Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Miru Mcfritz Jan 2019
sa gabi ito nararamdaman ko
ang lamig kung saan ang katawan ko ay nanginginig
ang gabi na bilang lang
ang natatamaan ng liwanag
ng buwan sa daan


nag lakad ako sa dilim para
magpahangin at mag isip isip ng mga bagay na gumugulo at sumasagi sa utak ko
ito ba mga bituin tinitingala ko
ay totoo bang tinutupad
ang hiling ng mga tao?

o isa lang silang bagay na
palamuti sa itaas ng kalawakan
para maging matingkad
ang mga gabi at mag bigay ng
kislap sa itaas ng kalangitan
para matawag itong maganda

minsan naniwala ako sa kasabihan kapag nakita mo ito
sa kalangitan kung saan
ang pakiramdam mo ay hindi
mo maintindihan.
subukan mo ibulong sa bituin

at pagkatapos sabihin mo
dito ang mga gusto ****
mag bago sa sitwasyon na
naaayon sa kagustuhan mo
at ibibigay at magkakatotoo

sinubukan ko gawin ito ng
mataimtim. sinabi ko na lahat
ng aking hinanakit at sakit
ibinulong ko ito sa mga bituin
na may kasama pang luha
baka sakali sakin ay maawa

hiniling ko na sana ay bumalik ka.
yakapin ako muli at hindi kana aalis pa
hahawakan ang aking kamay
at sasabihin sakin hindi mo
kaya
hiniling ko rin na sana sabihin
**** mayroon tayo pa

ilang gabi pa ang mga dumaan
sinubukan ko mag lakad lakad
sa madilim na daan
at mag isip kung saan na ba
napunta ang mga hiniling

kung ito ba'y pagpapalain sakin
o ito ba ay mababaliwala
at mag lalaho lang din ng bula
kasama ng mga hiling ko
kung babalik ka pa ba

napag tanto ko kaya hindi
sinang ayunan ang aking
mga hiling ay parehas tayong
humiling sa bagay na
ginusto na mangyari para satin

ikaw na gusto **** bumalik sya
at mahalin ka ulit
ikaw na pinapangarap sya
ikaw na sana hindi na ulit kayo
maghihiwalay pa

at ako na umaasa babalik kapa
ako na nag hihintay at umaasa
ako na humihiling pa ng
pangalawang pagkatataon
para mahalin.
ako na sana ay piliin mo rin.

nabaliwala ang lahat ng hiniling para sa ating dalawa.
naisip ko na hindi naman
natin kailangan ang mga bituin
na to para hilingin ng mga bagay
na gusto natin

dahil tayo ang mga bituin
sumabog sa kalangitan pagkatapos ng ating mga hiling
para sa atin ay magpapasaya

tayo ang mga bituin tutupad
sa gusto natin mabago ang lahat
tayo ang mga bituin noon ay
nag ningning at nag sama
pero mali ang tinalikdang daan

tayo ang mga nawalang
bituin sa kalangitan at pinag
tagpo ng kapalaran at
pagkakataon para hilingin
sa bawat isa pero iba ang gustong makasama.

tayo ang mga bituin na yon
tayo ang mga bituin nag ningning noon
tayo yon
tayo ang bituin na yon.
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan
Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot
Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid
At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan
Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag
Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka

May mga bulalakaw na nagpakita.

Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo
Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato
Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa
Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka
Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa
Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik

Sabay-sabay tayong pumikit.

At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa
Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!"
At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling
Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin
Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan
At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan:

"Kailan kaya ulit mangyayari 'to?"

Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong
Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo
Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa
Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya
Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata
Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan,

Tayo ay masaya.

Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang
Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito
—Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga,
Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay,
Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito—
Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan

Sa huling pagkakataon tumingala tayo.

Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan
Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin
Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo
Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit
Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga
At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata

Hanggang sa huling bulalakaw,

Kaibigan,

**humiling ka.
Read more of my works on: brixartanart.tumblr.com
Eindeinne Moon Jan 2021
Isang salita, pitong letra
PAG-IBIG na mas mahirap pa sa Math Equation
PAG-IBIG na mas kumplikado pa sa Logical Reasoning
PAG-IBIG na mas mahirap sagutin kahit OO o HINDI lang ang isasagot
Ang utak kong ito na kahit ilang beses kong pigain ay hindi kayang sumagot

Na  kahit naipapakita ko na sa'yo na ikaw ay deserving
Ngunit di mo pansin ang aking naibibigay na effort and attention

Oh well, singtamis ng kendi ang salitang I LOVE YOU
Ngunit di mo feel ang aking love towards you
I have been praying that I hope you feel the same way too
Pero di ko pa alam kung kailan ito magkakatotoo
Anton Jun 2020
🖋//me

Kamusta kana?
Balita ko'y masaya kana
Nakakalungkot lang isipin na pag aari kana nang iba
Subalit wala akong magawa,
Dahil pinalaya kita

Masakit na makita kang kasama nya
Labis na nag dudusa sa aking nagawa
Iniisip na sana pinahalagahan kita
Di sana masaya tayo sa paling nang isa't isa

Patawad kung napagod ako
Kung mas pinili kong sumuko
Hinayaan kitang maglaho
At ngayo'y, heto ako
Umaasa sa salitang TAYO
na hindi na magkakatotoo

Sana pala pinaglaban kita
Sana pala hindi na ako kumawala
Sa pangako nating dalawa
Kase mahal, masakit pala
Masakit parin pala
Tama nga ang sinasabi nila
Na makikita mo lang ang tunay na halaga
Pag ito'y tuluyang nawala

Gusto ko mang' bawiin ka
Pero hindi ko magawa
Kase kita naman sayong mata,
Na masaya kana sakanya
Kaya kahit mahal kita,
Handa akong sumuporta
Sa taong gusto mo
Habang ginugusto kita.
#ManunulatPh.
#REPOSTED

— The End —