Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon
Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon
Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip
Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip

Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala
Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta
Pusong pinilit mabuo, maging bato
Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo

Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa
Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa...
Pinilit na wag lingunin ang nakaraan
Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan

Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin
Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin
Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw
Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw

Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko
Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo
Halika, mahal, halik sa tabi
Tulungan mo akong palayain ko ako...
Sa pagpikit ng mata, pilit kong kinukubli.
Baka ang luha ay mapigilan, tulad ng iyak, naging hikbi
Pilit na ikinulong ang mga tubig ng pait
Pilit na nilululon ang sakit, ang hapdi

Gumuguhit ang sakit sa puso kong nagmamahal
Hinihiwa ito, tila di na tatagal...
Nanataling pikit at luha ay pinipigilan...
Tulad mo sa pusong ayaw kang pakawalan.

Hindi na ba talaga ako mahal?
Kung hindi na'y, huwag na akong gawing hangal...
Hindi na ba talaga ako iniibig?
Kung ganun, pakawalan na sa iyong bisig.

Hindi ko alam ang mahikang dulot mo.
Hindi ko alam, bakit ikaw ang mahal ko.
Hindi ko alam, bakit ikaw ang sinisinta.
At ang mahalin ka, sadyang kay sakit pala.

Pagmulat ng mata, alam ko, ito'y bubuhos
Mga luhang kubli, sa pisngi, aagos
Ang hikbi ay magiging hagulgol
Mga sasabihin ko'y nakabubulol

Patuloy ko na nga kayang ikukubli ang sakit?
Patuloy na nga lamang ba ako na pipikit?
O hahayaan na lamang kumawala ang tubig?
Baka sa pagbuhos, mahugasan ang pusong umiibig...
Katryna May 2018
Paikutin mo ako,

Sa iyong palad,
Sa iyong mundong walang ibang alam kung hindi ang itago ako
Hindi para maging yaman,
Kung hindi itago ako sa salitang "akin ka lang".

Akin ka lang,
pero ikaw kahit kelan hindi naging akin lang.
Pero ako, sayo lang.


Paikutin mo ako,

Sa iyong mga salita,
Sa iyong mga ginagawa.
Ikulong mo ako, sa rehas ng pag-ibig na
Hindi pwedeng maging tama,

Sabihin mo,
nasaan ang susi na magpapalaya sa matagal mo ng kinukubli?

Mga pakiramdam na hindi masabi-sabi,
Tinago mo ng matagal,
Hindi mo sina alang-alang

Saan mo sinisilid ang iyong nararamdaman?

Sa kanya?
Sa kanya.

Nasa kanya ang susi ng iyong kalayaan
Ngunit nasa akin
ang susi ng iyong kaligayahan.

Na sa dilim mo lang nahahawakan.
Nasisilayan.
Nalalasap.

Sa dilim lang pwedeng magtama ang mga pinaniniwalaan nating tama.

Sa dilim na kapag pinasukan ng ilaw,

Maglalaho ng parang bula.

At ang salitang ikaw, ako

ay tuluyan ng mawawala.
Luna lunatic Jun 2020
Pilit inuunawa takbo ng tadhana
At mga pangyayari na pilit winawari
Sa aking mundong ginagalawan
Tadhana'y pilit kinakalaban
Upang mga pangako'y manatiling buo
At hindi kailan man mapapako

Ikaw ay aking nakapiling
Sa ilang araw na nagdating
Saksi ang buwan at bituin sa aking hiling
Na sanay hindi dumating
Ang araw na ika'y mawala sa aking piling

Iyong pangako ay aking panghahawakan
Kahit minsan ako'y nasasaktan
Sa mga araw na iyong kinukubli
Iyong kataohan sa akin

Teka teka sino nga ba ako?
Ano nga ba ako sayo?
Mga nangyayari'y napakagulo
Pilit kong inaayos ang lahat
At iniiwasan kung sino ang dapat
Ngunit bakit parang hindi sapat?

Kailan kaya masasagot aking mga katanungan?
Na kadahilanan ng aking minsang paglaho
Kailan ko kaya makikilala ang iyong buong katauhan?
Na kadahilanan ng aking pagiging toliro
Minsan kana ba nahulog sa taong estranghero ngunit hindi napigilan kaya lalong lumalim?

— The End —