Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
bakit kailangan sa harap ng iba Kunwari nakangiti ka?
kahit ang totoo sa loob loob mo hindi naman talaga.
bakit kailangan sa paningin ng iba  ipakita **** Kunwari matatag ka?
kahit na ang nararamdaman mo ay nanghihina ka.
bakit kailangan sa kaalaman ng iba Kunwari malakas ka?
kahit ang totoo mabubuwal ka na.
bakit kailangan sa harap ng iba mag kunwari masaya ka?
kahit ang totoo durog na durog kana.

Dahil ba mas ok ng malaman nila na ok ka,kaysa ipaliwanag pa yung totoong nilalaman ng puso mo?
O Mas maigi na siguro ang mag Kunwari kaysa ipakitang Mahina ka.
kasi hindi lahat ng pinapakita sayo na Pag-aalala ay totoo.
not all people that showing you a care is real.sometimes they just ask to get some information  to make you down.
novembergirl Nov 2018
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin?
Simula't sapul hanga ako sa iyong angking
Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing
Napukaw mo ang aking damdamin

Noo'y di lingid sa aking kaalaman
Ikaw pala ay aking magiging kaibigan
Usap nang konti, tawanan sandali
Marupok na puso'y pilit winawaglit

Mali bang ika'y aking pangarapin?
Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin
Konting asaran na lang at ako'y matatangay
Sa iyong mga matang laging nagpupugay

Ngunit sabihin man nating gusto kita
Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa
Takot masira kung anong meron tayo
Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
Hoy! telebisyong may pakpak
kaalaman mo ba'y gaano kalawak?
Hatid ba nito'y ulong tipak?
o kalansing ng ginto't pilak?
8 Isang hamak na mangingisda
Itong si Agus na makisig at masigla

9 Mga magulang niya’y kaytagal nang payapa
Kaya natutong mamuhay mag-isa

10 Gamit ang mga gawang-kamay nito –
Lambat, sibat, panggaid at isang baroto

11 Sa ‘di pangkaraniwang palad ay kasinggulang niya
Ang natatanging prinsesa ng bayan nila

12 Lingid sa kanyang kaalaman
Si Dara ay lagi siyang pinagmamasdan

13 Halinang-halina sa binatang kaygwapo
Dagdag pa ang katawang matipuno

14 Minsan naring natikman ng dalaga
Ang mga huling lamang-dagat ng binata.

-06/22/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 142
21st Century Aug 2018
Isantabi muna ang takot sa dilim. Isantabi muna ang nasaktang puso . kalimutan muna ang mga mapapait na nakaraan at  tayo ay magkaisa para bigyan pansin ang wikang Pilipino na unti unting nalulunod dahil sa impluwensya ng mga banyaga. nakakalungkot isipin na hindi na pinapansin ang sariling wika nakontento na tayo sa kaalaman tungkol sa wika . nakakalimutan na ang kahalagahan at kaimportansya neto sa bansa. Nasaan na kayo?
43 Samantalang si Pina
Nakatali narin pala

44 Sa isang binata na malaki
May lahing halimaw kasi

45 Iyon ay lingid sa kaalaman
Ng dalagang kasintahan

46 Kaya isang araw nang mapagtanto
Ng binata ang itinatago

47 Na lihim ni Pina
Tungkol sa ka-irog niya

48 Nagwala ang halimaw
Kay Ihib bumulahaw

49 Agad itong sumugod
Nang pagtatagpo’y napanood.

-07/10/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 163
Caitlin Oct 2022
Nakadungaw ako ngayon sa bintana.
Umiihip yung hangin papasok,
nag-iingay,
tila binubulungan ako ng kalawakan:
“Handa ka ba sa
paparating na katapusan?”

Subalit walang hanggang nakikita
ang kalungkutan na ito.
Sa umpisa palang,
noong sinimulan natin ‘to,
talo na agad ako.

Hinihintay ka na niyang bumalik.
Ako din, mayroong nag-aabang
sa aking pag-uwi.
Hindi nila alam
na nagpapakapasaway tayo.
‘Di nila alam
kung gaano tayo kasaya.

Naaalala mo pa ba yung gabing
bumyahe ako pa-kyusi
para lang makita ka?
Kahit ngayon, habang ako'y nagsusulat,
pinapakinggan ko yung kantang tinugtog mo
nung pagdating ko.
Nasa pinaka-likod ako noon ng inuman, pero
nahanap mo parin ako.
Tapos buong gabi, pasilip-silip ka na —
akala mo di namin nahahalata,
pero yung titig mo’y
sumunog ng landas
patungo sa akin.
Halos binahagi mo ang buong madla.
Sa umagang sumunod,
unang beses mo akong ihatid pauwi,
at unang beses mo rin akong hagkan.

Habang ako’y nagsusulat ngayon,
napapaisip,
hindi ko alam
kung kailan tayo magkikita muli —
Pero sapat na sa akin ang kaalaman na
yinayakap ka niya
tuwing tumutulo ang iyong luha.
Sapat na sa akin
ang makita ang pangalan mo sa telepono
kahit na wala ka namang mensahe.
Sapat na sa akin
na naaalala mo ako,
kahit na paminsan-minsan lang.
Sapat na sa aking ika'y magligaya
kahit na sa dulo ng lahat,
ako yung talo.

Kaya sa ngayon,
maninigarilyo muna ako dito sa bintana,
maghihintay nalang sa susunod na minsang
maalala mo ulit ako.
salamat sa panandaliang ligaya.
92 Lingid sa kaalaman ng lahat
Sa katotohanan sila ay sinalat

93 Sapagkat ang kanilang prinsesa
At hinirang na prinsipe sa tuwina

94 Ay ‘di naman tuluyang naglaho
Sila lang naman ay napalayo

95 Tulad nina Sibo at Loria
Mahiwagang bubuli nilamon sila

96 Buhay pa naman
Itong magkasintahan

97 Pagdating ng mahiwagang nilalang
Sa lupaing takdang hirang

98 Sila ay iniluwa
Sa Gintong Lupa.

-06/28/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 155
Sa tuwing sasapit ang hatinggabi,
Iniisip ka na lang palagi,
Kumusta ka na kaya, aking sinta?
Sana ang mga araw mo'y masaya
ayokong nasisilayan ka,
Bitbit ang pighating nadarama,
Nawawalan ng kislap ang iyong mga mata,
Sinanay mo ako na ika'y palaging maligaya,
Na para bang wala kang problema,
Hindi ako sanay na hindi ka masaya.

Sa tuwing magtatama ang ating mga paningin,
Binibigyan mo ng liwanag at kinang ang aking mga bituwin,
Hindi ako naniniwala sa diyos ngunit ikaw ang aking dalangin,
Sana balang araw ay matatawag kitang akin,
Hinihintay ko ang pagkakataong akin iyong damhin.

Ilang taon na rin ang lumipas nang ako'y mabighani sa'yo,
Nagugulat ang iba kapag sinasabi kong gusto kita, mahal ko.
Pilit nilang tinatanong kung ano raw ang nakita ko sa'yo,
Guwapo ka, may dimples, matangkad, matalino, mabait, at matipuno.
Bakit hindi sila naniniwala sa mga deskripsyong ito?

Isa na namang piyesa ang aking nabuo na ikaw ang paksa,
Nang dahil sa'yo, nagkakaroon ako ng kumpyansa na gumawa,
Hindi man ito perpekto sa ibang mambabasa,
Wala naman akong pakialam basta ako'y maligaya,
Ngiti ko nga ay umaabot na hanggang sa aking tainga.

Maniniwala ka ba sa mga isinulat ko rito?
Ikaw lang talaga ang tinitibok ng aking puso.
Sa tuwing iniisip ka, kumakalma ang pakiramdam ko,
Para kang nagsisilbing liwanag na kailangan ko,
Ikaw ang magiging tahanan at pahinga ko.

Lingid naman sa aking kaalaman na hindi mo ako magugustuhan,
Isa lamang akong hamak na bakla na hindi mo mapupusuan,
Tanging tunay na babae lamang ang bubuo sa iyong katauhan,
Ngunit umaasa pa rin ako na magbabago ang ihip ng hangin sa kasalukuyan,
Kahit masyado itong komplikado, labis ko pa rin itong hihilingin sa buong kalawakan.
Salamat sa isang tao na nagpaligaya ng aking puso't damdamin, nakagawa ako ng piyesa na ikaw ang paksa! Pag-ibig nga naman. Kasalanan ito ni kupido!

— The End —