Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.”
― Mother Teresa

May mga panahon sa buhay ko na nasayang, may mga darating pa siguro pero baka hindi ko na maabutan, tanging ang ngayon ang tangan ko sa aking palad. Sisiguraduhin ko na hindi ito masasayang. Gagamitin ko at pagyayamanin ang ngayon ko sapagkat ito lang ang oras na hawak ko. Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi nila ito tanggapin. Kahit ako lang ang tunay na aangkin sa aking simulain. Kahit malalim ang dagat na aking lulusungin kapos man ang bait ito’y aking gagamitin at titimbulanin.

Walang yumayaman sa pagsusulat ng tula at ang buhay ng isang makata sa panukat ng lipunan ay laging salat. Pero wala na akong magagawa napasubo na ako, matagal ko na itong nilimot at tinalikuran subalit para itong isang sumpang anino na laging nakasunod ayaw akong tantanan. Mabuti pa ang nag-uulat sa radyo at telebisyon dahil may nakikinig pero sa sumusulat ng tula bihira lang ang lumilingap. Putang-Ina bakit ba kasi ito pa ang nakahiligan ko?

Siguro dahil dito ako sumasaya, kasi nagagawa kong bigyang tinig ang tahimik kong isipan. Bakit kasi hindi na lang ako naging payak sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing pag-iisip? Bakit kasi masyado akong mapagmasid, mausisa at malikhain sa pagsasalarawan ng mga bagay-bagay? Bakit ayaw magpahinga ng aking diwa?

Hindi naman ako magaling sa tugmaan at sa pagkatha ng mga kinakailangang sukat kaya kinalimutan ko na ito. Pero may ulol na bumulong sa akin “ok lang yan may free verse naman e kung hindi mo kaya ipahayag sa tugmaan gamitin mo ang malayang taludturan”. Kaya ito nanaginip na naman ako ng gising at tinatawag ang sarili ko na isang “makabagong makata”. Putang Ina makatang walang pera at laging nangungutang. Buti man lang sana kung makukuha ko kahit ang kalahati ng tagumpay nina Walt Whitman, Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus at Francisco Balagtas o kahit na si Emilio Mar Antonio na lang – e tiyak na hindi naman.    

Kanina pa tumatakatak ang tiklado ng aking computer, ayaw ko nang magsulat pero may demonyo na tumutulak sa akin para gawin ito. Ayaw akong patahimikan ng putang-ina. Kaya’t heto ako at nagpupursige parin. Ang makabagong makata ay hindi na muling tatalikod sa tawag ng tulaan. Kahit walang pera magpapatuloy ako kasi dito ako masaya, masaya pero malungkot din. Ewan, madalas hindi ko maintindihan. Hindi ko na muling sasayangin ang natitirang oras ko.
biyangkally Apr 2016
Nag-iisa ako habang pilit kinikubli ang pighati,

Na sa'king puso'y mananatili.

Ako'y nalulumbay ngunit pilit na ngumingiti,

upang hindi nila makita ang lihim kong pagtangi.

Aking itinago ang lihim kong pagtingin sa iyo,

sapaggkat ayokong ako'y iwasan mo.

Ako'y kuntento na lamang sa ganito,

kumpleto na ang araw masilayan lang ang mga ngiti mo.

Dumarating sa punto na gusto kong sayo'y magtapat.

Pinapangarap na mga labi nati'y minsang maglapat,

ngunit alam kong hindi ito dapat,

sapagkat ayoko ang samahan nati'y biglang magkalamat.

Itatago ko na lamang ang aking tunay na nararamdaman.

Ayos lang sa'akin kahit ako pa'y mahirapan.

Wag lang matapos ang ating pagkakaibigan.

Mahal ko alam ko, ika'y hanggang panaginip na lang



"At bago ko makalimutan

Hindi mo parin ako maiintindihan

Kahit ika'y akin ng sinabihan

Ako ay nanaginip nanaman."
RK Oct 2020
Nagsisiliparan na yaong mga paniki,
hudyat na magsisimula na ang gabi
‘Di nakatakas ang kiliti ng paru-paro sa aking tiyan,
gayong maggagabi naman
Nakahanda na ang tinola,
para sa mga bisitang nais ay ang kamay kong nangangatog
Ngunit ‘di lang naman ako ang nanginginig,
kundi si Mario rin naman
Oh kay malas!
Tumilaok yaong manok,
nanaginip nanaman pala akong may irog,
na liligawan kagaya noong unang panahon.
George Andres Jun 2016
Nanaginip akong hawak ang mga kamay mo
Nagising akong hawak ang akin lang pala
Natitigan ko ang mga mata mo
Nangungusap, sana kilala mo rin ako

Nawala na ang kaba kung ika'y nababasa
Pero ikaw ay iniisip parin sinta
Isang araw sana kita'y makita
Nang di na malito, nararamdama'y makumpirma
62716
Kent Nov 2020
Ako ay nanaginip kanina
Tayong dalawa ay magkasama
Magkahawak nang kamay sa kalsada
Nagtititigan sa mga mga mata

Hindi kita iiwan kahit kailan
Sa aking sinabi siya ay nasiyahan
Ang mga katagang iyon ay nagmarka sa kanyang puso't isipan
At gayun din ang aking naramdaman

Nung tayo ay umuwi
Binigyan mo ako ng matamis na halik sa pisngi
Humingi ako uli
Ngunit ang tatay mo ay nandiyan kaya binigay mo ay matamis na ngiti

At nang sumikat ang araw
Ang nasa isip ko pa rin ay ikaw
Sa sobrang saya ako'y napahiyaw
Sa sobrang saya ako'y napasayaw

Tayo'y muling nagtagpo
Sa tagpuan king saan kita sinusundo
Sa lugar kung saan kita unang sinuyo
Sa lugar kund saan nagsimula itong kwento

Tayo ay muling namasyal
Sa lugar di ganun ka spesyal
Ngunit napapadama ang pagmamahal
Sa isa't isa na umaapaw

Hahaha!!Nakakatawa talaga
Tila bang nakalimutan ko na
Na ako ay makakalimutin ng sobra
Ito ay isang panaginip lang pala
Bakit ba nakalimutan ko?
fallacies Dec 2019
kinuha mo ang aking mga kamay- tinitigan mo ako
at sinabi mo, 'halika, lumayo tayo dito,' kaya tayo'y nagtungo
sa lugar na walang sakit at nakapanlulumong,
mga problema na ating dinaranas dati;
at nuon ding panahon na iyon,
nahanap natin ang tunay na kasiyahan
sa piling ng isa't isa, walang kamalayan
sa ibang tao sa paligid, pagkat magkasama na tayo;
wala nang problema na maaaring magdala ng bagyo

masaya na tayo, sa simpleng mga bagay na mayroon tayo
mga bagay na hindi man bago,
hindi man sapat para masabing masaya, pero alam ko,
ramdam ko, na masaya na tayo

pero
teka, ano ito?
Teka, bakit nawawala na
ang lahat ng nasa paligid natin
TEKA LANG! -sambit ng mga labi ko
yun na ang huling nasabi ko sayo

akala ko, masaya na tayo
sa mga simpleng bagay na  mayroon tayo,
mga bagay na hindi man bago
ngunit ngayon, bumalik na ang simple sa kumplikado
hinahanap ngayon ang saya sa salitang 'tayo'

pero nagising ako;
at kahit anong pilit na ipikit muli ang aking mga mata
at subukang mahimbing sa kaisipan na mayroong ikaw at ako
huli na ang lahat, di ko na maibalik ang panandaliang suyo
ng minsang nanaginip ako na mayroong tayo
(rough english translation)

you took both my hands- you looked at me
and said, 'let us go, far away from here,' and so we did;
to a place where pain would never find us,
where no problem would ever exist like the ones we had before;
and at that moment
we found true happiness
in the comfort of each other's arms,
oblivious to the people around us, for we are now together
no more problems that would bring us storms

we were happy and content, with the simple things
that we have, things that may not be new; things that
may not be enough to consider ourselves happy, but i know
for i feel, that together- we are happy

but
wait, what is this?
why can't i make up a single detail from your face
Wait, why is everything fading
'WAIT!-'
that was the last thing that i have told you

i thought that we were already happy and content,
with the simple things that we have, things that may not be new;
but now everything was the same as before,
what was simple became complicated again
desperately looking for the happiness in the word 'us'

but i woke up
and no matter how hard i try to close my eyes, and
try to fall asleep with the thought of me and you
it was too late, i could never bring back the temporary comfort
of that one time that i had a dream that there was an us

— The End —