Tanging hiling sa hangin na sana'y tangayin
Ang mainit na bugso ng damdamin
Bawat paghampas at kumpas,
Hindi ko alam kung saan dadalhin
Pinasok natin ang buhay ng isa't-isa
Walang kamalayan sa ating pakakahantungan
Sa mundong hindi perpekto at walang sigurado,
ang tanging pinanghawakan ko lang ay may ikaw at ako.
Nangungulila sa mga mata **** nangungusap
Na sapat ng pagtakpan lahat ng sakit na nararamdaman
Ang mga mata **** sumilaw sa madilim kong isipan
Kailan ko kaya ulit ito matatanaw
Madaming hindi pagkakaintindihan
Nauuwi sa sakitan
Hindi mabilang ang kapintasan
Na bumabalot sating samahan
Tila bagyong walang dala kundi pinsala
Pagmamahalan nating puno ng pangamba
Mga mata mo lang ang tanging naging sandigan
Panangga sa kalamidad, silong sa kadiliman
Isang gabing hindi ko mabura sa ala-ala
Nakatatak sa puso't ispian
Binaybay ng mga kamay mo ang bisig ko
Hinagkan, hinalikan at hindi binitawan
Pinagdasal na sana'y wala ng katapusan
H'wag na sanang sumikat ang araw
Dahil walang ibang nais kundi ang namnamin
Ang bawat minuto sa iyong piling
Marami ang hindi kayang unawain
Ang ating kumplikasyon na dala ng depresyon
Ano bang alam nila?
Bukod sa kutyain tayo
Sabi nila baliw tayong dalawa
Hindi inalintana ang sinasabi ng iba
Malaki ang tiwala ko sa'yo, sa akin,
Sa ating dalawa
Ngunit naging malupit ang mundo,
marupok ka at mahina ako.
Hindi na kita kilala
Hindi mo na ko tinitignan sa mata
Tinalikuran ang sarili kong giyera at
pinaglaban ka
Patuloy kong sinasabi sa'yong,
"Mahal, andito lang ako. Kumapit ka."
Nagbingi-bingihan, pasok sa isang tenga
Labas sa kabila
Pinagtabuyan palayo pero sabi ko sa sarili,
hindi ako susuko.
Tuwing ipipikit ko ang mga mata,
hindi maiwasan ang pagtulo ng luha.
Sinisigaw ng puso, kayanin ko pa.
Pero ang tanong ng utak, para san pa?
Gusto kitang hagkan sa bawat sulok ng katawan,
gustong akuin ang sakit na iyong nararamdaman.
Naging manhid ka saking sakripisyo,
Patuloy akong pinagtabuyan.
Hanggang sa naubos na ang pasensiya at pag-unawa,
halos isuka na natin ang isa't-isa
Pagmamahal nalang ang nakita kong dahilan
kung bakit patuloy parin nating sinubukan
Hindi lilipas ang isang araw na walang bangayan
Ang haplos **** nung una'y malumanay naging
mahigpit at puno na ng galit
Nauntog sa katotohanang hindi sapat ang pagmamahal lang
Naglaho ang kislap ng mata na nung una'y sapat na kahit wala
ang mga salitang, "mahal kita"
Anong ginawa natin sa isa't-isa?
Mag pag-asa ba talaga ang pagmamahalan ng dalawang taong sira?