Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ginamitan" poems
Isang mensahe na ipinapahatid ni "Ariii Potter" sa kanyang alaga na si "Hedwig" the Snowy Owl. Sa naghihimultong pagmamahal ko sayo. Mahal.. oo, mahal nga ang tawag ko sayo Nagbunga kasi ang pagkagusto ko sayo, Nagbunga ng isang pagmaMahal Yung feeling na "gusto kita" Naging "mahal na kita" real quick Inakala ko talaga sa diagon alley ka lang gumagala Eh bat ka na sorted dito sa puso ko Bakit nga ba.. Patawad sa mga katagang sinabi ko, ay mali. hindi ko lang pala sinabi. Ipinagsigawan ko pa. Ang corny no? Pero... Pagbigyan mo sana ako na ihatid ang mga salitang gustong ipabatid ng puso ko Idadaan ko lang muna sa isang tula. -- Umpisa. Sa kung paano mo ako nginitian At tinanong kung "potterhead kaba?" Hindi ko alam kung ginamitan mo ako ng "petrificus totalus" Dahil sa tuwing tinatawag mo akong ng"Ariii" na fre-freeze ang aking hypothalamus Na halos masabog-sabog na tong pagmamahal na ihahantulad ko sa isang bulkan Hindi ko man lang namalayan na umabot ito ng isang buwan Pati na ang nakatagong pag-ibig dito sa aking damdamin Ay sadyang naging malalim Na kahit gumamit man ako ng salitang "alohomora" Para mabuksan ang pintuan ng puso **** nakasara Kahit maging seeker man ako sa quidditch At ikaw ang magiging "snitch" Hindi parin kita maka-catch Sapagkat ang tayong dalawa ay imposibleng maging match O makipaglaban man ako sa Wizard's Chess Para makamtan ang iyong sorcerer's heart Ay hindi parin sapat Alam mo kung bakit? Dahil hindi ako karapat-dapat At ang karapat-dapat Ay ang ika'y pakawalan Dahil alam ko naman sa kahuli-hulihan Ako parin ang masasaktan Kaya salamat, Salamat sa pansamantalang kilig Sa tuwing ika'y nakatitig.
0
Nov 7, 2016
Nov 7, 2016 at 10:34 AM UTC
Potterhead

Continue reading...
43
Maaga kong nilisan ang lupang sakahan Tinahak ang lugar na maingay at magara, ito pala ang Maynila. ‘di napigilan ng tirik na araw ang aming pagkukumpulan. Nagkamayan kaming magkakabrad, Simula na ng himagsikan. Sariwa pa sa alala kung pa’no kami inagrabyado. Itinulak. Binugbog. Tinakot. Ginamitan ng dahas. Sa plano ng gobyerno kami pa rin pala ang talo. Paano pa kami mabubuhay kung wala ng lupang mapagtatamnan? Akala ko sa bundok o gubat lang may ahas -yun ay sa akala ko lang pala. Sa’ming magsasaka’y Kumukulapot ang putik Ngunit sa inyong mga nakabarong, animoy walang duming nakabahid. Sa inakala kong tubig lang ang maaaring idilig, Dugo pala nami’y pwede ring pumatik. Tila ba ang gobyerno’y namamanhid. Nasaan na ang pinangako nyong libreng abono? Ginawa nyo na bang pataba sa mga bulsa nyo!? Sa pagpunta ng mga imperyalistang bansa, Matutulugan pa ba kaming mga dukha? Makatatayo ako sa aking pagkakadapa Ngunit ang bayan kong nakalugmok , makakaahon pa kaya?
0
Jan 6, 2020
Jan 6, 2020 at 10:48 PM UTC
Buhay laban sa Palay
Gusto kita, ilang ulit ko ng binigkas ang mga salitang paulit ulit sa isipan ko tuwing umaga sa pagdilat ng aking mga mata, tuwing sasapit ang gabi kayakap ang unan habang iniisip ka Pinipilit itali at ikulong itong pakiramdam Na walang ulit ang pagsabog pero pahapyaw lang. Dahan dahan lang sabi ng puso pero pag hindi na ginamitan ng utak ito’y bigla na lamang titibok ng walang humpay at sa pagtibok nito kasabay ang pagbigkas ulit sayo - gusto kita. Sobra. Ang dami kong tanong, araw araw ako nagtatanong, nagiisip ng bakit, pano, ano? Ano ba talagang tama ko sayo? Pogi ka pero di naman ako mahilig sa pogi. Pangit ba ko, anong mali sakin bakit hindi ko makuha ang iyong pagibig? Hindi ba may mga bagay naman na ayaw natin nung una pero nagugustuhan din sa huli. Ako kaya? Kelan yung oras na ako naman yung gustuhin mo. Gusto ko na malaman, ibigay mo na sakin kasi nababaliw na ko.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 7:01 AM UTC
Gusto Kita