Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kagagawan" poems
Ako ay isang pulis, Natangal sa Serbisyo dahil sa paniniwala kong mali ang naging paghusga sa aking pagkatao, Naglingkod sa bayan ngunit nauwi ang aking paghihirap sa hindi tamang pagpataw ng parusa, Sa aking serbisyo, Sa aking pagkatao, at sa pangalan ko. Kayat nagawa ko ang desisyong ito, Wag niyo akong sisihin dahil tao lamang ako, Nasasaktan at humihingi ng katarungan sa sistemang di makatarungan ang dahilan, Sino ba naman ang matutuwang mapagbintangan, sa mga krimeng pinaniniwalaan kong di naman ako ang may kagagawan? Mga turista ang aking ginawang pananga, Dahil di naririnig ng binging sistema ang mensahe ng sarili nilang mamamayan, Kayat sila ang napili ko upang maintindi ako at magawan ng paraan, Bitbit ko ang aking baril, Hawak ko ang aking kutsilyo, Ngunit wala akong balak na gamitin ito upang masimulan ang pagkakagulo, Isa lang naman ang hiling ko, ANG MAPANSIN AKO NG BULOK NA SISTEMANG PINANGALINGAN KO.
0
Aug 24, 2010
Aug 24, 2010 at 3:46 PM UTC
In Mendoza’s Mind...
Eto na naman ako Nababalisa, hindi malaman kung hihiga o uupo Buong araw na akong ganito Hindi malaman kung nasiraan na ba ng ulo Ibang klase talaga kapag tinamaan Sino ba talaga ang may kagagawan? Para akong sago Habang ikaw naman ay gulaman Dalawang bagay na magkaiba Ngunit swak kapag pinagsama Pero saglit, teka, taympers ako'y naguguluhan Ano ba talagang meron saiyo babaeng nilalang? Puso ko'y nabihag mo ng walang pakundangan Alaala kapag kasamay ka ay hindi ko malimutan Ang iyong ngiti ay walang kaparis Mga tingin na sobrang tamis Makasama ka lang ay parang nasa alapaap na Tunay ngang hindi makakalimutang tumawa Kung mabasa mo man ang tulang ito Eto ang sasabihin ko saiyo: Gagawin ang lahat para lungkot mo ay mapawi Dahil ang tanging gusto ko lamang Makita ang ngiti saiyong mga labi
0
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 2:09 AM UTC
Ano ba talaga ang meron ka?
Nakakaiyak nga pala ang pag ibig Yung tipong hirap ka ng ipahiwatig Yung kahit ilang beses **** sinabi na suko na Sasabihin parin nya sayo na laban pa Gusto kong umiyak, gusto kong magwala Gusto kong iparamdam sayo kung anong pakiramdam ng binabalewala At habang tumatagal lalo itong lumalala Lumalala ang sugat sa puso ko kagagawan ng iyong bala Kasabay ng mga manininging na bituin Ay ang hangarin na ako'y iyong palayain At kung ang ating landas ay muling pagtatagpuin Ang tanging hiling ay sana'y walang hadlang satin
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 7:58 PM UTC
Ang Tula ng Pag-ibig
Sumusulak ang aking dugo Nang ang pag-ibig mo'y maglaho Ngayo'y hinuhugasan ng dugo Ang puso kong nabigo Mapapait na luha ang iyong iniwan Nang sa iba'y sumama ng tuluyan Pinagngalit ang aking damdamin Nang sa kaibigan ng sawimpalad umibig Ngayo'y itinataboy sa libingan ng karamdaman Na ikaw mismo ang may kagagawan Halos magpalikaw-likaw ng daan Nang ako'y iyo nang iniwan Kakaibang kislap ng mga mata Ang sa iyo'y aking nakita Sumilid sa aking isip Siya na ba ang laman ng iyong panaginip?
0
Nov 13, 2019
Nov 13, 2019 at 7:44 AM UTC
Bigong Pag-ibig