Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AUGUST Sep 2018
Sa loob ng jeepney, akoy may kursunada
Ang babaeng gustong makilala, medyo suplada
Biglang tinanong nya ako, “bakit may itatanong ka ba?”
Kaya sagot ko, “wala akong itatanong, pero may kaba”

Kaba sa dibdib, dahil sa binigyan ako ng pansin
Mula sa binibining suplada at di ko yun akalain
Na magpapasaya at bububuo sa mahabang araw
Nang minsang napatingala sa kagandahang natanaw

Dagdag ko, “Magbayad na tayo”
Sabi nya, “bayad lang walang pang tayo”
Sinabi ko ulit “Miss, pwede namang pambayad ang ngiti,
(bakit?) kasi yung 500 mo wala silang panukli”

Sa loob ng isipan koy tumutula,
Sa labas ang mga mata koy natutulala
Nabighani ng ganda at napahanga
Di ko napapansin tulo laway labas dila

Ngunit sa mukhang tila nakasimangot
Napansin ko sa mga mata’y may lungkot
Kaya Ang magpasaya, kahit papano ay aking ginawa
Nang Minsan sana’y dumampi ang ngiti, at magbigay ng tuwa

Ginawa ko na ang simpleng galawan
Inaabot ang bayad, upang kamay nya ay mahawakan
Gusto ko din sanang malaman ang kanyang pangalan
Baka may pagasa kung sya ay liligawan

Wala man akong pera, mahalaga masaya
Wala man akong pera, basta katabi ko maganda
Wala man akong pera, basta wala akong sakit
Wala man akong pera, basta kami ay nagkalapit

Aking naalala, aking naalala.....
Wala pala talaga akong pera
Ni piso isa, wala sa bulsa
Pano na? Pano na?

Kaya ang ending ng love story,
Mamang tsuper I’m sorry
Pagtumigil na tong byahe,
Takbo sibat, handa na akong mag 123....
“magnda pala lahat ng aking tinitingnan
Kung larawan mo ang lang nakaharang”
-August

naisipan ko lang ang tulang ito dahil sa dami ng magagandang babaeng nakatabi ko sa jeepney na nahumaling ako. Masaya talagang mag commute lalo na kung may magandang katabi.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Set wide the window. Let me drink the day.”
― Edith Wharton, Artemis to Actaeon and Other Verses

Matapang, sino ang tunay na matapang?
Yung siga ba sa kanto?
O yung pulis na marami nang na-tokhang?
Hindi kaya ang senador ng oposisyon
Na laging bumabanat sa administrasyon?
O baka naman yung mamang komentarista
Sa radyo at telebisyon?

Saludo ako sa mga sundalo’t pulis na
Nakipaglaban doon sa Marawi. Walang
Sindak ang mga bombero na sumusugod
Sa nagngangalit na dila ng apoy.
Hindi matatawaran ang kagitingin ng
Mga nagpapakasakit para sa kalayaan
At kapakanan ng inang bansa.

Pero may ibang anyo ang katapangan
Na mas malalim at kahanga-hanga.
Ang katatagan ng puso at isipan sa gitna
Ng dusa at malagim na paghihirap.
Ang hindi pagsuko ng kaluluwang hindi
Kayang ibilanggo ng takot at banta ng paghihirap.

Si William Ernest Henley ang bayani ng
Katapangan na tinutukoy ko s’ya ay di nalupig
Kailanman. Hindi s’ya sumuko sa siphayo ng kapalaran
Hanggang sa huling sandali.

Pagnilayan natin ang kanyang Invictus:

“Mula sa gabing bumabalot sa akin,”

May mga kawawang nilalang na walang umaga
Ang kanilang buhay puro gabing madilim
ang laging umiiral. Walang liwanag, walang bukang-liwayway.
Mula pagkabata hanggang pagtanda puro hinagpis at pait
Ang kanilang laging sinasapit.

“Kasingdilim ng hukay na malalim,”

Maraming bangin sa buhay ng mga kapos palad
Na nakabaon sa dusa at hilahil. Hindi nila ito ginusto
Hindi kailanman pinangarap kaya’t hindi nila ito
Kailanman matatanggap.

“Sa mga diyos, ako’y nagpapasalamat”

Ang mga kawawang mahihirap at mga mangmang
Sa kaalaman na laging salat sa mabuting paliwanag
Ay laging nagpapasalamat sa diyos. Salamat sa diyos……
Hahaha….. walang diyos mga hangal. Kung may diyos
Wala sanang kahirapan at kaapihan na umiiral.

“Sa kaluluwa kong hindi natitinag.”

Katawang lupa lang ang sumusuko
Ang kaluluwa at pusong matatag
Kailanman ay hindi ito magagapi.

“Nahuli man ng pangil ng kapalaran,”

Ang pangil ng malupit na kapalaran
Ay laging nakabaon sa leeg ng mga hampas-lupa
At mga walang makain sa araw-araw.
Pero hindi nito kayang sakmalin ang mayayaman at
Ang mga burgis. Bahag ang kanyang buntot
Sa harap ng mga panginoon.

“Kailanma’y di nangiwi o sumigaw.”

Kahit sumigaw ka at ngumawa nang husto
Walang tutulong sa’yo, walang makikinig
Dahil bingi ang mundo at bulag ang mata
Ng panginoong mapagpala.

“Sa mga pagkakataong ako’y binugbog,”

Paos ang tinig ng mga inang mapapait kung humikbi
Mga pinanawan ng pag-asa at ulirat dahil sa pag-iyak
Walang saysay ang sumigaw – nakaka-uhaw ang
Pag-iyak magmumukha ka lang uwak.

“Ulo ko’y duguan, ngunit ‘di yumukod.”

Bakit ka naman yuyukod sa putang-inang kapalaran
Na walang alam gawin kundi ang mang-dusta at mang-api.
‘Wag mo’ng sambahin ang isang bathalang walang-silbi,
Lumaban ka at ‘hwag magpadaig.

“Sa gitna ng poot at hinagpis”

Galit at lungkot ito ang kapiling lagi
Ng mga sawimpalad. Malayo sa masarap
Na kalagayan ng mga pinagpalang sagana
Sa karangyaan at kapangyarihan.

“At sa nangingilabot na lagim,”

Nagmistulang horror house ang buhay ng marami
Walang araw na hindi sakbibi ng lagim, walang oras
Na hindi gumagapang ang takot. Takot sa gutom, sakit,
At pagdarahop.

“Mga banta ng panahong darating,”

Bakit ang mga walang pera ang paboritong
Dalawin ng katakot-takot na kamalasan sa buhay?
Ganyan ba ang itinadhana ng diyos na mapagmahal
At maunawain? Nakakatawa diba?
Pero ito ang katotohanan ng buhay.

“Walang takot ang makikita sa ‘kin.”

Tama si Henley bakit mo kakatakutan ang lagim
Na hindi mo naman matatakasan? Mas mabuti
Kung harapin mo ito ng buong tapang at kalma.

“Kipot ng buhay, hindi na mahalaga,”

Para sa isang lugmok sa pagdurusa wala nang halaga
Ang anomang pag-uusig at kahatulan na nag-aantay.
Impeyerno? Putang ina sino’ng tinakot n’yo mga ulol.

“O ang dami ng naitalang parusa.”

Parusa, ang buong buhay ko ay isang parusa.
Ano pa ang aking kakatakutan na parusa?
Hindi naging maligaya ang buhay ko ano pa
Ang mas malalang parusa na gusto mo’ng ibigay?

“Panginoon ako ng aking tadhana,”

Oo ako lang ang diyos na gaganap sa aking
Malungkot na buhay. Walang bathala akong
Tatawagin at kikilalanin ‘pagkat wala silang pakialam sa’kin.

“Ang kapitan ng aking kaluluwa.”

Walang iba na magpapasya sa aking tadhana
Ako lang hanggang sa wakas ng aking hininga
Ang dapat na umiral.

Si Henley ang tunay na matapang dahil kahit
Pinutol na ang kanyang mga paa, sa gitna ng sakit
At matinding dusa hindi s’ya sumuko. Ang kanyang
Kaluluwa ay nanatiling nakatayo.
George Andres Jul 2016
Nakita ko si Duterte
Nakita ko ang presidente
Nang bawian niya ng buhay ang isang residente
Siya ba ang nagbigay ng buhay na kahit walang laman
Pinipilit isalba ang hamak na katawan?
Pinipilit iukol lahat ng kagustuhan
Ang mamang iyon ay nais lamang ang kanyang tahanan
Nang bombahin ng trak ang barikada
Kinalabit ng pangulo
Makamandag na sandata’t lumabas ang punglo
Nasaksihan ng musmos ang pagsabog ng bungo

Nakita ko ang presidente
Sa pila PNR
Kung paanong tinusok niya ang bag na aking dala
At kung paanong ngumiti siya nang ako’y makaraan
At nang minsang ang tren, ako’y iwan
Sinamahan akong simpatyahan
Nang isang huli nalang ako na ay liban

Nakita ko ang presidente
Nang minsan akong pumunta sa palengke
Isang sanggol ang kanyang hinehele
Habang binibilang sukli ko sa bente
Nagkataong kulang pa ng siete
Itinulak niya ang isang bata
Binastos ang isang matanda
At isang babaeng di tinulungan sa dalahin
Binuska ang linya ng kanyang ipin

Nakita ko ang presidente
Nang bigyan niya ng tinapay ang isang pulubi
Nang hindi niya itinapon ang basura sa tabi-tabi
At sa kapwa matuwid siyang nagsilbi

Nakita ko ang presidente
Sa mata ng isang bata
Nagsisismulang isipin ang tama o mali
Kung sinong dapat idolohin
O kung dapat bang maging padalos-dalos at matulin

Tunay na siya ang salamin ng sambayanan
Ang piniling maging repleksyon ng paniniwala nati’t kakayahan
71216
Jose Remillan May 2017
matiyaga kang pinapasan ng
mamang nangumpisal sa salamin,
umami't umako ng karnal na
pagkakamali. habang ang karamiha'y

mga miron sa silong ng tirik na araw,
namamanata sa ritwal ng pag-ulit,
pagpako't pagpapasakit sa huling
Adan na nabayubay. upang ang

kapirasong kahoy ay maging kahulugan,
upang ang kahuluga'y maging ehemplo.
templo at tiyempo ng mga himno ng
mga epokrito't espasyo ng hunghang na

pagsamba.

ang balikat ay hudyong Kristo, ang kamay ay
romano. paano kaya kung ang idolo
ng impostor ay sa silya elektrika hinatulan,
papasanin din kaya ito ng walang alinlangan?
Kalabit, Takbo

Kakahiwalay lang ng buwan sa kalangitan
Disoras ng gabi, di pa 'ko naghahapunan
Kinailangan magtrabaho, kakasara lang ng tindahan
"Mamang Pulis, magandang gabi, anong inyong kailangan?"

Akbay, "may itatanong lang", aking narinig
Hindi ko na malaman, bat biglang nanginig
"Utoy balita namin ikaw ay sangkot"
Niyakap ng kaba, hinaplos ng takot

Pagsigaw na walang kinalaman
Suntok, sipa, mura ako'y pinaliguan
"Tama na po, may exam pa kinabukasan"
Animo'y mga bingi, mga kampon ng kadiliman

Kasalanang di ko alam pilit pinaako
"Mag uuwi ako ng pansit" kay bunso ko pinangako
Ngunit bilang na pala ang oras ko
Dalawang segundo, ang narinig ko lang ay "Kalabit, takbo"
Jun Lit Aug 2019
bukal na buhay, dalisay, malamig
agos ng pag-ibig
ni Mariang Makiling
mula sa kanyang dibdib

duyan ni Rana
nagpapatulog kay Troides
ipinaghehele si Buot
sa harana nina Balikasyaw at Tariktik
pook-sayawan ng mga bayawak
tuwing konsiyerto ng mga paagang
at mga kuliglig

ninuno ng Lawa
ina ng kapa-kapa
ama ni Strongylodon
kapatid ng tibig at lipa
among tunay ng kawayang-tinik
uway, gugo, saging na pula
Aristolochia

Kagalang-galang kay El Niño
kinakanti-kanti ni La Niña
paliguan ng mamang hubo
labahan ng aling maganda

naglalaro
ang batang takot sa engkanto –
bingwit, tampisaw, lukso
sa mga bato

subalit
ang polusyon –
tahimik na namamaybay
isang almuranin –
mabalasik
ang kamandag
nakalalason, nakamamatay
sapagkat
mga tao’y nagbubulag-bulagan,
bulag.
English Translation:
Molawin

a living spring, pure, cool,
flow of love
from the *****
of Maria of Makiling

cradle of the frog Rana
puts the birdwing butterfly Troides to sleep
sings lullabies to Buot, the cloud rat
accompanied by serenades from the passerine Balikasyaw
and the hornbill Tariktik.
dance floor of the monitor lizards
every time the cicadas and the crickets
have their concerts

ancestor of the Lake
mother of the magnificent Medinilla
father of the Jade vine Strongylodon
sibling of the riverine fig and the nettle tree
the true lord of the spiny bamboo,
among tunay ng kawayang-tinik
rattan, shampoo liana, red banana
the vine Aristolochia

Respected by El Niño
Tickled by La Niña
bathing place of the naked man
washing area of the pretty woman

there they play
children weary of the forest fairies –
line fishing, treading, hopping
among the boulders

but
pollution –
silently swims with the flows
like the cobra, that there also grows –
potent,
its venom
poisons, kills
because
humans feign blindness,
are blind.

Additional Notes:
Rana, Troides, Strongylodon, Medinilla and Aristolochia are scientific (genus) names of a frog, birdwing butterfly, the Jade vine, a magnificent-flowered shrub at a vine that serves as a butterfly larval host plant, respectively, all found along the areas of Molawin Creek; their use in this poem is an attempt to illustrate the important role of biology in understanding the intricacies, not only of Molawin Creek, but also of the entire Mount Makiling, a forest reserve in the southern part of Luzon Island, The Philippines..
MAMANG?

MALAYO NABA?

NARATING MO?

HOY, NAA

RAKO DERI....


MAMANG?

NAUNSA DIAY KA?

O NA UNSA KA?


MAMANG.... TINUOD
MANA...


IKAW?

— The End —