Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
poetnamasakit Oct 2015
Madalas naiisip ko…
‘bat ko nga ba patuloy sinasaktan ang sarili ko?
Bakit nga ba ako tumitingin sa mga bagay na puwedeng ikasakit ko?
Bakit nga ba “ikaw” ang laman ng isipan ko?
Ikaw na mismong tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganto..

“Pagod na ko”
Yan ang paboritong linya ko tuwing nasasaktan ako
“Pagod na ko”
Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko
“Pagod na ko”
Sa mga bagay na akala ko may kabuluhan sa buhay ko
“Pagod na ko”
Tuwing naaalala ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko

Para akong bata na gustong mag-recite
Pero iba pinipili ng **** ko
Para akong pumapara ng jeep
Pero namimili ng pasahero ang drayber nito
Para akong tanga na minahal ko ang tulad mo
Kahit na alam kong masasaktan lang ako

Umasa ako.
Pasensya na.
Kasalanan ko.

Sabihan na nila akong tanga
Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko
Sabihan na nila akong mababaw
Dahil nahulog ako kaagad sayo
Sayo..
Sa mga simpleng kilos mo
Sa mga bagay na akala ko may kahulugan din sayo
Sa mga salitang binitawan mo na akala ko totoo
Sa mga halik mo na akala ko naramdaman mo din tulad ko

Ako lang pala
Ako lang pala ‘tong tanga na nakakaramdam ng mga bagay na ‘to
Ako lang pala ang nagmamahal sa kuwentong ito
Ako lang pala ang umaasang magiging “tayo”
Ako lang pala ang nangangarap na magkakaroon ng
“ikaw at ako”
Atheidon Mar 2018
Kaibigan?
Ka-ibigan?
Kai-bigan?

Ano nga ba tayo?

Dalawang taong hinapo na ng mga karanasan sa pag-ibig,
Dalawang taong pinili ang isa’t-isa,
Dalawang taong nais maging isa.

Ngunit ano nga ba tayo?

Pinasaya,
Binigyan ng oras,
Kinantahan ng mga lirikong nakaaantig ng puso,
Pinangakuan ng kung anu-ano sa ilalim ng buwan,
Na tila ba ngayon ay para bang iginuhit na lamang sa tubig.

Kinuha mo ang puso ko,
Pero gusto ko lamang linawin,
Hindi ko ninais na ipalit mo ang iyo sa akin.
Pero para bang ginago ako ng tadhana,
Itinakbo mo ang puso ko palayo—
Palayo sa’kin, nang hindi lumilingon.

Ipinagsawalang bahala ko ang sakit na naramdaman,
Nagbulag-bulagan sa mga bagay na malinaw sa aking paningin.
Pinilit burahin ang masasamang ideyang namumuo sa aking isipan,
Umaasang mali ang lahat ng sakit na ipinagkikibit-balikat ko lamang.

Totoo nga,
Madaya ang kapalaran.

Nakakatawang isiping
Sa loob ng isang buwan,
Kaya **** mainlove.
Pero, nakakagago din isiping,
Sa loob ng isang buwan,
Kaya ka rin nyang iwanan.

Sa bagay, ano nga ba tayo?
Wala naman, diba?

Maaaring ihanay mo lamang ako sa mga babaeng pinaasa mo,
Na marahil pagdating ng panahon,
Malilimutan mo rin kung ano ang namagitan satin,
Na siguro sa paningin mo’y pang landian lang pala ako, hindi pang seryosohan.

Hindi ako yung tipo **** babae,
Hindi ako matalino,
Wala akong political stance,
Hindi ako kagandahan.

Ano nga bang kataka-taka dun?
Walang dapat ikasakit dahil
Hindi mo naman ako tipo kaya hindi mo ko sineryoso.

Walang tayo,
Hindi rin tayo magkaibigan.
At lalong hindi magkasintahan.

“Almost”, yun tayo.

Halos
   Halos naging tayo.
   Halos umabot na ko sa punto na mamahalin kita ng buo.
   Halos napaniwala mo kong mahal mo ko.
   Halos napaniwala mo kong kamahal-mahal ako.
   Halos napaniwala mo kong karapat dapat akong pahalagahan.
   Halos bigyan mo ko ng oras mo.
   Halos naramdaman kong sincere ka.
   Halos araw-araw kung hanapin kita.
   Halos minu-minuto kung tingnan ko ang cellphone ko para lang maghintay ng reply mo.
   Halos ikaw na lang ang marinig ko pag naririnig ko yung mga kanta sa radyo na inawit mo sakin.

Halos ikaw na lang yung hanapin ng puso ko sa bawat saglit na hindi kita nararamdaman.

Halos.

— The End —