Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"antagal" poems
Offline nanaman siya. Pwede naman kasing magsabi sya ng wait, para alam kong di ako umaasa. Madalas kasi lagi syang bigla biglang offline, ayoko namang tanong ng tanong tapos chat ng chat sakanya kasi minsan parang feel ko nauurat na siya. Feel ko lang kasi kahit ako nauurat nadin eh, paulit ulit nalang. Pero okay lang, kailangan ko nang masanay. Sanayan lang naman to. But he's worth it, I swear he is. If i would compare him, to a thing.. Probably it would be a Gum. Sa una lang sweet, sa huli nawawalan na ng lasa. Bow! Pero mahal ko padin sya kahit ganun sya. As a girl, marami kaming gusto sa isang lalaki. Lalo na ang mga Sweet Conversations, that always makes our days. At ang pinakabest part? Yung mga Long Goodnight and Goodmorning messages, yung tipong gigising kaming mga babae sa isang sweet and blissful morning messages. Yung tipong, "Hi alien! Good morning, sorry kung natulugan kita kagabi, antagal mo kasi magreply eh kala ko tulog kana. Sorry kung nag antay ka man, babawi ako. I love you" Charot lang kahit wala ng, I love you. As long as it touches our hearts. Kumain ka na ng tanghalian oy, wag ka magpapalipas.
0
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 12:28 AM UTC
12:15 PM | J
Patapos na ang ulan Na tila isang luhang di mapigilan Umagos nang di namalayan Tumila na din Tumahan din Yung bigat ng ulap Na antagal din binuhat Na kusa na lang nalaglag Yung dating pangarap Pero tila na Tapos na Bawat patak Pangako at pangarap Nahuhulog mula sa taas Isa isang tumatakas Pero bawat pagbitaw Ng kada pirasong ulan Pilit ko mang pigilan pero Unti-unting gumagaan
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 11:23 AM UTC
Tila
Antagal ko nag-antay sa iyo pagdating. Mainit. Maingay. Masikip. Sa bawat hakbang palapit Ako’y napapaismid. Kasya ba at kaya? O kasaya at di na kaya? Unti unti. Eto na, eto na. Papasok na ako. Toooot-toot! Bigla nag-sara ang pinto. Ako’y umatras at napahinto. Tiningnan kitang umalis. Isa, dalawa, tatlo. Umabot ng tatlumpung minuto. Wala ka pa din. Naiinip. Naiinis. Nagagalit. Bakit ang tagal mo bumalik? Nakita kita, ako’y napakapit sa bag na dala. Inihanda ang sarili Bumukas. Lumabas. Tinulak. Pasok! Sa wakas ako’y nakapasok Sa loob ng bagon. Ngunit kinaya man, Ako’y yari na sa akin amo. Pagkat ako’y nahuli na Naman sa amin pagtitipon. Napakamot. Napayuko. Napamura.
0
Nov 17, 2017
Nov 17, 2017 at 11:29 AM UTC
M-R-T