Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpapaka" poems
Minsan aking naiisip at naaalala, Mga panahong tayo'y magkasama, Mga panahong tayo'y masaya at malaya. Hanggang ngayon, Aking iniisip at nagpapaka-miserable, iniisip bakit ika'y aking isinantabi. Pasensya ka na, aking mahal, Ay mali, ikaw pala'y kaibigan na lamang. Sana kaibigan, ika'y maging masaya, Masaya sa piling niya, Siya na naghatid sayo ng munting ligaya. Kaibigan, ako'y masaya, sapagkat, ika'y aking nakilala, Ikaw na nagturo saking  umasa, At mabuhay ng walang kaba Salamat, kaibigan. Ika'y aking pinasasalamatan, sa pagmamahal **** sakin inilaan.
0
Dec 5, 2017
Dec 5, 2017 at 4:12 AM UTC
KAIBIGAN
at ang pagsusulat ay ang naging pagtakas sa mundong nagpapaka-mundo ngunit bakit tila hindi makapag-isip ng tema ng letra ng tugma na bumebenta ngayo'y parang walang kwenta 'di maitugma sa eksena at para bang ang pagsusulat ay isa na rin sa tinatakasan hindi matapos na kanta librong natigil sa gitna itong tula na pilit kong tinutugma palaging nais magsulat ngunit hindi makahanap ng kabuluhan sa lahat
0
Jul 6, 2020
Jul 6, 2020 at 9:22 AM UTC
kabuluhan
Ilang beses bang dapat masaktan upang matauhan? Ilang beses bang dapat masaktan upang ikay matutong sumuko sa laban? Alam ko na ika’y sobra nang nasasaktan pero bakit di mo parin siya magawang iwan? Di ka naman bulag sa katotohanan Pero bakit kaba nagtatanga-tangahan Niloloko ka na nga nang harap harapan Ikaw pari'y nabubulagbulagan Hindi ka pa ba nagsasawang paulit-ulit msakatan? Na palagi nalang ikaw ang luhaan? Alam **** sa inyong dalawa ikaw lang ang lumalaban Ngunit bakit baa yaw na ayaw mo siyang bitawan? Gaano ba ka hirap sayo ang pag bitaw? Sobrang hirap ba kaya di mo magawa? Nasasaktan ka na nga Durog na durog na nga ang puso mo't kaluluwa Ngunit ang pagbitaw ay di mo parin magawa Paulit ulit **** sinasabi “hayaan mo na” Mahal na mahal ko siya kaya hindi ako susuko sa kanya” Mahal na mahal mo  siya kaya ka ba nagpapakatanga? Kaya ka ba nagpapaka gaga? Kaya **** isakripisyo lahat para sa kanya Pinaglaban mo siya Pero ikaw ni minsan di niya nagawang ipaglaban ka Kaya tama na pwede ba? Wag ka ng magpakatanga pa Di ka sundalo na Lalaban kahit nasasaktan na’t sugatan Hindi ka naman laruan pero bakit mo hinayaan na ikay kanyang paglaruan? Wag mo nang hawakan kung sobra ka nang nasasaktan Matutong bumitaw kung ikay sobra nang nahihirapan
0
Sep 14, 2021
Sep 14, 2021 at 9:07 AM UTC
PAGBITAW