Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Taltoy Jun 2017
Hay nalang pag-ibig,
Kailangan pa ba ng taga-usig?
Pero sana hindi na,
Sana maintindihan ko 'to nang mag-isa.

Hetong salita na ito, oo,
Talagang sakit sa ulo,
Sinasabing ito daw ako,
Ha? seryoso ka? ako? inlababo?

Di ko maintindihan,
Google aking kinailangan,
Buti nalang hawak nya ang kasagutan,
Kasagutang gumimbal sa aking katauhan.

"In love" ang nasabing kahulugan,
Diyos ko po, ako'y inyong tigil-tigilan,
Nahihibang na yata kayo  aking mga kaibigan,
Pero sa katotohanan di ko rin alam ang katotohanan.

Kaya tinanong ko ang aking sarili,
Tinanong nang walang pagaatubili,
Tinanong kung ako nga ba'y umiibig na,
Umiibig sa dilag na sa aki'y minsang nagpasaya.

Sarili ko, bigyan mo ako ng kasagutan,
"Oo" o "hindi" lang naman yan,
Ganyan lang naman ka simple,
Subalit di ko parin masabi.

Dahil di ko maamin,
Di ko kayang sabihin,
Di ko kayang tanggapin,
Ikaw nga siguro'y iniibig ko na, iyo sanang ipagpaumanhin.
lol. omayghad, ewan, di ko alam bakit ko 'to sinulat.
Taltoy May 2017
O kay lungkot,
Nakapagpapasimangot,
Ang dala nitong lamig,
Kung dumampi sa'king mga bibig.

Kasabay ang pagdaloy,
Ng mga luha sa mata ko nang tuloy-tuloy,
Walang tigil, walang humpay,
Sa bugso ng kalooban, tila sumabay.

O, bakit huminto?
Bakit huminto itong naturang bugso?
O ulan, ba't di ka nagtagal,
Iniwan mo ba ako dahil di mo ako mahal?
Taltoy May 2017
Di ko alam kung paano ko gagawin,
Ako'y di mapakali, aking inaamin,
Dahil ako'y kinakabahan,
Mga ginagawa ko'y di mo magustuhan.

Dahil ito lang aking makakaya,
Sa kasamaang palad ito lang talaga,
Itong aking mga kalatas at tula,
Ito lang at wala nang iba.

Damdamin ang naging panulat,
Inspirasyon ang syang nagtulak,
Musika ang sa aki'y umalalay,
Sa katahimikan ng umagang walang kapantay.

Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak,
Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak,
Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay,
Upang mapasaya ka ng tunay.

Kay rami nga ng aking naiisip,
Mga "sana", parang panaginip,
Inaasam, nais makamtan,
Kahit yung man lang, mapagtagumpayan.

Sana ikay napasaya ko,
sana napangiti ka kahit papano,
Sana naunawaan mo,
Mga sanang tulad nito.

Sana tanggapin mo,
Sana paniwalaan mo,
Sana pagpasensyahan mo,
Sana, sana, sana, hay nako.

Sana man lang naramdaman mo,
Ang damdaming ikinubli ko,
Sa mga salita ng aking tula,
Na sana, sa puso mo'y tumama.

Sana man lang ika'y aking naantig,
Sana man lang ika'y aking napakilig,
Sapagkat di kaya ng aking mga bibig,
Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig.

"sana" na higit sa aking pang-unawa,
Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga",
Ngunit iyo'y parang isang malayong tala,
Hanggang tingin lang, mata ko lang ang nakakakita.

Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba,
Liniligawan na ba kita?
Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo,
Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto.

Ako'y natatawa,
Ang landi ba naman nitong binata,
binatang naghahangad na sana,
Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama.

Ang pinapangarap nyang dalaga.
Taltoy May 2017
Ang simula,
Ang umpisa,
Ang unang nakikita,
Sa kahit ano mang obra.

Ang pinag-uusapan,
Ang pinakamalaking katanungan,
Ang bumubuo sa palaisipan,
Pamagat, parang kasagutan.

Ang nagkubli ng misteryo,
Tila di kongkreto,
Parang di sapat,
Upang lihim ay masiwalat.

Ano ba tong pamagat?
Ano bang nais ipagtapat?
Ano nga ba ang katotohanan,
Sa likod nitong salitang puno ng kasinungalingan,

Ang pamagat ba ay palatandaan?
Kung ano ba talaga ang totoong nilalaman,
Nilalaman ng puso't isipan,
Sa mga salita tinago ang katotohanan.
Taltoy May 2017
Puno ng ngiti,
Puno ng sigla,
Itong mga labi,
Na muling sumaya.

Sa bawat pag-uusap,
Di maipagkakaila ang sabik,
Tinig mo ang hinahanap,
Na sa mga tainga ko'y humalik.

Lumbay ay lumalala,
Dahil walang magawa,
Ngunit dahil sa'yo,
Nabubuo araw ko.

Sana ganito nalang araw-araw,
Ilang beses man lumubog ang araw,
Kahit ang buwan makailang ulit lumitaw,
Gusto kong saya muna ang mangibabaw.

Subalit di ko naman hawak ang lahat,
Kaya dito ako't nagpupuyat,
Isisiwalat ang mga gusto,
Na sana parating ganito.
Taltoy May 2017
Tila papatak na,
Mula sa'king mga mata,
Matang kay lungkot,
May pinipilit ilimot.

Silakbo nitong puso,
Pusong nagdurugo,
Di alam ang dahilan,
Di alam ba't nasasaktan.

Pinukaw ng sakit,
Kalungkuta'y iginiit,
Di alam kung bakit,
Ganito pala ka pait.

Ang katotohanan,
Ang sagot sa katanungan,
Ang tanging nagdulot,
Ng poot na sa puso ko'y nanuot.

Paano ko ba papakawalan?
Kapag wala nang maramdaman,
Huli na ba ang lahat?
Ito ba ay nararapat?

Ito ba ang mapapala ko?
May nadadama pa ba ako?
Ang sagot ay isang "Oo",
Patunay ang mga luha kong dumaloy muli dahil sa'yo.
Next page