuugnay ang mga pangyayari

Mabini dumaan sa bangkete
Dali-dali na binigyan ng upuan
Lahing kayumanggi ay di-palatandaan
Tanyag sa bansag na "Pamilya ng Perlas ng Silangan"

Isalin ang buhay sa ibang anyo ngunit di ang nararamdaman
Diyosa ng kagandahan ang kahawig ng minamahal
Maigsi ang oras ng pag-ibig
Natutuliro nang walang hanggan

Nang una malapitan, pisngi ay naging krimson
Naasiwa tumingin sa mga mata
Kailan nagsimula ang pag-ibig?
Nais sana ito'y sambitlain

Gaya ng mayuming baro't saya,
Ang alindog ay mahirap iwasan
Hinibo ang isip pati kaluluwa
Nang wala na sasagip sa pagkaalipin ng kanyang kamunduhan
zee Aug 2019
unti-unti na lang bang masasanay?
tila nalanta na at wala nang buhay
ang mundo na sabay nating binuo
natutuliro, nababalisa at hindi mapalagay
ang dating mga usapang hindi maubos-ubos
ngayon ay para na lang kandilang nauupos

hindi alam kung paano, bakit at ano ang nangyari
bigla na lang nagbago; wala man lang pasabi.
nawalan na nga ba ng gana ang tadhana sa'tin
o sadyang ito na ang huling hantungan natin?

maaari bang samahan mo akong lumaban at agapan ang ating nararamdamang tinatangay na ng hangin sa kawalan?
akala ko ba'y sabay pa nating pagmamasdan ang marahan na paglubog na araw ngunit bakit tila parang mauuna pa ang ating istoryang hindi pa nga nasisimulan?
yndnmncnll Aug 2023
Ikaw ang simula at ang wakas
Panahon man ay lumipas
Sa iyong yakap ako’y walang takas
Aking pag-ibig sa iyo ay wagas

Ang ating pagmamahalan sa isa’t isa
Lumiliwanag nang parang mga tala
Hindi ko ninanais na ikaw ay magtaka
Huwag ka nang mag-abala pa

Ikaw ang kinang sa ‘king mga mata
Ikaw at ako’y iisa
Ikaw ang laman ng bawat pahina
Ang pamagat sa aking tula

Ang musika sa aking kanta
Kung ang pag-ibig ko sa iyo, sinta
Ay magiging isang sumpa
Habangbuhay akong manunumba sa dambana

Ayokong lumayo sa’yo
Ikakalungkot ng puso ko
Ika'y aking naging mundo
Sa iyo, mahal ay ako'y natutuliro

Hawakan mo lamang ang aking kamay
Ikaw lamang ang aking pipiliin sa habangbuhay
Ang aking minahal ng tunay
Ang makamit ka ay isang tagumpay

Ikaw ang aking biyaya
Ang dumating nang kusa
Ikaw ay mahalaga
Huwag kang mag-alala

Ikaw ay minamahal kong talaga
Ang aking puso'y sa iyo mas sumasaya
Ikaw ang aking dinalangin sa Poong Maykapal
Ang hinintay ko nang kaytagal

— The End —