Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lucy Rodeo Mar 2021
Minsa'y gumawa ng himig ang langit,
Mga notang hinabi ng pulang sinulid,
Sa kumpas ng hangin at sayaw ng tubig,
Lumipad, lumaya ang awit ng pag-ibig.

Ngunit may sariling ritmo ang tadhana,
Banayad na himig sandaling nag-iba,
Umakyat, bumaba, bumilis at humina,
Makulay, mabigat ang awit ay kumawala
At unti-unting narinig mga lirikong nakatakda.
Shynette May 2019
Ako'y di pinapatulog ng kalungkutan
Laging nakatingin sa kawalan
Iniisip ano pa bang kulang
Patawad ika'y aking pinagkatiwalaan
Akala ko saya'y akin ng makakamtan
Ngunit nagkamali ako saking katwiran
Isa ka rin pala sa mga taong ako'y iiwanan
Todo pa ang galit mo dahil sa kwento kong ako'y naloko
Ngunit diko alam isa ka rin pala sa mga ito
Ngunit hayaan mo, okay na ako
Isinuko kona sa taas ang lahat ng problema ko
Magaan na ang loob ko, hindi na mabigat sa puso
Dahil alam ko dumating ka bilang isang lesson sa buhay ko
Salamat sa pagdating mo ako na'y natuto
Pangako huli na ito, isinusumpa ko
Ang araw na magtitiwala ako agad sa isang tao
Ay hindi na madaling mabuo gaya ng pagkakatiwala ko sayo
Dahil ayoko ng mabuhay malapit sa mga taong mahilig manloko
Akala mo kung sinong mabait, sya pala tong gago
Azumi Rabulan Jun 2020
Hindi ako handang tumanggap ng panibagong taong aking maikukwento sa ilalim ng tala at buwan
kung ang tanging kahihinatnan lamang ay mabigat na kasawian.
faranight Mar 2020
madalas kong titigan ang mga lubid na madalas ginagamit sa paggawa ng aming bahay.
namamangha ako dahil mabilis nitong naakyat ang mga bagay bagay kagaya ng semento.
minsan iniisip ko, ano ba ang mas mahirap?
ang paghila nito mula sa taas,
o ikaw mismo ang hinihila papaitaas?
hindi ba't parang parehas lang mabigat at nakakasakal?
mabilis rin kaya ako nito iaakyat sa kapayapaan?
o mananatili na lang nakalambitin at patuloy na lang malulunod sa kalungkutan?
#phpoetry #pinoypoetry #damndamin #maiklingtula
Enero Apr 2024
Inakyat ko ang kabundukang Kordilyera,
kung saan
mataas at matayog
ang mga sanga’t puno

bawat hakbang ko sa paisahe
ay mabigat pagkat
malumanay,
sa sindak sa panganib
ng paghulog
at pagpalya

walang polusyon dito ng mga sasakyan,
ni init ng mga nagtataasang gusali

sa lupaing ito,
hinarap ko ang mga anito
ng aking mga
pangangamba

ako'y lumuhod,
nag-alay ng dasal
para sa aking mga hinarap
at haharapin pa

kasabay sa indayog ng tinik
na tumatarak sa aking dibdib,
sa tibok ng aking puso
ang pagkalas ng aking mga dinadala

ako'y muling umakyat;
lumipad,
sa kabundukang Kordilerya

at bumaba akong
mas mataas
at mas matayog
sa mga sanga’t puno
Enero May 2024
Inakyat ko ang kabundukang Kordilyera,
kung saan
mataas at matayog
ang mga puno

bawat hakbang ko sa paisahe
ay mabigat ‘pagkat
malumanay.
sa sindak sa panganib
ng paghulog
at pagpalya

walang polusyon dito ng mga sasakyan,
ni init ng mga nagtataasang gusali

sa lupaing ito,
hinarap ko ang mga anito
ng aking mga
pangangamba

ako'y lumuhod,
nag-alay ng dasal
para sa aking mga hinarap
at haharapin pa

kasabay sa indayog ng tinik
na tumatarak sa aking dibdib,
sa tibok ng aking puso
ang pagkalas ng aking mga dinadala

ako'y muling umakyat;
lumipad,
sa kabundukang Kordilyera

at bumaba akong
mas mataas
at mas matayog
sa mga puno
Kurtlopez Aug 2023
Kung madatnan mo man ako na umiiyak huwag mo sana akong tanungin kung ano'ng problema, bagkus ay hayaan mo lang ako at kung sa kagustuhan mo hindi ko rin mamasamain ang pagtabi mo sa‘kin. Hindi kasi ako marunong magkuwento, hindi ko pa nasubukang maging bukas para malaman ng iba ang mga pinagdaanan ko. Nakasanayan ko na kasing magkimkim kahit mabigat na sa damdamin.

Kaya kung makita mo man akong luhaan, hayaan mo 'ko, huwag ka sanang mangusisa dahil kung gusto ko nang magkuwento tatakbo agad ako sa‘yo.
Aldous Ayala Aug 2017
si kris, ay may kris na kapit-kapit
madahas kumikinis mabilis hindi sumasabit
matalas malinis, malakas o dahan-dahan
mabigat at matulis di masasanggahan
Sa sulok ng Starbucks, naupo ako mag-isa,
Tasa’y may pangalan—pero di ko kilala.
Mocha sa loob, mainit na itim,
Parang damdaming pinilit kong takpan sa dilim.

May pangalan sa cup, sulat kamay ng crew,
Pero ang tanong: “Alin ba sa’kin ang totoo sa view?”
Grande ang size, pero hungkag sa laman,
Tulad ng puso kong pagod na magmahal nang lubusan.

Naghalong caffeine at hiningang mabigat,
Bawat lagok, may tanong na di ko mailapat.
Bakit tila lahat ng mabango ay may kirot?
At ang tamis sa dulo, parang huling halik bago lubos na pagkalagot?

May wi-fi at jazz, pero ang isip ko’y lagalag,
Habang ang sugat sa loob, dahan-dahang bumibiyak.
Barista’y ngumiti, sabi’y “enjoy your brew,”
Di niya alam, ito ang huling tasa bago ako maglaho sa view.

Lahat busy sa MacBook, ako busy sa multo,
Mga alaala **** ininom ko ng buo.
At sa dulo ng cup, may mensaheng nakasulat:
"Some stories begin with coffee..."
...pero ‘yung sa’tin, doon natapos ang lahat.
Jan C Jun 12
Pagod ang katawan, mabigat ang araw,
pero nariyan ka, kaya’t gumagaan ang galaw.
Hindi kailangan ng magarang tanawin,
balikat ko’t hikab mo’y sapat na aliwin.

Sa gitna ng usok, ingay, at pila,
may tahimik tayong mundo na tila
walang ibang tao kundi ikaw at ako—
dalawang pusong sabay humihinto.

Dahan-dahan kang sumasayaw sa tanaw,
kahit hindi kita kinakausap, alam **** ikaw
ang dahilan kung bakit di ko na alintana
ang layo, ang trapik, ang problema.

Sana'y huwag matapos ang ganitong tagpo,
kung saan ang simpleng pagtingin ay totoo.
Wala tayong yaman o oras na sobra,
pero habang magkasama tayo—sapat na.
https://open.spotify.com/track/1Sb17ULI2TTxIDKiqKV2zv?si=73819d9e94c145b9

— The End —