Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Dec 2017
Hindi ako kumakain ng tae o umiinom ng ihi,
Lalo namang hindi ako humahalik sa tumbong.
Lumaki ako’ng mahirap at naranasan ko’ng maapi,
Pero kahit kelan hindi sumuko ang diwa ko,
Laging nakikipaglaban ang puso’t isipan ko.
Nakabilanggo ako sa sistema na kinasusuklaman ko,
Oo bilanggo ang katawan ko ng pangangailangan para
Mabuhay pero mulat ang isipan ko. Ang hampas-lupa
Ko lang na katawan ang nakabilanggo subalit ang puso at
Isip ko kailanman hindi mapipiit.

Nakikinig ako pero hindi ibig sabihin na naniniwala ako,
Nagbabasa ako pero hindi nangangahulogan na tinatanggap ko ito.
Ang malayang isipan ang pinaka-mataas na antas ng pakikipaglaban,
Kailanman hindi ito masusupil, apoy ito ng kaluluwang hindi kailanman
Mapapatay; mananatili itong nagliliyab.

Hindi ako sumisigaw sa kalsada o nag-aarmas habang
Nakakanlong sa mga gubat pero patuloy ako’ng tumututol.
Ginagamit ko ang aking panulat sa paglaban. Rebelde ako’ng
Lagalag na hindi matatahimik. Maangas ang aking panulat at
Nagliliyab ang aking mga letra.  

Rebelde, aktibista, radikal, militante, sosyalista, komunista,
Ateista, anarkista – oo lahat ng yan ay ako. All in one ika nga,
Kung saan ang dehado dun ako pumapanig ayaw ko sa mga liyamado
Sapagkat karamihan sa kanila ay tarantado. Pro-labor, pro-masa
Pro-poor siguro nga ganyan ako. Kaya marahil pro-Bonifacio ako at
Hindi pro-Rizal. Kaya siguro idolo ko si Nelson Mandela, Gandhi,
Malcolm X, Amado V. Hernandez at iba pang radikal
kasi tulad nila meron akong Malayang Isipan.
Written by
JOJO C PINCA
911
   ---
Please log in to view and add comments on poems