Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Jor May 2016
I.
Ang bilis ng panahon!
Parang kailan lang nagkakahiyaan pa noon.
Pero tignan mo naman,
Para na tayong magkakapatid magturingan ngayon.

II.
Sandalan ang isa't-isa 'pag may problema.
'Pag magkakasama oras ay hindi alintana.
Ako 'yung taong mabilis pang-hinaan,
Pero dahil sa inyo, natutunan kong lumaban.

III.
Ang bilis ng panahon!
Hindi ko pansin na lumipas na pala ang apat na taon.
At sa apat na taon na 'yun, naramdaman ko lahat ng emosyon:
Saya, lungkot, takot, kaba, pagdurusa, kilig at matinding ligaya.

IV.
At kahit lumipas pa ang sunod na apat na taon (o higit pa)
Sana 'wag kayong magbago,
At ganun din ako.
Kung paano ko kayo nakilala, sana 'yun pa rin kayo.

V.
Kung may mga problema kayo, pwede niyo akong lapitan.
Basta wag lang tungkol sa Math at pera, may sakit ako niyan.
Sabi nila hayskul ang pinakamasaya sa eskwela,
Pero para sa akin, kolehiyo pa rin talaga!

VI.
Natutuwa ako dahil magtatapos tayo ng sama-sama,
Kahit na 'yung iba, may alanganin pa.
Kaya niyo 'yan, nasa inyo ang aming suporta!
Kaya sa katapusan sana sabay-sabay tayong magma-martsa!
Jor Apr 2016
I.
Gusto kong balikan ang kahapon,
Kung saan ang saya-saya pa natin noon.
Hindi tayo nauubusan ng kwento,
Hanggang bukang-liwayway gising pa tayo.

II.
Gustong bumalik sa mga panahong,
Halos di na natin pansin ang oras.
Yung mga panahong, masaya lang.
Nagke-kwento na parang wala nang bukas.

III.
Dati-rati, hindi tayo mapaghiwalay.
Kapag may problema, isa't-isa ang karamay.
Kaagapay sa halos lahat ng bagay.
Hindi uso sa atin ang salitang: "Goodbye"

IV.
At dahil walang permante, lahat nagbabago,
Bigla nalang isang araw di mo na ako kinibo.
Lahat na nangpag-suyo nagawa ko,
Ngunit ako'y nabigo.

V.
Kahit anong mangyari kasama ka pa rin
Sa listahan ng mga kaibigan ko.
Hindi ko hinihingi lahat ng oras mo,
Pero sana naman, 'wag **** baliwalain ang tulad ko.
Jor Apr 2016
I.
Una palang pansin ko na,
At kita sa iyong mga mata,
Ang pag-iwas mo sa tuwing kakausapin kita.
Binabaling sa iba ang tingin,
Habang dinadama ang dampi ng malamyos na hangin.

II.
Rinig sa iyong labi,
Ang tipid ng iyong huni.
Mas naririnig ko pa--
Ang tibok ng puso mo, sinta,
Kaysa sa mga sinasabing **** salita.

III.
"Hindi ka ba kumportable
Na ako'y makatabi?"

'Yan ang tanong ko sa'king sarili.
"Oh, baka sa init ng panahon--
Kaya ka ganyan ngayon?"
Dugtong ko pa.

IV.
Gusto kong basagin ang katahimikan,
Ngunit hindi ko alam ang sasabihin,
At hindi ko rin alam kung paano sisimulan.
Sapagkat, pareho tayong nag-aalinlangan.

V.
Ilangan at alinlangan,
Iyan ang tila rehas na nagkukulong sa'ting dalawa.
Balak ko sanang basagin at tibagin,
Pero hindi ko kaya ng mag-isa,
Kailangan tayong dalawa.
Jor Apr 2016
I.

Ayoko talagang magbasa ng mga tula,
Madalas kasi ako'y naluluha.
Kahit hindi naman dapat maramdaman,
Ng mga berso at mga linyang nilalaman.

II.

Ayoko talagang tumitig sa'yo,
Kasi baka 'di ko mapigilan sarili ko.
Na baka 'di makapag-timpi,
Higitin nalang kita at yakapin sa tabi.

III.

Ayoko talagang makitang masaya ka,
Na masaya sa iba.
Dahil pinapa-mukha mo lang sa akin,
Na hindi ka kailanman mapapasakin.

IV.

Ayoko talagang magbasa kasabay ng ulan,
Kasi pinapapaala lang nito ang lumbay.
Lumbay na kahit kailan
Hindi na ako nilubayan.

V.

Ayoko talagang makatabi ka,
Dahil pinaparamdam mo lang sa akin na,
Isa ka nalang pangarap na sobrang lapit,
Pero kailanman hindi na makakamit.
Jor Oct 2015
I.
Noo'y akin pangg naaalala,
Nung una kitang makita.
Ako'y humanga na,
Lalo na sa taglay **** ganda.

II.
Nakaka-akit ang iyong bintana ng kaluluwa.
Lalo na’t sa tuwing ngumingiti ka.
Hindi ko mapigilan ang sariling,
Ngumiti rin pabalik sa iyo, sinta.

III.
Araw-araw na tayong magkasama
Sapagkat pareho tayo ng tropa.
Asaran dito, asaran diyan.
Kulitan dito, kulitan diyan.

IV.
Hanggang sa lagi na kitang hinahanap-hanap,
‘Pag wala ka para akong sinakluban ng ulap.
Napapansin na rin nila na kapag wala ka,
Para raw akong lantang-gulay kasama.

V.
Hindi ko rin alam kung bakit ganun?
Lito pa rin ako hanggang ngayon.
Gusto na ba talaga kita?
Hindi ko rin alam ang aking nadarama!
Jor Aug 2015
I.
Sa mura kong edad ulila na ako,
Pumanaw ang aking ina sa pagkakaluwal ko.
Ang aking ama ay nakakulong,
Pagkat sa droga s'ya ay nalulong.

II.
Sa mura kong edad sinubok na ako ng buhay,
Naranasan ko nang matulog sa lansangan,
Habang walang kumot na nakadagan saking katawan.
Tanging liwanag lang ng buwan ang nariyan upang ako'y gabayan.

III.
Sa mura kong edad natuto na akong mang-umit.
Nilalaslas ko ang bag ng aleng sa braso ay nakasabit.
Sabay tatakbo ng mabilis para makatakas,
Sa mga parak na nais akong mabitbit.

IV.
Sa murang kong edad yosi na ang aking hinihithit,
Umaaktong action star at sa pagitan pa ng daliri nakaipit.
Ito nalang ang aking nagsisilbing pagkain,
Dahil kagabi pa ako di nanginginain.

V.
Sa mura kong edad kinamuhuian ko na ang mundo,
At ang lagi kong tanong: "Bakit ganito ang sinapit ko?!"
Nanliliit na ang tingin ko sa sarili ko,
At tila wala na atang patutunguhan ang buhay kong ito.

VI.
Sa mura kong edad naligaw na ang landas ko,
At may inggit ako sa taong nagbabasa nito.
At kung sasabihin n'yong malas kayo sa buhay niyo,
Ano pa kaya ang mundong sinapit ko?
Jor Jul 2015
I.
Minsan lang ako lumabas ng bahay
Minsan lang ako umupo sa damuhan at tumambay.
At napili ko ang gabi para ako'y damayan
Sa aking nalulumbay na katauhan.

II.
Marami akong naiisip–mga kung ano-anong bagay.
Marami akong gustong sabihin sa mundo,
Ngunit mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko.
Sapagkat alam kong wala namang makikinig sa mga pasaring ko.

III.
Napahiga nalang ako at ang mga bituin binilang ko,
At napagod ako kakabilang sapagkat alam kong imposible ito.
At bigla kang dumapo sa isip ko. At napasabing:
“Isa ako d'yan sa mga bituin, ako ‘yung maliit at 'di mo napapansin.”

IV.
Napabuntong hininga ako,
At kasabay nun ay biglang may isang bituing biglang nagningning.
Naalala kita, naalala ko yung ngiti mo noong una tayong nagkita.
Isa ka rin nga palang bituin, ngunit 'di gaya ko, pagkat ika'y maningning.

V.
Ang sarap sana ng buhay ko kung laging ganito,
Masarap ang hangin at tahimik ang aking mundo.
Ngunit alam kong imposible ang hinihiling ko,
Pagkat mas masarap ang buhay 'pag ikaw ang kapiling ko.
Next page