Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natititigan" poems
Duwag ka pero salamat Salamat dahil hindi mo ako hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang Sa mga matatamis na salita na hanggang salita lamang Sa mga makahulugang tingin na hanggang tingin lang Sa mga masasayang kwentuhan na hanggang ala-ala na lang Mga salita, tingin at kwentuhan na hindi kayang ipadama ng mga yakap at haplos Dahil duwag ka Dahil andyan ka at andito ako Pinagdugtong lang ng isang pisong tumatawid sa libo-libong distansyang mahirap sundan Dahil hindi natin kayang tawirin dahil duwag ka...at duwag ako Oo, duwag din ako Duwag ako katulad mo Nakakahilo ang pagitan nating di natin kayang bitawan ng pangakong baka balang-araw ay magdikit din ang daliri at mabatid kung may kuryente bang dadantay sa umaasam na puso...dahil duwag ka at duwag ako Duwag tayong dalawang pumaroon sa espayong walang kasiguraduhan Pero napakatapang nating hinarap ang katotohanang nakakabit sa dalawa nating mga paa Na andyan ka at nandito ako Malayong-malayo Itong paang nagpipigil sa ating lumutang sa ligayang hatid ng mapangahas na damdamin; Hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natititigan ang mga mata mo Lagi tayong nakamulat at hindi kayang pumikit ng matagalan Dahil duwag ka at duwag ako At ito ay isang pekeng pangarap
0
Nov 21, 2016
Nov 21, 2016 at 5:37 AM UTC
21
Duwag ka pero salamat. Salamat dahil hindi mo ako hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya. Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang. Sa mga matatamis na salita na hanggang salita lamang. Sa mga makahulugang tingin na hanggang tingin lang Sa mga masasayang kwentuhan na hanggang ala-ala na lang Mga salita, tingin at kwentuhan na hindi kayang ipadama ng mga yakap at haplos Dahil duwag ka Dahil andyan ka at andito ako Pinagdugtong lang ng isang pisong tumatawid sa libo-libong distansyang mahirap sundan Dahil hindi natin kayang tawirin dahil duwag ka...at duwag ako Oo, duwag din ako Duwag ako katulad mo Nakakahilo ang pagitan nating di natin kayang bitawan ng pangakong baka balang-araw ay magdikit din ang daliri at mabatid kung may kuryente bang dadantay sa umaasam na puso...dahil duwag ka at duwag ako Duwag tayong dalawang pumaroon sa espayong walang kasiguraduhan Pero napakatapang nating hinarap ang katotohanang nakakabit sa dalawa nating mga paa Na andyan ka at nandito ako Malayong-malayo Itong paang nagpipigil sa ating lumutang sa ligayang hatid ng mapangahas na damdamin; Hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natititigan ang mga mata mo Lagi tayong nakamulat at hindi kayang pumikit ng matagalan Dahil duwag ka at duwag ako At ito ay isang pekeng pangarap
0
Feb 2, 2019
Feb 2, 2019 at 8:59 PM UTC
Salamat
Duwag ka pero salamat Salamat dahil hindi mo ako pinabayaang mahulog sa isang panandaliang saya Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang kathang isip lang Sa mga matatamis na salita na hanggang kwento lamang Sa mga makahulugang tingin na hanggang sulyap lamang Sa mga masasayang pag-uusap na hanggang alaala na lamang Mga salita, tingin at kwentuhan na hindi kayang ipadama ng mga yakap at haplos Dahil duwag ka Dahil nandyan ka at nandito ako Magkalayo tayong dalawa Pinagdugtong lang ng isang pisong tumatawid sa libo-libong distansyang mahirap sundan Dahil hindi natin kayang tawirin dahil duwag ka at ako Oo, duwag din ako Duwag ako katulad mo Nakakahilo ang pagitan natin Duwag tayong dalawang pumaroon sa espayong walang kasiguraduhan Pero napakatapang nating hinarap ang katotohanang nakakabit sa atin ang mga balakid Na nandyan ka at nandito ako Malayong-malayo Itong paang nagpipigil sa ating lumutang sa ligayang hatid ng mapangahas na damdamin Hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natititigan ang kislap ng mga mata mo Lagi tayong nakamulat at hindi kayang pumikit nang matagalan Dahil duwag ka at duwag ako Duwag ka dahil hindi ka lumaban para sa atin At duwag ako dahil hindi kita i-pinaglaban.
0
Feb 19, 2020
Feb 19, 2020 at 9:39 PM UTC
Duwag