Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napapanaginipan" poems
Nakaw-Tingin Nang masilayan ka, Buhay ko ay sumigla. Nang makilala ka, Ngiti ko'y kakaiba. Nang ika'y dumaan, Sa aking harapan, Ako'y nag-alinlangan, Kung ika'y ngingitian. Hindi ko maiwasan, Na ika'y hangaan. Sa iyong kagandahan, Nagkakagusto ang kalalakihan. Laman ka ng isipan, Mukha mo'y napapanaginipan, Sarili ko'y di maintindihan, Damdamin ko'y naguguluhan. Tinangka kitang lapitan, Upang iyong malaman, Na kita'y hinahangaan, Gustong maging kaibigan. Nang tayo'y magkaharap, Wala akong mahagilap, Hindi ko mahanap-hanap, Ang salitang pangarap. Nalimutan ko ang katapangan, Naduwag ang aking kalooban, Hindi ko na napanindigan, Ang mga salitang binitawan. Torpe na kung tawagin, Kahit na ito'y nakaw-tingin, Sa malayo ika'y napapansin, Ako'y nagpapasalamat pa rin.
0
Mar 12, 2016
Mar 12, 2016 at 10:58 AM UTC
Nakaw-Tingin
Araw at gabi sa isipan ko'y laging kang sumasagi, 'Di malilimutan ang pagsasamahan sa bawat sandali; Kasama ka sa bawat oras na magdaan, Kung kaya't mga problema ko'y nalilimutan. Araw at gabi minamasdan ko ang kalangitan, Ngunit iyong mukha lang ang aking namamasdan; Sa'n man pumaroon, boses mo'y naririnig sa'king isipan, Hanggang sa pagtulog ko'y laging kang napapanaginipan. Araw ka ba? Dahil ikaw lang nagbigay liwanag, Liwanag sa buhay kong puno ng bagabag; At tulad ka ng gabi na puno ng katahimikan, Anupat nagdala ng kapayapaan sa magulo kong kaisipan. O' aking mahal, sinasambit sayo ng aking labi, "Ikaw ba'y Araw at Gabi?"
0
Mar 25, 2024
Mar 25, 2024 at 10:00 AM UTC
Araw at Gabi
Sa dinami-rami ng taong makikilala mo, Doon ka pa nahulog sa taong hindi ka gusto, Sa taong akala mo ay totoo, Sa taong nangakong pag-ibig ay 'di magbabago, Sa taong nangakong walang iwanan, pero bigla na lang naglaho't lumisan. Sa bawat araw na nagdaan, siya ay napapanaginipan, Sa bawat segundo't minutong lumilipas, hinihiling na sana siya ay makapiling, Sa bawat oras na 'di palagian , siya ang gustong makasama, Ngunit huli na, kasi masaya na siya sa iba. Para sa taong nang-iwan, sana masaya ka, Na kahit gaano kasakit, Mas pipiliin ko pa rin na makita ang iyong mga ngiti, Ngiting siya ang dahilan at hindi ako.
0
Jun 5, 2020
Jun 5, 2020 at 6:07 AM UTC
Para sa Taong Piniling Iwan Ka