Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jose Remillan Sep 2013
Hindi ang daan-daang kilometrong
lansangan at sanlaksang siklo ng oras
ang ating pagitan.

Hindi ang takot mula sa
pagkabihag ng mga uban
at oras, o ang pangarap na alapaap
ang ating pagitan.

Makailang ulit man tayong
igupo ng hapo at pagal
sa paglalakbay natin
patungo sa puso at pusod ng
ating mga kaluluwa,
wala tayong pagitan,

maliban sa pag-ibig natin sa isa't-isa.
Bacoor City, Philippines
August 2013
Stephanie Mar 2019
byernes.
isang araw lang pala ang hahatol
sa bawat oras na hindi tayo ang sandigan ng isa't-isa
isang araw na puno ng pagaalinlangan ngunit sa huli
ay natiyak ng puso kong hindi panaginip ang lahat
isang araw na tumapos sa lahat ng pangungulilang
akala'y hindi na mawawakasan
isang araw lang pala ang magtatanggal ng lahat ng mga takot
dahil paano kung sa pagtatapos ng araw na ito'y iiwan mo rin ako..
isang araw, at sa unang pagkakatao'y nahawakan ko rin
ang iyong mga kamay, sa iyong tabi natagpuan ang panibagong tahanan
wala nang kilometrong pumapagitan sa ating dalawa...
wala na mahal, pangako
at sa oras na matapos ang natitirang oras ng araw na ito
pangako, hindi na tayo kailanman paghihiwalayin ng tadhana
kahit pa humakbang na tayo palayo sa isat-sa
at kahit pa ilang kilometro nanaman ang sa atin ay papagitna
tandaan **** dala mo ang puso ko, at nasa akin ang iyo
naniniwala akong hihintayin mo ako at ganon rin ako
magtatapos ang marso bente dos ngunit hindi ang pag-ibig ko sayo
marami mang araw ang dumating ngunit ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin


hanggang sa muli, mahal.
{edited 4/27/19: dapat na ata tong limutin dahil iniwan mo na ko mahal]
Jose Remillan May 2016
Sa tuwing hahapon ka't
Tanaw ng matá, paglao'y
Aagawin ng jeep palayo,
Paulit-ulit kong hinahanda
Ang kilometrong di man
Kalayuan, animo'y madalim
Na ulap pa ring lumulukob

Sa'king kaligiran. Hihintayin
Ka't papayapain, sa pagitan
Ng pangitain at pag-asa, na
Ilang ulit mang ulitin ang
Saglit na paglayo, walang
Makakahadlang, tayo ay

Sasagpang at kukubli sa lingid
Na daigdig upang maging
Mangingipon ng oras, ng rosas.
Ngayon: bagyo sa labas, unos sa
Loob. Sa tuwing hahapon ka't

Tanaw ng mata, paglao'y aagawin
Ng jeep palayo. Ngunit hindi ang
Puso, hindi ang pagsuyo.
Stephanie Nov 2018
ilang hakbang pa ba ang dapat kong lakarin nang may piring sa aking mga mata para lamang makalapit sa iyo
patuloy na nasasabik sa mga araw na lumilipas ngunit hindi pa rin tanaw ang liwanag na magsasabing may pag-asa na
para mayakap at mahagkan ka ng walang kilometrong pumapagitan sa ating dalawa kundi tanging silakbo ng dalawang pusong tumangis ngunit pinagtagpo ng pag-ibig

— The End —