Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
64 Ngayon ay para sa dalaga
May dalawang pagsubok ang nakahanda

65 Una ay magtungo sa Silangan
Kay lalaki na tahanan

66 Upang doon gawin
Ang pagsubok na hinain

67 Iyon ay ang ipagluto si lalaki
Ng pagkain na marami

68 Maging mga magulang ng binata
Nasarapan sa mga niluto niya

69 Ang ikalawa naman ay ipaglaba
Ng damit ang sinisinta

70 Kaydali niya itong natapos
May linis at bangong tumatagos.

-07/11/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 167
040816

Tulang nakatulala,
Tulang lutang sa mga salita.
Tulang may pag-aalinlangan,
Tulang tumatawid sa kawalan.

Sinubukan kong maghimay ng mga letra,
Pero lahat sila'y mawawalan ng saysay.
Hinabi ko ang bawat parirala,
Pero may mga saknong na puno ng mga tanong.

Umaatras abante ang mga kuwit at tuldok,
Mga damdaming may padamdam,
Mga nagugulat na pananda,
Tila nakasalamin buhat sa panahon ng pagkatanda.

Iluluto ko ang mga salitang walang tugma,
Sa kalan at kawali nang walang sandok ng damdamin.
Titikman ko ang sabaw na pag-ibig
Na siya palang papaso sa dilang malambing.
Poot kanyang madarama
Sa mapait na tadhanang may konting kaanghangan.

Isasantabi ko ang hinain,
Saka na lang, pag malamig na ito
Saka ko na lamang titikman.
Nakakapaso kasi, hindi ko malasahan.

Tulang kulang sa rekado,
Tulang mangmang at kabado.
Tulang maraming halo,
Tulang **sana'y hindi talo.
Maligayang kaarawan "Happy Birthday to me"
Ihanda na ang pulutan, baso, yelo at empe
Imbitado ang lahat pati ang mga LGBT
Kahit walang pang regalo pwedi makipagparty
Pero bago ang inuman ay ating pagsaluhan
Ang masarap na pagkain dito sa hapag-kainan
Mayroon cake, palabok at macaroni salad
Lumpia at tinolang manok na may tanglad
Dahil minsan lang 'to sa isang taon dumaan
Kaya sulitin na ang handaan at kasiyahan
Habang sinasabayan ng birthday song sa videoke
Akin nang paputukin wine na nasa bote
Kinabukasan maraming platong huhugasan
Pero ang alak 'wag na nating ipagpaliban
Kung sa babae, disiotso ang debuhan
Pagsapit ng kinse, ako na ay twenty one

Ako'y bente uno na ang bilis ng panahon
Parang kailan lang ano? Dumedede sa tsupon
Gatas sa kahon 'pag madaling araw tinitimpla
At ang iniinom na gatas ay mula pa sa ina
Ako'y nag evolve sa itsura, boses at katawan
Ang manuod ng bold ay hindi maiiwasan
Uminom ng alak, magpausok ng sigarilyo,
Kumain, koljak, magmahal at magtrabaho
'Di na natin magagawa 'pag sa mundo tayo'y nawala
Kaya gawin ang nararapat habang may buhay pa
Kahit ang oras at buhay sa mundong ito'y mahalaga
'Di natin alam kung kailan tayo mawawala
Ako ang bida't kontrabida at tema sa aking kaarawan
At wala ng iba kaya diretso lang ang kantahan
'Di na mahalaga kung gaano kagara ang handaan
Mahalaga naidaos ng maayos at 'di nakalimutan

Sa paglipas ng panahon kasabay ng pagtanda
Oras at lakas na naipon unti-unting humihina
Ang dating mga kababata isa-isa nang nawawala
Pagbabagong nagaganap dapat laging handa
'Di maikakaila isa sa mga the best na okasyon
Ipagdiriwang ang kaarawan kahit saanman lokasyon
Tawid dagat ang pagitan kahit walang imbitasyon
Matikman lang ang pagkain iyon ang intensyon
'Di pa tapos ang misyon natira iyong balutin
Kasama ang kutsara sa loob ng pagkain
Lahat uuwing busog mula sa biyayang hinain
Mahalaga nakatikim kahit walang regalo sa akin
Madagdagan ng edad ay okay lang sa akin
Dahil hindi ko naman kaya itong harangin
Mabuti pa rin sa kapwa aking hangarin
Para sa buhay lagi tayong pagpalain

— The End —