Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lesoulist Mar 2015
PAG-IBIG, NAPA-KOMPLIKADO MO

NAGBUBUHOL-BUHOL ANG UTAK KO

MAPAGKUNWARI PA MINSA’Y SUSULPOT

WARI’Y NAGPAPANGGAP NA SUOT

MAPANGAHAS KA, AT WALANG PINIPILI

MATAPOS UMASA, PUSO’Y NASAWI

O MAPAGPANGGAP NA PAG-IBIG!

KAILAN KA MAKAKATIKIM NG GALIT?

TIWALA’Y NILAAN

PAGKATAPOS AY IIWAN

SUKDULANG HAPDI

KATUMBAS AY PIGHATI

HINDI MO BA NALALAMAN

KUNG GAANO KASAKIT MASAKTAN?

HINDI MO MANLANG BA TUTULUNGANG

MAG-HILOM ANG PUSONG NASAKTAN?

TATAWANAN MO NALANG BA

ANG PUSONG NAPILAYAN?

HABANG SA IYONG HIGAAN

IKA’Y SARAP NA SARAP SA PAG-HIMLAY?

O MAY AWA PA BANG NARARAMDAMAN?

SA PUSONG MINSA’Y MINAHAL

KAHIT HIBIK LAMANG NG BALIKAT

AY HUWAG SANANG IPAGKAIT

SA PUSONG MINSA’Y INIBIG
Isang umagang maaliwalas,
Lumingon ka sakanya
Bahagdan ng paghanga ay tumaas pa
Sinabi sa sarili, oo sana siya na
Agam-agam na nagtiwala ka,

Hanggang isang araw, hulog kana talaga
Pag-ibig na dumatal,
Akala’y totoo
Noon pala ay bunga lamang ng imahinasyong lito,
Akala mo siya na para sayo,
Ikaw lang pala nagkukumahog na maging kayo

Napag-tanto ang totoo,
Natakot ka,
Di alam kung paano kukumprontahin siya
Hanggang sa isang araw,
suko kana talaga

Wala na si kilig,
Lambing
O paghanga sakanya
Lahat naglaho,
Nang matuklasan ****,
Lalaki din pala ang tipo niya..
Malungot na pagwawakas diba?
Walang magagawa,
di ikaw nakaTADHANA sakanya.
041716

May mga bituing nais abutin,
Nangangalay ang diwa pagkat dapat habulin.
Ganoon pala ang pagtatagisan ng mga saranggolang itim,
Sisipatin ang isa't isa't may pandilig na patikim.

Ako'y musmos sa alok nitong ginintuang pangarap,
Dilubyo'y mabagsik bagkus may matinding yakap.
At doon matatagpuan ang haplos na hinahanap,
Ako'y alipin sa sahig na Langit ang sumusulyap.

Sa paglatag ng Liwanag na may bahaghari
Waring yuyukod siyang ulap na mapagkunwari.
At kanyang saplot, ihahanay nang sandali,
Saksi maging hanging nagtataingang-kawali.

Sa pagsalin ng hiningang latak ng kahapon,
Baon pala ang sakit hanggang dapithapon.
Ipipinta ang itsura ng sarong na maputi,
Siyang pupuri sa Langit na may bahid ng kayumanggi.

Tila baryang itinapon at nagkakalansingan,
Sa papag na mistulang may sawing kasintahan.
Mga tauha'y lalaban sa kuweba ng kadiliman,
At doon ang kandila'y panandaliang tatahan.

Babahagian ng yaman ang uhaw sa kalinga,
Hahagkan silang mga busal na walang isang salita.
Hanggang sa magkandiring muli sa saliw ng musika,
Silang tangan ang pising *may kakaibang mahika.
Bits May 2018
Kay tagal kong nag aantay
Bakit ang puso tila'y tumatamlay
Sa bawat pag patak ng oras ikaw ay inaantay.

Umaasa na ako ay maalala
Sa tuwing nalulungkot balinabalikan na lang ang mga matatamis na ala-ala
Hindi pa ba sapat ang mga sugat na dinadala

Saan ang sinasabi **** sandigan
Sa panahon na umuulan ng problema tila'y walang mapag silungan
Nasaan ang mga pangako mo na hindi ko naramdaman


Kailan kaya titigil masaktan ang puso na duguan
Kailan mag papahinga ang isip na puno ng katanungan
Sadyang manhid na ba ako dahil sa patuloy akong pinaglalaruan

Sinusubukan kong lumaban nang wala ka
Pero ang aking isipan ay nag sasabing tama na
Hindi pa ba sapat na magkunwaring masaya

Napaniwala ang mga tao sa paligid na ok lang sya.
Sa mga mapagkunwari **** ngiti, sila ay naniwala
Wala ba silang karapatan malaman ang katotohanan

Sa bawat pag bitaw mo ng mga salita
Ninanais ko ang iyong pag-unawa
Ang sakit na aking nadarama, tila'y binabaliwala
Ang marka na iniwan mo sa aking puso ay sariwang sariwa
Hindi ako manhid o pusong bato
Pinipilit ko lamang itago
Ang mga sakit na alam kong makakapag pabago sa isang tulad kong nabibigo.
Pinipilit makalimot
Sa mundong ito na ang buhay ay masalimuot
Sa pusong punong puno ng poot
Na ikaw mismo ang nag dulot
Hindi ko labis maintindihan
Sugat at pait ba nag dulot sa akin
Na puno ng galit.
Hindi ko rin labis maintindihan ang mga sinabi **** nararapat na dahilan.
Sa bigla **** paglisan
At ako'y nandito lamang naiwan sa kawalan.
Jun Lit Nov 2020
Bumalikwas ang madaling araw
Mapula ang sinag ng malamlam na ilaw
Mula sa pagkagupiling ng iniwang gabi
Isang paos na tilaok pinilit magsabi
Tila inutil na tuod ang unan at papag
Walang tugon ni tikhim man lang
para sa likod at ulong lumapat

Mapagkunwari ang kulambo
Lamok pala’y kalaguyo
Akala ng balana’y karamay
Sa magdamag na paglalamay
Batang ipinaglihi sa Sto Niño
Ibebenta pala sa demonyo

Naglaga ng kape ang among kapre
Butil daw ay hinirang ng musang na tumae
Galapong pala’y napanis na sapal
Nilagyan ng dagta ng nilinlang na bangkal
Bang-aw na ang panatikong tagasunod
Lublob na sa pusali, puwit pa rin ang hinihimod:

          Sayang ang kita, mamaya’y bayaran na!
          Copy-paste-post - sige pa!
          Ang perang kikitain ay mas mahalaga
          May paburger pa sina konsi at mayora
          O e 'no kung nasa poso ***** tanang kaluluwa?

Bayaning tangan ay tabak, tila nakanganga
Kinain na ng anay ang papel at pluma.
Brewed Coffee - 12; 12th in a series of poems mostly focusing on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.

— The End —