Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ituwid" poems
Sino ka para limitahan ako sa making kalayaan sa murang edad na kung tutuusin ay batbat pa ng pakikipagsapalaran? Maglaro ng tumbang preso, tagu-taguan, syatong at bahay kubo sa bakuran ni Tagean-Tallano; unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon at mapagtanto ang kabuluhan na sa pagkakadapa'y matutong bumangon, ang mali at itama at ituwid ang baliko; Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo. Sino ka? Sino ka, at naisipang unti-unting kitlan ako ng buhay; Akong sinasabing 'pag-asa ng' inyong 'bayan' ngayon ba'y magiging kalaban ng estado't pamahalaan, nang batas ng taong tutugis at pipiit sa akin sa loob ng kulungang nakahandang pumatay ng kinabukasan? Ako dapat ay malaya, malayang maglaro ng tumbang preso, tagu-taguan, syatong at bahay kubo sa bakuran ni Tagean-Tallano; unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon at mapagtanto ang kabuluhan na sa pagkakadapa'y matutong bumangon, ang mali at itama at ituwid ang baliko; Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
0
Apr 17, 2019
Apr 17, 2019 at 7:14 AM UTC
Ako Dapat ay Malaya
Tila pagod maging sa pagtula Ang mga linya'y hindi na nagtutugma Waring nauubusan na ng mga salita At ang isip ay humihinto na lang bigla Wala nang bagay na nakakamangha Wala na rin saysay kung mayaman o dukha At hindi na nga nabibigla Tila ba tuluyan nang nakalimot sa pagluha Hanggang kailan kaya magpapasan At patutunguhan nga ba ay saan Ginagawa na ang lahat ng paraan At pinipilit ituwid lakad sa daan JGA
0
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 12:06 PM UTC
Pagod na
Marami man akong kakulangan o pagkakamaling nagawa. Sana huwag mo akong husgahan sa mga pagkakamaling d ko rin sinasadyang maranasan. Ilang araw ko din pinag isipan to ilang araw ko ding binabalik balikan sa isipan ko, at gabi gabi'y sinasagot ko ang sarili ko sa mga tanong na dapat ikaw ang tinatanong ko, pero kalabisan bang hangarin na makita kang masaya? Walang araw na hindi mo hinangad na maging maayos ang kalusogan ko, handa akong magdusa makita ka lang lumigaya. Pero handa ka bang magpatawad pag ika'y nasaktan na? Sana sa bawat tipak ng mga nota sa piano sana maramdaman mo ang pagmahahal na nais kung iparating sayo. Na sa bawat lirikong sinasambit sa kanta'y, kaya mo kayang sabayan hanggang dulo? Pero kailangan ko na din sigurong umalis na muna, kailangan ko na munang ayusin ang buhay ko, kailangan ko na munang kilalanin ang sarili ko, ituwid ang mga pagkakamali ko't itama ang landas na dapat kung tahakin. hihintayin mo ba ko? O pipigilan mo ba akong umalis? Sana sagotin mo Hihintayin ko ang kasagotan mo, kung maari Habang ginagawa ko ang sulat na ito ay may halong kaba at pagdududa na aking dinarama na sa bawat pag agos ng mga luha koy may panghihinayang na baka pagbalik koy wala kana't may mahal ng iba. D rin naman maiiwasan dahil ka mahal-mahal ka nga. Sa konting araw na tayo'y nag uusap/nagkikita labis na ligaya ang iyong pinadama ang dating lungkot pinalitan mo ng saya, ang dating kulang at hindi buo, pinunoan mo't kinulayan pa.hindi ko makakalimotan ang iyong ipinadama, kahit saan mapunta andito kaman o wala. Ikaw parin ang hahanap hapin ko sa tuwina. Palubog man ang araw sa ngayon Umaasang sana bukas nandiyan ka pa ring bubungad sa aking paggising. Mahal na mahal kita ng sobra, pero sa totoo lang nasasaktan nadin ako sa bawat hindi mo pagkibo, na ako lang rin naman ang gumawa. Sa mga araw na wala ka, nasasaktan ako kasi hinahanap hanap ka. Pero sasanayin mo na ba akong tuloyan kang mawala? O tatanggapin ko na lang kung anoman ang magiging desisyon mo?. Pero panghahawakan ko pa rin ang mga pangakong binitawan natin sa isa't isa. Na tayo lang hanggang finish line na. Kapit ka lang huwag kang bibitaw ah? I lOVE YOU Ms. QRST ADZ This isn't goodbye, i have faith we're destined
0
Mar 12, 2021
Mar 12, 2021 at 5:45 AM UTC
Day 38

Continue reading...
13
Ako po’y katulad niyo na nangaral din lamang At layong ituwid ang ilang mga hakbang Ngunit panganib ang siyang umabang Itinuring na sigalot ng iba Naging masakit sa kanilang mga mata Kaya aking mga hakbangin ay sinawata Inihulog sa dagat na malalim Kung saan pag-ahon ay marilim Tuluyang bumulusok pailalim Maaaring ako’y hindi na makaahon Tuluyang igugupo upang maturan din ng leksiyon ‘Di narin mahahampas pa ng mga alon Subalit habang nariyan po kayo Ako’y nananalig at hihingi ng saklolo Nawa’y mapakinggan at matulungan po ako! -10/24/2012 (Dumarao) *My Twilight Poems Collection
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:08 PM UTC
Saklolo, San Pedro Calungsod!