Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Feb 2019
Buhay ang tula
Dulo ay may tugma
Mga salita'y umaakma
Sa damdamin ng may akda

Huwag ka'ng mabibigla
At manatili na mamangha
Sa mga liham na katha
Na isip ang lumikha

Ang pagsuyo ay makata
Na walang pag-aakala
Ang tiyakin ay abala
Tiyak **** makikita

Ang paksa ng tula
Ay tiyak sa simula
Suriin ang salita
Sa puso ay nagmula

Ikaw ay mapapaibig
At titikom ang bibig
Manlalambot ang bisig
Sa tula na may tinig
By: JGA
Razbliuto Jun 2015
minsan naisip ko
isa akong sago

tigasin talaga
palaban

pero sa oras na lunurin mo ako
sa kumukulong tubig
titigil ako't manlalambot

isa lang kasi akong sago

tigasin
palaban

pero

natatakot din.

— The End —