Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"katubigan" poems
An katubigan han sapa, May iya iya man nga ganghaan, uusa la an pag-lalagosan. Tipakadto pakig-urusa ha kabutngaan hiton dagat. Tubig ako hin sapa. Ikaw man in tubig han sapa. Usa nga paglaom nga akon kakaptan. Nga ikaw ug ako, magigin' usa nga dagat ha takna nga magkatarapo kita -nga katubigan han sapa. (You, Me, And The River Water) The river water May each have their own separate passage Will always find its way in a similar course Going to that meeting In the middle of the ocean I am a river water You are another river water A hope, I will keep holding on A hope, that you and I Will be one ocean Coming that moment of meeting Of us-the river waters
0
Sep 5, 2015
Sep 5, 2015 at 4:00 AM UTC
Ikaw, Ako, Ug An Katubigan Han Sapa (You, Me, And The River Water)
Sa aking pinakaunang alaala ako’y nalulunod sumasabay sa pwersa ng agos tumatama sa mga hitang walang nakakaramdam sa pangyayari sa ilalim tanging nakikita ko lamang ay ang bughaw na katubigan at mga bulang pilit kumakawala sa aking bibig. Tanggap ko na naman kung yaon na lamang ang itatagal ng aking munting buhay handa na ako sa aking kasasapitan, nang may mga malaking kamay na inahon akong walang hirap patungo sa liwanag na inakalang hindi ko na ulit masisilayan. Labing siyam na taon na ang lumipas biglang tumimo sa utak ang pangyayaring nagpalapit sa kamatayan paano na lang kung yaon ba’y natuloy mababago ba ang buhay nang mga taong nakasalamuha ng mga sumunod na mga panahon? Sapagkat isa lamang akong basura na parang muling binalik nang mawaring may pag-asa pa upang muling gamitin at muling maging patapon sa mga matang mapanlait dito sa mapanlinlang na mundong patuloy na umiikot para ipamukha sa akin na isa akong pinaka walang kwentang tao.
0
Jun 25, 2016
Jun 25, 2016 at 10:13 AM UTC
Pinakaunang Alaala
kaya mo bang lumangoy? handa ka ba sa posibleng taas ng alon, sa posibleng lalim na kailangang lusubin? kaya mo bang mag-isa? sa gitna ng malawak na asul na katubigan, sa posibleng pag-iba ng simoy ng hangin - kaya mo bang umunawa? kaya mo bang sabayan ang alon? kakayanin mo bang sumubok? sa kalaliman ng tubig, kapag naramdaman mo ang lamig, sa iyong paningin, mayroon bang pagsisisi?
0
Sep 2, 2024
Sep 2, 2024 at 12:11 PM UTC
sa kalaliman