Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakikipaglaban" poems
Paalam bayan kong sinilangan, sintang katagalugan, lupain na sinakop ng mga puting dayuhan; inalipin at binusabos ng higit sa tatlong-daan na taon. Kung hindi sana ako nakagapos ay nasa larangan ako ngayon, nakikipaglaban para sa iyong kalayaan; subalit ako ay binihag ng mga taksil na kalahi, kayumanggi ang kulay ng kanilang balat subalit ugaling Kastila sila. Alam ko na ito na ang aking wakas dadalhin nila ako at si Procopio sa dako na di namin alam; tanging diyos lang ang nakababatid sa aming sasapitin. Sa punglo kaya o sa talim ng tabak kaming magkapatid ay masasawi? Nalulumbay ako hindi dahil sa ako'y mauutas kundi sa pag-aakala na masasawi ako sa kamay ng aking kalahi. Kung dayuhan man lang sana ang sa akin ay papaslang mas matatanggap ko ito nang maluwag sa dibdib. Paalam mahal kong Oryang, Lakambini ng Katipunan, ina ng aking anak at kabiyak ng aking dibdib. Naiiyak ako sapagkat malungkot ang naging wakas ng ating pagsinta. Kung magtagumpay ang himagsikan at makamtan na ang layang inaasam wag sana makalimutan ang mga nabuwal sa parang ng digma. Kainin nawa ng lupa ang mga taksil sa bayan, lunurin ng baha ang mga nakipagtulungan sa kaaway, tamaan ng kidlat ang mga tampalasan na umibig sa dayuhan na mapang-alipin. Sumpain sila ng langit. Nakapiring ang aking mga mata subalit nararamdaman ko na malapit na kami sa dako kong saan babasahin sa amin ni Komandante Lazaro Makapagal ang hatol ng konseho ng digma. Payapa ang aking kalooban, walang pangamba. Alam ko na ginawa ko ang nararapat, kailanman hindi ako nagtaksil gaya ng kanilang ipinaparatang. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Rebolusyon.
0
Nov 4, 2017
Nov 4, 2017 at 12:05 AM UTC
REBOLUSYUNARYONG PAHIMAKAS NI SUPREMO ANDRES BONIFACIO (isang kathang-isip ng may akda)

Continue reading...
31
Bago ako magsimula , Gusto kulang sabihin sayong “kamusta?” Parang kay tagal na simula nang huling tayo ay magkita Hanggang ngayon hindi ko masabe kayat dadaanin kita sa Maikli kong tula …. Sa tulang halos buhay ko ang nilalaman , buong buhay na aking Minahal at pinaglaban ng hindi man lang niya nalalaman . .. Kahit na alam ko na sayo ay may nagmamahal at kayong dalawa Ay nagmamahalan patuloy pa rin ako sa aking pakikipaglaban Nakikipaglaban sa aking nararamdamang hindi ko alam kung bakit Kinakailangan , bakit kailangan kong pagdaanan kasi hindi ko kayang Iwaksi sa aking isipan at sa tuwing tatalikod ako sayo hindi ko Mapigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman … Nararamdamang kalungkutan ngunit napapalitan ng kasiyahan sa Tuwing ikay aking masisilayan , masilayan ang nagiisang dahilan ng Tuwa at pasakit na aking nararamdaman Pero kahit punong puno ng pasakit at pagdurusa ang dulot mo sa Akin wala akong pakielam … Kahit na sabihin ng iba na “TANGA KA BA ? MAHAL MO PERO MAHAL KABA ? Wala akong pakielam sa sabihin ng kahit na sino man , isa lang naman Ang laman ng aking isipan Ang oo at pero , OO ngat alam ko na sa puso niya ay hindi ako bagkus Iba ang siyang nanahan , Pero sa puso ko , ikaw ang siyang nagturong magmahal ng totoo kahit Na alam na walang dapat asahan Na ang salitang “TAYO” sa panaginip kulang makakamtam Pero kahit ganon paman ang kinalabasan , Masaya parin ako sa nagging resulta nang aking ginawa na tinatawag ng karamihan na “KATANGAHAN” Kase hindi kuman nagawang makamtan ang taong laman ng aking isipan ,at kahit Alam Kong sa panaginip kalang mahahagkan Atleast natutunan ko at nagawa kong lumaban at ipaglaban siya Kahit na hindi man lang niya nalalaman
0
Nov 3, 2016
Nov 3, 2016 at 9:56 AM UTC
kahit hindi man lang niya nalalaman

30
Hindi ako kumakain ng tae o umiinom ng ihi, Lalo namang hindi ako humahalik sa tumbong. Lumaki ako’ng mahirap at naranasan ko’ng maapi, Pero kahit kelan hindi sumuko ang diwa ko, Laging nakikipaglaban ang puso’t isipan ko. Nakabilanggo ako sa sistema na kinasusuklaman ko, Oo bilanggo ang katawan ko ng pangangailangan para Mabuhay pero mulat ang isipan ko. Ang hampas-lupa Ko lang na katawan ang nakabilanggo subalit ang puso at Isip ko kailanman hindi mapipiit. Nakikinig ako pero hindi ibig sabihin na naniniwala ako, Nagbabasa ako pero hindi nangangahulogan na tinatanggap ko ito. Ang malayang isipan ang pinaka-mataas na antas ng pakikipaglaban, Kailanman hindi ito masusupil, apoy ito ng kaluluwang hindi kailanman Mapapatay; mananatili itong nagliliyab. Hindi ako sumisigaw sa kalsada o nag-aarmas habang Nakakanlong sa mga gubat pero patuloy ako’ng tumututol. Ginagamit ko ang aking panulat sa paglaban. Rebelde ako’ng Lagalag na hindi matatahimik. Maangas ang aking panulat at Nagliliyab ang aking mga letra.   Rebelde, aktibista, radikal, militante, sosyalista, komunista, Ateista, anarkista – oo lahat ng yan ay ako. All in one ika nga, Kung saan ang dehado dun ako pumapanig ayaw ko sa mga liyamado Sapagkat karamihan sa kanila ay tarantado. Pro-labor, pro-masa Pro-poor siguro nga ganyan ako. Kaya marahil pro-Bonifacio ako at Hindi pro-Rizal. Kaya siguro idolo ko si Nelson Mandela, Gandhi, Malcolm X, Amado V. Hernandez at iba pang radikal kasi tulad nila meron akong Malayang Isipan.
0
Dec 2, 2017
Dec 2, 2017 at 7:40 AM UTC
MALAYANG ISIPAN

28
Isang magandang relasyon, Gawa sa purong ilusyon, Sa mundo ng makabagong henerasyon, Bat hindi totohanin ang ilusyon? Pagmamahal na huwad, Ako'y naloko agad, Dahil ika'y lubos na hinahangad, Bat ganyan ang iyong personalidad? Ika'y minahal ng sobra, Sukli ay pagmamahal na basura, Ako'y nakikipaglaban sa gera, At ika'y na sa isang sulok nagbibilang ng pera. Pambihirang pag-ibig yan, Pag-ibig na kalokohan, Ako'y nahihiya dahil ako'y ipinagpalit sa kayamanan, Kaya't ika'y kinasusuklaman.
0
Oct 14, 2018
Oct 14, 2018 at 12:06 AM UTC
Ilusyon
Hindi sa ayokong maging masaya Hindi sa ayokong makaahon sa lusak na iba ang nagdala Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili yan ang akala nila. May mabuti kang pamilya, ilang daang tropa magandang suporta Sabi ng lipunan, madali lang sumaya, gumalaw ka, sumayaw ka, sumulat ka ng kanta. Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa Depresyon ay hindi kathang isip. Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan, madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw. paano paano yan ang tanong nila. mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila. ngunit di nila alam, sa likod ng mga biro, ay lungkot ang pinagmulan sa likod ng mga tawa, ay mga sigaw "ang sakit sakit na!" sa likod ng mga talon at palakpak ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan kung pwede lang kung maari lang araw araw hiling ko lang ay makaahon sa kalungkutan kung tatanungin ako ulit, wala kong kasagutan. Hindi sa ayoko ng kasagutan, hindi sa ayoko lunasan. Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban. Wag nio ko husgahan, sinubukan ko, binigay ko ang kaya ko pero kapag nakikita ko na ang panalo bigla na lang ulit itong lalayo ngaunit hanggang andito ako, hanggat nakikipaglaban ako alam ko sa sarili ko may pag asa pa ako. at ikaw rin! alam kong malalim ang pinanggalingan alam kong ilang beses mo ding sinubukan alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo MALI Hindi ito ang magpapatumba sayo. Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo. Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas sa bawat pagsubok ng isa pa lahat yun napagtagumpayan mo na. kung hanggang kelan hindi ko alam ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa andun ka buhay ka lumalaban ka. Walang tiyak ang bukas pero wag lang mag alala HINDI KA NAG IISA
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:58 PM UTC
HINDI KA NAG IISA

58
Nais kong ipatid Ngunit hindi maihatid Dahil ika’y manhid Sa tuwing tumatagilid. Tinatanong sa isipan Ngunit ako’y nag-aalinlangan Dapat bang hawakan O ito’y pakawalan. Sinasambit ng labi Bawat salitang itinabi Sa paraang pasintabi Upang hindi madali. Sumusulyap lang sa’yo Tuwing ika'y nanunuyo Upang hindi lumayo Ang pagmamahalan niyo. Nandito upang alalayan Puso’t isipang naguguluhan Tumabi’t ako’y sandalan Dapatwat hindi pangmatagalan. Nais kong malaman Ano ang nilalaman Ng pusong nakikipaglaban Na walang kahahantungan.
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 3:56 AM UTC
Tatlong Salita Lamang