Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kate Burton Dec 2016
Pinaiyak, hindi napaiyak
Sinaktan, hindi nasaktan
Pinaasa, hindi napaasa
Naiwan? Baka iniwan

Hindi maaring sabihing napaasa mo kung
Ni minsan hindi mo ginustong saluhin
Hindi tamang sabihin na naiwan mo siya
Dahil hindi niya ginusto sumama sa landas na alam **** ayaw niya
Hindi katanggap tanggap ang sabihin **** "pasensya at nasaktan kita" habang wala siya sa isip mo nung mga panahong nagsasaya ka sa mga bagay na ika-lulungkot niya
Hindi tama

Mali
May pagkakaiba sa dalawa
Hindi ito isang aksidente
Sinadya mo, ginusto mo

Ngayon
Sinanay niya ang sarili na wala ka
Pinili niyang maging masaya ng hindi ka kasama
Ngunit wala kang magawa, hindi mo sinasadya, diba?
Mabilis ang ikot ng aking mundo.
Pero ito’y bumagal noong hinawakan mo ako.
Kapit mo’y tumitindi ang higpit.
Ako’y biglang nag-init
Hindi mo nakayanan
ang init na nararamdaman.
Matigas **** diin ay nag wakas.
Naubos bigla ang iyong lakas.
Pagka-ipit at pagsabog ang naranasan
nang aksidente ay di natin naiwasan.
Hindi ko tanda kung bakit
Basta't alam kong masakit...
Masakit ang iwan ka ng taong mahal mo
Tulad na lamang ng  pang-iiwan ko sa'yo

Hindi ko alam kung ano ang rason
Basta't mga damdaming ito'y dapat nang ibaon
Na dapat na lamang limutin ang lahat
Ngunit yun pala'y, hindi ito sapat

Aaminin ko na ngayon na ako'y nagkamali
Na ang iyong pagtitiwala'y tuluyan kong binali
Bakit ko nga ba nagawa ang mga bagay na iyon?
Na pati pagmamahal mo'y basta nalang tinapon

Ako'y di karapat dapat sa isang tulad mo
Ngunit sa pagkakataong ito, sana'y dinggin mo ako
Limutin na natin ang mapait na nakaraan
Pagkat Diyos na rin mismo ang gumawa ng paraan...

Kundi dahil sa aksidente, di ako matatauhan
Sa pagmamahalan nating puro galit at tampuhan
Kaya burahin na natin at magsimula muli
Gawin ang tama't huwag nang mag-atubili

Pasensya na rin kung di kita lubusang tanda
Basta't sa kinabukasan, tayo'y maghanda
Paano nalang kaya ang buhay ko kung wala ka?
Laking pasasalamat ko nalang  sa'king amnesya
XD

© Cyrille Octaviano, 2015
Hindi na ako makahinga,
pinipilit ang sariling bumangon.
Nasa ilalim ng mabigat na bunga,
ng aking mga pagkakamaling naglaon.

Natatakot, nangangamba,
sa pagsilang ng umaga.
Sa hudyat nitong kasama, laging dala,
ang siklo ko'y muli nang nagsimula.

Lalaban, lalarga, makikibaka,
sa alon ng buhay, mabagal, nalunod na.
Ngunit nang mata'y nagkasalubong, nagkita,
aksidente nga ba o matamis na tadhana.

Sa pagitan ng pawis at dugo at luha
ng mga tao na ngayon tayo ay nasa gitna.
Mayroon ako, ikaw, gustong ipahiwatig,
pero pareho tayo, boses, napatid.

Pagkakataon lumisan na,
ikaw ang nauna, ako'y nasakal ng pangamba.
Muling sinubukan, ipagtagpo ang mga mata,
hindi kita malilimutan.
Inspired by an Instagram post

— The End —