Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AUGUST Sep 2018
Sa loob ng jeepney, akoy may kursunada
Ang babaeng gustong makilala, medyo suplada
Biglang tinanong nya ako, “bakit may itatanong ka ba?”
Kaya sagot ko, “wala akong itatanong, pero may kaba”

Kaba sa dibdib, dahil sa binigyan ako ng pansin
Mula sa binibining suplada at di ko yun akalain
Na magpapasaya at bububuo sa mahabang araw
Nang minsang napatingala sa kagandahang natanaw

Dagdag ko, “Magbayad na tayo”
Sabi nya, “bayad lang walang pang tayo”
Sinabi ko ulit “Miss, pwede namang pambayad ang ngiti,
(bakit?) kasi yung 500 mo wala silang panukli”

Sa loob ng isipan koy tumutula,
Sa labas ang mga mata koy natutulala
Nabighani ng ganda at napahanga
Di ko napapansin tulo laway labas dila

Ngunit sa mukhang tila nakasimangot
Napansin ko sa mga mata’y may lungkot
Kaya Ang magpasaya, kahit papano ay aking ginawa
Nang Minsan sana’y dumampi ang ngiti, at magbigay ng tuwa

Ginawa ko na ang simpleng galawan
Inaabot ang bayad, upang kamay nya ay mahawakan
Gusto ko din sanang malaman ang kanyang pangalan
Baka may pagasa kung sya ay liligawan

Wala man akong pera, mahalaga masaya
Wala man akong pera, basta katabi ko maganda
Wala man akong pera, basta wala akong sakit
Wala man akong pera, basta kami ay nagkalapit

Aking naalala, aking naalala.....
Wala pala talaga akong pera
Ni piso isa, wala sa bulsa
Pano na? Pano na?

Kaya ang ending ng love story,
Mamang tsuper I’m sorry
Pagtumigil na tong byahe,
Takbo sibat, handa na akong mag 123....
“magnda pala lahat ng aking tinitingnan
Kung larawan mo ang lang nakaharang”
-August

naisipan ko lang ang tulang ito dahil sa dami ng magagandang babaeng nakatabi ko sa jeepney na nahumaling ako. Masaya talagang mag commute lalo na kung may magandang katabi.
Nang ako'y napatingala sa mga tala
ang naalala ko'y si Bathala
kaya nama'y humingi nalang ako ng gabay
para sa aking napipintong paglalakbay

malayo man ang paroroonan
alam kong ika'y hindi malilimutan
saan man ako magpunta
ikaw pari'y makikita

sa aking mga mata'y
ikaw ang nasasalamin sa twina'y
ako'y magagalak
hanggang sa aking pag halakhak

gaano man kalayo
tayo ri'y muling magkakatagpo
hindi man bukas o sa makalawa
alam ko'y makikita ko rin ang iyong tawa

ani nga nila'y
magkalayo man, magkaibigan pa ring tunay
alam kong di ka bibitaw
dahil yan ang lagi kong hiling sa bulalakaw

paalam, sa ngayon
ang ating muling pagkikita'y sa Mayon
dahil pagdating ng panahong iyon
alam kong sa tuktok na tayo naroroon
kahit di halata... Oo mamimiss ko kayo... naniniwala pa din ako sa forever kahit bitter kayo HAHAHAH #ION5EVER ♡ ♡ ♡
kingjay Dec 2018
Maginaw ang hamog sa unang ulan ng Disyembre
Naging kristal ang mga alikabok sa Hilaga
Lumaganap ang kahel na tina sa dahon ng Makahiya

Tumataghoy sa kweba ng kapusuan
Ibigay ang sagot sa patlang na kalooban
Himutok ay hindi na lumubay
Nang natagpuan na mayroon ng kasintahan

Napatingala sa langit na lipos ng estrelya
Sa kubo na hinati ng dingding
Sa loob ay ang buhay na ikinatha
Sa kabila naman ay ang mga bagay na dapat ginawa

Ngayon ay nagtagpo ang himakas at dagat
Sa katagalan nang paghintay ng salita upang ibibigkas ay wala rin saysay sa kahuli-hulihan
Sa tugmaang ito'y nasawan

Wiligan ng bendita ang dating sanggol sa kamalayan
Kipkipin at itago ang lampin
Sa ambon, sa bintana ay napaisip
Paano kung hindi natutong magmahal
ACMP Oct 2015
Mainit-init na umusok-usok
Asukal, gatas, at kape aking hinahalo
Inihip ng onti at marahang hinigop  
Ng aking matikman ang lasa ay malabo
Kumuha ng asukal at inihalo
Nanaig ang tamis ngunit panlasa'y di kuntento
Kumuha ng gatas at inihalo
Nasamid naman sa tabang at dila'y napaso


Binaba ko ang tasa at mga mata'y natulala
Ramdam ang yamot sa aking tinimpla
Ako'y nagulat sa kapeng pinagmamasdan
Repleksyon ng iyong mukha biglang lumitaw
Ako'y napatingala, nariyan ka pala
Sabay hawak sa tasa at humigop ng bahagya
Bitbit ang ngiti sa muli kong pagtingala
Salamat dumating ka, tinama mo ang timpla.

— The End —