Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Krad Le Strange Aug 2017
Halika na, tara na
Hayan at giniginaw ka na
Nanginginig ang katawan
Habang ang mata'y pilit pinupunasan

Halika na, tara na
Hindi mo na kailangang itago pa
Pait na nadarama
Kay tagal nang binaon sa alaala
'Di na rin kasi kayang itago ng ulan
Bawat luhang naglalaglagan

Kaya't halika na, tara na
Sa aking payong, ikaw ay sumilong na
Hayaan mo na ang nakaraan
Sabay na lang nating bagtasin ang kasalukuyan.
Allan Pangilinan Jan 2023
Gabi na naman - oras na ng pagpikit,
Muling matutulog ng may maraming ‘bakit?’
Patuloy na naghahanap ng kahulugan,
Sa mundong kawalan ay naglalaglagan.

Babangon ulit sa bukas na ‘di tiyak,
Malungkot man ay wala ng maiyak,
‘Di rin alam kung nais pa ba ‘tong mabago,
Lahat naman ng buhay ay ‘di sigurado.

Ngayon ay aalalay na lang sa alon,
Sa dala nitong hampas at daluyong,
Baka bukas makalawa sinong mag-aakala,
Magigising nang nasa payapang dalampasigan na
Written 01152023

— The End —