Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Stephanie Sep 2018
Walang Pamagat
: A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz

Malumanay ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan
Sumasabay pa tong nakakabinging katahimikan
At ako? Nandito sa loob ng apat na sulok ng munti kong silid
Kabisado ko na ang bawat detalye ng kwartong ito ngunit ito parin, nagmamasid
Na para bang nasa ibang lugar ako, nangingilala, nagtataka
Tulad ng kung paanong maraming tanong ang gumagambala sa katahimikan ng sandali
Mga tanong na habang pilit kong hinahanapan ng sagot ay mas lalo lamang nagpapaalala sayo
Sayo at kung anong meron tayo… noon
Para ka rin palang kwarto ko.
Kilala kita, kabisado ko na ang takbo ng isip mo
Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling kapag sinabi **** “okay lang ako”
Alam ko kung ano yung mga tugtuging hinahanap-hanap ng pandinig mo
Alam ko kung paano magniningning ang mga mata mo kapag nakakakita ka ng cute na aso
Alam ko dahil inalam ko, alam ko dahil ipinaalam mo, alam ko dahil ginusto kong malaman
Kilala kita, kabisado ko ang bawat tibok ng puso mo
Pero muli, para ka rin palang kwarto ko
Na kahit gaano kita kakilala at kakabisado, naguguluhan pa rin ako
Nangingilala;
Nagtataka;
Dahil kahit naging malapit ka sa akin ay tila parang napakalayo mo pa rin
At kahit gaano kita kakabisado ay hindi ko pa rin alam ang kasagutan mo sa mga  tanong na iniwan mo sa akin kasabay ng pag-alis mo sa buhay ko:

bakit.

Bakit ka pumasok sa nananahimik kong buhay para pasiglahin ito at sa huli ay iwan ako?
Bakit mo ipinadama sa akin na importante ako para lang isang araw ay ipadama na wala na kong halaga sayo?
Bakit mo ako nilapitan nang may ningning sa mapupungay **** mata at matamis na ngiti sa iyong mga labi?
Bakit mo ipinaulit-ulit ng bigkas ang pangalan ko na hanggang ngayon ay musika sa akin?
Bakit ka nagpakilala para lang sa huli ay limutin?
Bakit ka lumapit sa akin na parang isang apoy na nagbigay liwanag ngunit siya rin palang tutupok sa akin?
Bakit ka dumating sa buhay ko para lamang sa huli ay lumisan?

Ang daming bakit pero iisang bakit lang ang gusto kong sagutin mo.

Bakit mo ako iniwan ng biglaan?

At hindi naman ako tanga.
Alam ko na iba tayong dalawa.
Sabihin mo nga sa akin kung paano ko hindi bibigyan ng pansin ang sigaw ng mga kilos **** sinasabing espesyal ako?
Paano kung sabihin ko sayong pinakinggan ko ang bulong ng puso mo noong unang beses na inaya mo akong kumain sa labas?
Paano kung sabihin ko sayo na narinig ko ang pangalan ko sa pagitan ng pagpintig ng pulso mo noong inabot mo ang mga kamay ko?
Paano kung naiintindihan ko ang ibig sabihin ng mga biro **** nagpapahiwatig na ako ang gusto mo?
At paano kung sabihin ko sayo na nakita ko ang nakaukit na ‘mahal kita’ sa ningning ng mga mata mo sa tuwing magkasama tayo?

Hindi naman ako tanga.

Alam mo ba? Tayo ang tulang ito.

– walang pamagat

Kumbaga sa linya ng isang kanta ay “oo nga pala, hindi nga pala tayo”
Na katulad ng isang pelikula, hindi lahat ay nagtatapos sa happy ending
At katulad ng isang nobela, masaya man o malungkot, lahat ay nagtatapos

Sa lahat ng nobela, itong sa atin yung kuwento na hindi naisulat ngunit nagtapos
Natapos ngunit walang paalam

Kahit wala tayong pamagat, gusto kong pahalagahan ito
Dahil ito yung meron tayo.
Medyo magulo pero ito, tignan mo, naisingit ko na yung salitang “tayo”

Sayang.

Sana kumapit ka pa.

Naiisip ko pa rin gabi-gabi kung bakit ka lumayo
Patawad, naaalala pa rin kita kahit hindi ko naisin
Patawad, umaasa pa rin ako na babalik pa sa dati ang lahat
Dahil naniniwala pa rin ako na nobela tayo
At hindi pa nagtapos ang kuwento noong huling beses na humakbang ako palayo at hindi ka nagsayang ng segundo para lumingon sa direksyong tinahak ko

Naghihintay ako.

Mali pala ang pagkakagamit ko ng mga salita.

Wala pa tayong pamagat

Ngunit malay mo balang araw ay magkaroon din at habang hindi pa dumadating ang araw na iyon, ipipikit ko ang mga mata at ibubulong sa hangin na…

sana malaman mo na mahal din kita.
Desirinne Mar 2017
Kamusta ka na? Sana masaya ka na sa piling niya.
Sana inaalagaan ka rin niya maigi gaya ng ginawa ko sa'yo.
Tinitext ka rin kaya niya ng good morning sa t'wing paggising mo
o goodnight at I love you sa pagtulog?
Kinakantahan ng paborito **** love song?
O kaya dinadalan ng paborito **** pagkain?
Sana okay ka lang, miss na kita.

Namimiss mo rin kaya ako? O naaalala man lang sa masasayang parte ng buhay mo? Kasi ako oo, sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ko, ikaw yung naiisip ko, na sana kasama kita sa mga bagay na katulad nito.

Hanggang ngayon nakakapit parin ako sa mga pangako mo.
Di ko maintindihan kung bakit.
Sobra na'kong nasasaktan sa mga ginagawa ko, pero gusto ko naman to eh, basta para sa'yo.
Minsan nga naiisip ko kung magiging katulad ulit tayo ng dati.
Yung mahal mo ko at mahal din kita.
Pero parang malabo na eh, kasi masaya ka na sa kanya.

Alam mo mahal parin kita, mahal na mahal.
Kung may isa pa tayong chance, ikaw parin yung pipiliin kong sarap kahit sobrang sakit.
Ganon naman sa pag-ibig diba, masakit, masaya, masarap, lahat yata ng emosyon mararamdaman mo.

Pinilit ko namang makalimutan ka eh, kaso sa bawat taong dumadating sa buhay ko ikaw parin talaga yung hinahanap ko.
Sobra mo kong napasaya.

Tinuruan mo kong magmahal ng tama kaya siguro hanggang ngayon ikaw parin yung mahal ko kasi sa piling mo lahat ng bagay nagiging tama.
3-24-17
Jame Mar 2016
Minsan, nakakatamad nang magmahal; kasi kung mahal niyo naman ang isa't-isa, gagawin mo lahat para lang manatili siya sayo.
Pero dumadating rin sa punto na pagod na pagod ka na kakahabol sa kanya,
kung hindi naman niya pinaparamdam sayo na mahal ka rin niya.
inggo Nov 2015
Hiling ko sana'y isa akong maong na pantalon sa buhay mo
Kahit kupas at luma na ay ako pa din ang paborito
Pero para kang bata na ang gusto lagi ay bago
Mahirap ba maging kuntento?

Ganun naman talaga sa isang relasyon diba
Dumadating din sa punto na wala ng kasasabikan
Kaya lang madalas nauunahan tayo ng mahinang damdamin
Kaya nauuwi na lang sa sakitan at hiwalayan

Yung isa patuloy na pinaglalaban ang pagmamahal
Kasi yung tao ang mahal nya
Hindi yung mga bagong bagay na makakapagpasaya o magpapakilig
Dahil presensya pa lang ng mahal nya ay sapat na

Yung isa ay patuloy na naghahanap ng bago
Kaya natakpan ang mga mata ng kanyang puso
Hindi na makita ang mga ginagawa para sa kanya
Tuluyang nabulag sa ideya na pag bago masaya
Georgette Baya Sep 2015
Bakit ikaw?

I like the way that you smile.
I like the way that you laugh.
I like the way that you talk.
I like the way that you walk.

I dont just like the idea of you, I love the idea of you.
I just like the way that you are.

Last week, nung magkatabi yung phone namin sa HQ.
May nagsabi sakin na, "relationship goals" DAW yung phone namin, kasi daw yung kanya, Duos tapos, saakin Ace.
Magkasunod daw na ni-release ng Samsung, kumbaga sa Apple parang iPhone 5s yung kanya, saakin iPhone 4s. Haaaays daming alam :p

Pano ba yan? Pang ilang araw at gabi ko na to, ikaw padin tumatakbo sa isip ko. I REALLY FEEL SO WEIRD.
Pag dumating din yung araw na pinaka aantay ko, hindi na kita pag aantayin. Wala akong pake kung sabihin nilang napaka bilis, i would really say, YES. Because, I can feel it. That there's something about you,
wala naman yun sa kung gaano ka katagal manligaw eh diba? Eto yung kung hanggang saan kayo aabot at gaano ka tagal.
Sige na, sasanayin ko nalang yung sarili ko. Ako nalang ulit mag aadjust. Sasanayin ko nalang yung sarili ko, na di ka kausap ng pangmatagalan. Pero, sana kumakain ka sa tamang oras at di ka nagpupuyat. Baka magkasakit ka sa pinaggagagawa mo nyan, di ko pa naman kakayanin pag di kita nakikita ng ilang araw. Kita mo naman every weekends, nag bbreakdown ako at laging puro emotional outburst kung hindi sa twitter, dito. Kasi sobrang miss na miss na talaga kita. Gusto kong mabasa mo to, pero wag muna ngayon. Nahihiya pa ko sayo. Alam mo minsan naiinis nga ko sa sarili ko eh kasi, mahiyain ka, tapos nahihiya ako.. Saan hahantong to? Ayoko ding dumadating tayo dun sa part na wala na tayong topic, kasi ayokong nabobored ka. Gusto ko pa naman na lagi kang nakangiti kahit malayo tayo sa isat isa at di tayo magkasama.








Goodnight, Jon Ray.
































































­




























I love you.
Alexander Ochoa Nov 2020
Nakakapagtaka o nakapagtataka
Maaaraw na ulan at
Diwata sa bundok
Sa mga pintong siguradong sasara, bakit tayo kumakatok?
Bakit natin binubuklat
ang mga aklat na putol ang istorya?
May mga araw na ayaw dumating
at may mga saglit na pilit patagalin
Siguro nga'y may uri ng kasiyahan
na di mapapanatili ng anumang kapit
pero sapat nang maramdaman
oo kahit sandali
salamat parin na dumaan
Ang buhay nga naman
palaging tungkol sa mga taong dumadating
kung paiyakin ka nila sa sakit
o pasayahin ka nang walang kapalit
Beauteous Beast May 2021
hi! i dont know if youll eventually find your way here, but i did leave some clues for you to find this.

its unbearable, the pain. i did what i did, but i was thinking of what ill be going through again if i succumb into this kind of situation again. im just really really tired. its not that im not giving you a chance to change, but its because im tired of giving people chances. i cant seem to do anything good right now. i cant watch, sleep, play, or even sit down without thinking about you and how much i love you. but this is is how it goes, im running away again. its sad, but this is how ive always been. i just want to go back to the time where i was simply at peace with myself. for such a short amount of time, every fiber of my being became attached, and soon after, loved you for everything that you are. and it ***** because i think im scared of everything even if tho im hopeful?

im suffering every day! i blocked u bc i dont want to let my mind suffer. nung tayo naman, ang dami ko nang iniisip pero ngayon naman napalitan lang ng what ifs or other things na ayaw ko na sabihin. araw araw after the end, iniisip ko na gusto ko bawiin lahat ng sinabi ko and just let things fall back into place again. pero grabe, sobrang naaawa na ko sa sarili ko na i have to go through this thing again—na kailangan ko nanaman turuan ang taong mahal ko kung paano ba dapat ako mahalin ng tama. its so tiring and this is why i chose to let go.

hindi ko naman alam if mapapadpad ka dito, pero gusto ko lang sabihin na totoo din kitang minahal and i still love you while im writing this. but we cant be together again hanggat ganito. hindi mo naman ako pinaglaban, i keep hearing excuses. or maybe hindi ka pa dumadating sa point na dapat alam mo na gagawin mo. we're just too far apart (figuratively and literally). but im glad i met you, but here we go again with the unending heartaches.

the final straw was when i read your horoscope for the week. seems like the world is in your favor and it wanted me to release you. to be fair, i was never tired bc of what happened but bc of what i know ill be going through again. i had to stop it. pero ayun, i knew naman na u had to be alone for the time being but i just had to push this relationship bc idk siguro talaga selfish ako and kasi gusto kita. nasaktan pa tuloy kita imbis na magmove on ka nalang sa ex mo.

ayun din, ang dami ko pang kinatatakutan. what if may iba ka nang kalaro, what if bumalik ka sakanya, what if may bago na altogether. hindi ko alam, for all i know baka nakamove on ka na. pero its okay, gusto ko talagang sumaya ka! i swear, yun lang gusto ko. bukod sa pagod na ko, iniisip ko din na baka nahihirapan ka na dahil sa pressure ng relationship natin. im truly sorry for not sayong goodbye ng maayos. i never had the ***** to say everything in front of your face. i didnt even have the ***** to say i love you one last time! i ****.

hay grabe. ill cherish our memories together, no doubt. sobrang saya ko sayo. kahit hindi tayo okay, sobrang saya ko parin kasi ikaw naman yung kasama ko lutasin yung problema. sana napasaya kita kahit papaano. i know naman na puro perwisyo lang nabigay ko sayo, but just know im truly sorry for everything. kung naging toxic ako sayo, pasensya na. pasensya na talaga if it was so difficult for you to love me. sabi ko sayo its not gonna be this hard sa the one mo. but to be fair, ginusto ko rin na sana ikaw nalang, na ikaw na talaga. naisip ko nga na ikaw na talaga pero baka hindi lang ngayon?

sana makahanap ka ng mas better sakin and i hope u learned kahit papaano. ito nanaman tayo sa cycle ko, pathway lang talaga ako para ready na kayo sa the one niyo 🤣 kung magkabalikan kayo, ayaw ko na malaman! hahahaha pero masaya pa rin ako para sayo no doubt. ill always be rooting for you and your life choices. magiging **** ka pa, and sana madami kang mapasayang bata when that time comes.

ill be fine but im always praying for you. i do hope mabasa mo to. but if hindi, then let these words just reach you in some other way, or baka ibulong ko nalang sa hangin.

i love you so much, p! ill always do 😊 ill never forget you.
if youre ready, you can always look for me again. i love you, my babi
Marinela Abarca Feb 2018
Bakit ngayon pa?

Bakit ngayon kung kailan, nahuhuli na?

Bakit ngayon dumadating itong mga salitang dapat inaalay ko sayo noon pa man.

Bakit kailangan pang masira tayo pareho para mabuo lahat nang ito?

Bakit?

— The End —