Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Hi tita,
Kamusta?
Alam niyo naman po na matalik na magkaibigan kami ng anak nyo.
Matalik na kaibigan mo rin ang nanay ko.
Pitong taon na nung nakilala ko anak niyo,
Gwapo at matalino siya,
Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming naghahabol sakanya.

Malapit pamilya niyo sa amin.
Tita, Thankful ako na inaalagaan mo ako.
Binibigyan mo ako ng regalo tuwing birthday ko.
Minsan inaayusan mo pa ako,
Iniintindi ko kasi wala kang anak na babae.
Kulang na nga lang pati *****'t bra ibigay mo saakin.

Ikaw pa ang bumigay saakin ng napkin nung first time ko magkaregla.
Ilang beses na rin ako nakasakay sa kotse niyo.
Sabi mo pa ako ang mata mo na nagbabantay sa anak mo pag may pasok.
Lagi ko pong tinutulungan anak niyo.

Pero tita alam niyo po ba ano ang masaklap?
7 billion ang tao dito sa mundo pero anak mo pa rin ang gusto ko.
Pero alam niyo po ba ano ang mas masaklap?
Anak mo ang gusto ko pero kahit kailan saakin ay hindi siya nagkagusto.
Another poem that I used my language. It's too long because I don't know how to make it short. It's like I'm shouting out to someone. Hope you like it :)
Mel-VS-the-World Aug 2021
Kulang ka sa tulog,
Kaya 'di ka nananaginip,
Mulat ang mga mata,
Ngunit sarado ang isip,
Lumilipad sa kalawakan,
Habang humihigop ng hangin,
Mayrong puting usok,
Pumapalibot sa paligid,
May batong gumugulong,
Pinapaikot yung plastik,
tik,
tik,
tik,
Dinig mo ang pag-ikot ng kamay ng orasan,
Para bang may nagbabantay,
Andun sa dilim,
Pati yung nakaraan,
Dinadalaw ang buhay,
Takot ang sumisilip,
Ayaw kang lubayan,
Pag huminto ka saglit,
Mauubusan ka ng laman,
Gusto mo ay palaban,
Maglalaro ka ng apoy,
Kahit magka-sunugan,
Dahil matindi ang pangangailangan,
Yung tawag ng laman,
Pag nariyan sa harapan,
Hindi mo na matanggihan
Krysel Anson Sep 2018
Salitang Ingles na ginagamit para sa mamamayang nagbibigay-ingat
at nagbabantay sa mga tumatawid na mga manlalakbay
sa pagitan ng mga mundo.

Habang niyayanig ng mga kontradiksyon, panatiliin
ang sarili, tapusin ang mga paglalakbay ng walang patid,
Hindi dahil walang patlang, kung hindi dahil kabahagi ng pagsuong
maski dilim, patlang, at kawalan.

Patuloy na tumuklas at buuin ang sariling praktika,
hanggang tuluyang matutunan
kung paano tahimik itong pakawalan ng walang pag-iimbot o pagtanggi
sa Lawa na nagbabaga sa pagal ng mga kaluluwang
hindi na makalapag at makapagugat sa ilalim ng lupa,
ngunit hindi rin makauwi sa pinangakong lupa, langit at tubig
na ngayon ay isang lotto ticket, SDO, at mga gawa-gawang karapatan.
Ayon din sa matatanda, hindi ito mababago, at nabubuhay tayo para makidigma at patuloy na tumaya.#
English translation to follow.
85 Dumating na ang bisperas ng kasalan
Abalang-abala ang buong kaharian

86 Gayundin ang mga kawal na nagbabantay
Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay

87 Buong araw nakatalukbong ng kumot
Ayaw kumain, sa lahat nayayamot

88 Sa parang bata na may sumpong
Nakaantabay ang nilalang na buhong

89 Sa may tsimineya
‘Di randam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita

90 Lumitaw, lumubog ang buwan
Paggising ng lahat kinabukasan

91 Wala na ang prinsipe! Wala na!
Walang nakapansin! Naglahong parang bula!

-06/21/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 139
Louise 2d
Kada sinusubukan kong sumulat sa wika ng aking ina,
nariyan pa rin ang sa ama, tila nagbabantay,
tila ingay na pumupuslit sa gabing malumanay.
Tila ito konsensiyang kakatok sa aking pinto,
sa gitna ng mahimbing na tulog mga alas tres pasado.

Ang pangalan ng mga kalye sa aking siyudad,
ang pangalan ng mga kalsada sa pamayanan,
ano ang sa wika ko, alin ang sa'yo, at sa dayo?

Kada sinusubukan kong umawit sa Tagalog,
bubulong ang mga rondalla, gitara't iba pang instrumento:
"anong wika ng pangalan naming ito?"
Kaunti na lang ay tutula na rin ang aking kama:
"hindi ba't oras na para sa banyo?"

Ang pangalan ng mga bayani sa labanan,
ang pangalan ng mga ninuno ng angkan,
alin dito ang salin, ano ang sa Tagalog?

— The End —