Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kahel Feb 2020
sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya
hindi ko nakakalimutan sabihin ang mga linyang ‘to: “ikaw ang pahinga ko”

pahinga ko pagtapos ng mahabang araw makipagsapalaran sa buhay at para makahabol sa liga
pahinga ko habang naglalakbay mula timog hanggang hilaga
pahinga ko upang mapaalala na ang bawat pagkakataon na makasama siya ay mahalaga
pahinga ko dahil napapakalma niya puso’t isipan ko nang walang bahala

sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya,
na siya ang pahinga ko,
ako pala yung unang kakapusin ng hininga,
boses ko’y di na madinig sa sobrang hina,
mag-isa tuwing gabi at ang tanging katabi ay pangamba,
habang nakatitig sa sapot sa kisame na gawa ng gagamba


ngayon,
napagtanto ko na sa mga panahong kinailangan ko siya para maging kalakasan ko,
siya din pala ang magiging dahilan ng kahinaan ko

sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya,
na siya ang pahinga ko,
hindi ko namalayan na pa kunti-konti na akong hinihingal,
bumabagal,
na-uutal,
umaangal,
nawawalan ng tamang asal,
nakakalimutan ko na nga din ata mag-dasal.


nakakapagod din pala ‘no?
magpaalala palagi,
kahit na hindi ka maalala,
kaya pahinga muna ako,
kahit ngayon lang,
hihiga muna magpapahinga upang makahinga.
nakakapagod, mapagod.
Josh Wong Oct 2015
Tunog.
Alon ng milyong-milyon prikwensiya,
Dumadaan at lumilipas,
Musika.


Tumatalon,
Tumatakbo,
Bumabagal,
Bumibilis.
­

Musika.
Ang kalagayan na parang wala ka sa kawalan.
Tunog na masarap pakinggan,
Naririnig mo ba?
Jame Mar 2017
Kung alam mo lang
Kung alam mo lang ang bilang ng mga araw na ika'y tumatakbo sa isipan ko –
na sa bawat bilang ng araw, oras at minuto, may presyo na ginto,
Siguro ngayon pa lang, mayaman na ako

Kung alam mo lang
Kung alam mo lang na tuwing naiidlapan ko ang iyong mga mata,
Gumagaan ang aking loob, bumabagal ang ikot ng mundo,
bumibilis ang tibok ng puso – tumitibok ang iyong puso
Ngunit ito'y may nagmamayari na ng ibang puso

Kung alam mo lang
Kung alam mo lang na ika'y ninanais ko
Ipapakilala ko sa'yo ang aking mundo-
Subukan mo
Baka sakali, baka sakali lang naman
Baka sakaling magustuhan mo at dumating sa punto na gusto **** manatili dito –
Dito; dito ka na lang. Dito ka na lang sa piling ko.
Hindi ko hahayaang magkasugat, mabasag at magkawatak-watak ang iyong puso

Pero kung hindi, hahayaan kita
Pababayaan kita –
Hanggang sa kaya ko na maging masaya na hindi ikaw ang dahilan
Hanggang sa mawala na lang ang aking mga nararamdaman bigla
Hanggang sa hindi na ikaw ang iniisip ko
Hanggang sa hindi na ikaw ang centro ng aking mundo
At ang sanhi ng pagtibok ng puso

At habang ika'y pinapanuod 'kong maging masaya –
Pagmamasdan ko ang iyong ganda; Ika'y inaakit na ng ligaya
Paalam na aking sinta, na tinatawag ko ring “tropa” – pinagkakahiwalay na tayo ng tadhana;
Malaya ka na.
renzo Dec 2020
kahit sabihing sandali
hindi ako nag-atubili
bakas sa mga labi
ang aking mga ngiti

makasama ka'y nag pauwi
sa aking pighati
kaya kahit sa sandali
pangamba ko'y pinawi

kahit sabihing sandali
oras nama'y bumabagal
at gustong ulit-uliting muli
at sa iyo'y sumandal

kaya't sandali
huminahon ka man lang
wag mag madali
nais kang samahan

at nasa alaala ko parati
na bago umuwi
mga kamay nati'y nagdampi
kaya sa pagtalikod ay nakangiti

at ang puso ko'y humihikbi
sa tuwing ako'y iyong nilalapitan
kaya sa mga susunod na sandali
makasama'y aking aasahan
safe skies and calm winds.

— The End —