Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpapansinan" poems
I. Dati, may isa akong matalik na kaibigan, Mabait s'ya at siguradong maasahan. Halos ng bagay aming napagkakasunduan. At alam kong ‘di n'ya ako iniiwan. II. Ngunit may kakaibang nangyari, Pinagpalit n'ya ako sa isang lalaki. Lalaking nagpatibok ng kanyang puso, Kaya’t ang sarili ko'y dinistansya ko. III. Nagkaroon ng lamat ang aming pagkakaibigan Madalas na kaming hindi nagpapansinan, At madalas na rin kaming hindi nagkakaintindihan. Anong nangyari sa amin? Anong nangyari sa'king kaibigan? IV. Siya'y masaya na sa kanyang kasintahan, Habang ako'y tuluyan na n'yang iniwanan. Nagpagpasyahan kong s'ya rin ay kalimutan, At sa listahan ng aking kaibigan siya'y aking inekisan. V. Sinanay ko ang aking sarili, Sinanay kong wala na s'ya sa buhay ko. Sinanay kong wala na s'ya sa sistema ko. Sinanay ko kasi alam kong mas makakabuti ito. VI. Maaaring kilala ko s'ya sa pangalan, Pero ibang-iba na ang kanyang katauhan. Kaya kayo, pumili kayo ng maaasahang kaibigan, 'Yung hindi kayo makakalimutan kailanman.
0
Jul 3, 2015
Jul 3, 2015 at 11:58 AM UTC
Ang Nakalimot na Kaibigan
Dumating na ang araw na aking kinatatakutan Yung araw na di na tayo nagpapansinan Hindi ko man to dapat nararamdaman Pero sa sobrang pagmamahal di ko na to kaya pang pigilan Alam ko naman na ako'y isang hamak lang na kaibigan At hinding hindi mapapasayo kailanman Alam mo ba kung bakit hindi ako nagbabago? Kasi mahal kita. Oo, mahal kita. gago Minura kita kasi kailanman di mo naman ako kayang mahalin Minura kita kasi ang tanga mo para di ako pansinin Ngayon ako itong nagpapakatanga kapapantasya sayo Oo gago rin ako para maghintay sa pagmamahal mo
0
Feb 3, 2016
Feb 3, 2016 at 4:10 AM UTC
Mahal Kasi Kita
Sa mundo nating ito, hindi imposibleng makahanap ng kaibigang totoo. Kaibigang tutulong sa'yo sa oras ng pangangalaingan Palaging nandiyan sa tawanan man o iyakan Ang natatanging mahal mo na hindi mo kasintahan o kadugo Ang taong nakamarka na sa iyong puso. ang aking mga kaibigan ay nagbibigay kulay sa aking mundo. akoy kanilang ipinagtatanggol laban sa mga masasamang tao. may mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintidihan, minsan ay hindi nagpapansinan ngunit sila parin ang sinasandalan at kinokopyahan. kahit na hindi ako mayaman , ako parin ay nauubusan ng pagkain paminsan-minsan. nagtitipid na nga ako pero ubos parin ang baon ko. OH! mahal kong mga kaibigan hindi ko na minsan matiis ang inyong katakawan. matagal na akong nagtitiis at nagtitimpi dahil palagi na lang kayong nanghihingi. dahil mahal ko kayo at pinahahalagahan ang pagtitiis ko ay kailangan.
0
Sep 9, 2014
Sep 9, 2014 at 11:22 AM UTC
Aking kaibigan!
Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex tatlo ang maglalakad nang napakalayo, mula pinakamasikip na eskinita sa Valenzuela hanggang pabrika para makatipid sa tricycle. Sayang din kasi. Dalawa siguro sa tatlong yun, babae, may tig-isang anak na dumedede pa at hindi pa talaga maiwan pero kailangan nang iwanan kahit mahigpit ang pagkakakapit sa tuwing paalamanan dahil mas mahigpit ang pangangailangan. Sa sampung rin sigurong manggagawa ng Kentex siyam yung nagbabaon ng kaning tinipid nung hapunan at ulam para hindi na bumili sa kainan. Yung isa siguro kakain na lang ng biskwit at tubig. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex siyam yung hindi na magbebreaktime para magmeryenda. Sayang ang bawat minutong titigil sa paggawa ng tsinelas, baka hindi umabot sa quota, baka mawalan ng trabaho bukas. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex dalawa lang ang nagpapansinan sa oras ng trabaho- yung magkaedad at magkatabi. Sayang ang bawat minutong tatakas ang atensyon sa ginagawa, baka mareject ang gawa, baka tuluyan nang tumunganga. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung hindi pa nakaranas ng fire drill. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung walang benepisyo. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung mababa ang sweldo. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung inaasahan ng pamilya. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa ang hindi mo kilala kaya wala kang pakialam mabigyan man sila o hindi ng hustisya.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:48 PM UTC
SIGURO, HINDI KO SIGURADO
Naalala ko noon, Hindi tayo nagpapansinan, Hindi tayo nagkikibuan, Hindi tayo naguusap, Lumilipas nga siguro ang isang araw na wala tayong pinaguusapan. Pero hindi mo lang alam kung gaano kita gustong mahagkan, masilayan, mahaplos ang iyong mga kamay. Noong mga araw na kapiling pa kita. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, kasi abalang abala ka sa ibang bagay. katulad nalang ng 'katext' mo Hindi mo alam kung gaano kita gustong kausapin. Hindi mo alam yun. Hindi. Hindi. Kaya ngayong wala kana :( tanging hiling ko lang naman kay bathala ngayon ay ang: Ibalik ang lahat. Ibalik ka nya. Ibalik ang mga araw na gusto kita yakapin. Ibalik ang mga araw na gusto kita hagkan. Ibalik ang mga araw na gusto kita kausapin. Pero alam kong malabo pa sa mata ng mga lola natin na mangyare ang ganung bagay. Kaya, eto ako. Kontentong kinakausap ka sa PUNTOD mo. Niyayakap ka sa Hangin. Kinakausap ka sa Dasal. Iniiyakan t'wing sasapit ang hating gabi. Hinahalikan ang LAPIDA sa PUNTOD mo. Pero alam kong alam mo na. Kung gaano kita gusto ng makasama ullit :'( Alam kong alam mo na. Gusto na kitang sundan dyan. pero hindi pa. Hindi pa. Hindi pa NGAYON. Dahil naasa akong, MABUBUO TAYO ULIT DI MAN DITO SA LUPA KUNDI SA KABILANG MUNDO #newbie #IMissMyMom
0
Jan 8, 2016
Jan 8, 2016 at 8:37 AM UTC
Paalam Na
Sa kasalukuyan, tayo'y magkaibigan, Sa kasalukuyan, ika'y aking hinahangaan, Sa kasalukuyan, laman ka ng isipan, Sa kasalukuyan, damdami'y nilalabanan. Sa kasalukuyan, walang tayo, Sa kasalukuyan, walang kahit ano, Sa kasalukuyan, di ito importante, Sa kasalukuyan kasi, tayo'y mga estudyanye. Sa kasalukuyan, di ko mailarawan, Itong ating pagkakaibigan, Ni hindi nga nagpapansinan, Kahit na magkasalubungan. Hahahaha, ako'y natatawa, Kahit man lang pangangamusta di ko magawa, Matapos magtapat na parang walang hiya, Hay nalang, ako'y bata pa nga.
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 10:58 AM UTC
Kasalukuyan
Ang binuo nating samahan Mga pasimple kong tawa sa banat **** linyahan Ang titig **** Hindi ko maipaliwanag Lahat iyan ay aking iingatan Hindi na nagpapansinan Wala na rin ang matamis na titigan Huwag kang Mag alala, ikaw ay tumahan Ang mga iyan ay hindi ko pahihintulutan Hindi ko hahayaang ang makinang **** mga Mata Ay mapalitan ng pagtinging naiilang Sa oras na marinig mo na ikaw ang nilalaman Mga titik na bumubuo ng iyong pangalan Hindi kailanman mangyayari Na sa iyo ay aking masabi Ikaw ang nais makatabi Ikaw lang ang sambit ng mga labi Hindi ko alam Kung kailan nagsimula Bakit ikaw na ang hanap ng mga mata? Nagpapanggap sa sarili, Hindi ikaw Hindi ikaw Paano mangyayaring sa kapit mo'y di bibitaw? Tuksuhan dito, tuksuhan doon Tila ba sang-ayon sa atin ang panahon Isang araw sa aki'y may nagtanong "Paano Kung kayo sa dulo ?" paano nga kung umabot tayo doon? Naisasala ng imahinasyon Pinapangarap subalit di lubos maisip Umabot tayo sa bangin ng limitasyon Mayakap ka, hanggang dito na lamang ba sa panaginip?
0
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 9:02 PM UTC
Kulungan