Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
HYA Nov 2017
Dinggin ang hininga ng may alikabok
Unawain ang kamay pagkatapos ng suntok
Mahalin ang pait sa matamis na mansanas
Tignan ang pagbuhos ng tubig mula sa itaas

Obserbahan ang lahat ng ito, mahal
Sapagkat kahit kamay mo'y hindi mahawakan
Bumalik ka sa ating munting tagpuan
At punasan ang luha sa aking pagtahan

Ngunit hindi pwede ang pag-iibigan sa aking piyesa
Kagaya nalang sa iyong pagngiti ay hindi dapat gawan ng malisya
Ang simpleng pagtawa ay nakakahumaling
Kaya dapat ikaw din ay magbighani sa akin

Hindi nga, hindi ito pwede
Kahit ang magustuhan kay napakaposible
Ako'y natukso sa magarbong panganib
At ikaw, sinisinta ko, ay nasa kanilang panig

Tayo'y pinagtagpo ngunit hindi para sa isa't isa
Kagaya ng isang mundo at ng kometa
Sa kanyang paghulog, marami ang nahalina
Kasabay nito ang pagwala ng kanyang presensya

Kagaya ng mismong puno at ang mga dahon nito
Pagkatapos ng kasaysayan ay mahuhulog din sa pinto
Na para bang ikaw at ako
Ikaw ay nakatayo habang ako'y nahuhulog papalayo sa iyo

Bumalik sa ating munting tagpuan
Kahit ikaw naman talaga ang sariling tahanan
At doon ko tatapusin ang aking panaginip
Kung saan ikaw ay naging akin kahit na saglit
written with wis dedicated to Mhaye Louisse hehe♡
HYA Oct 2017
Mahal, lumayo ka sa kanya
Siya ay mapanganib at maaari ka niyang saktan
Mahal,  huwag kang manatili sa kaniya
Sapagkat siya ang engkanto sa masamang halaman

Huwag.  Dito ka muna.  Dito ka lang.  
Mahal, sasama ka ba sa katulad niyang hibang?
Takpan ang mga mata. Huwag kang lalayo.
Hintayin natin ang pagdating ng mga santo sa pinto.
Ngumiti ka. Ngunit sa akin lamang.  
Ako ay matamis habang siya ay matabang.  

Mahal, manatili ka sa aking tabi
Ilapat mo parati sa'kin ang malumanay na labi
Ang mga braso, sa akin lamang nakayakap
Siya ang apoy at ako ang ulap

Sa akin,  hindi ka masasaktan
Pangako,  hindi kita iiwanan
Basta't manatili ka sa aking kiliran
Hindi ka na mag-iisa kailanman

Ngunit,  kung lahat ng ito'y susuruin
Baka mawalan na ako ng lakas upang ika'y patahanin
Kung pagmamasdan mo nang maigi ang mga mata kong madilim
Malalaman mo ang aking nililihim

Mahirap.  Mahirap talaga.  
Ngunit ako lamang ang iyong pag-asa.
Mamili ka, siya o ako?
Ipaalam mo sa akin kung saan ako tatayo
Sa impyerno ba na aking kinagisnan
O sa langit na para sa'kiy di pangkaraniwan

Ako man o siya,
Wala kang kawala
Sa lugar na maaraw o sa liblib
Kalimutan **** ako ang mismong panganib.
Magandang buhay sa mga taong may buhay!
HYA Oct 2017
Sa bawat panaginip,
nandoon ka
Tila may gustong
sabihin si Langit
kay Lupa

Lahat ng iyon,
natatandaan ko pa
Ikaw lang dapat
ang humusga

Tumawa ako sa
naiinis **** mukha
Na ngayon ay
nakalimutan ko
nang tila

Isa pa noong tayo'y
dumalo sa sapa
Lumangoy ako na
para bang isang bata

At huli, yung sumali
ako sa kompetesyon
Hindi ka nahuli sa
aksyon

Pinahiram mo ako sa
tsinelas **** puti
Ayaw mapigilan ang
pagngiti ng labi

Subalit sino ka nga ba?
Alam mo bang
hanggang ngayon,
hinahanap kita?

Halos isang buwan
akong naghanap
Tinatanong ang hanging
na nalalanghap

Sana ay makita kita
Kahit na bilang
estranghero't di
mo kilala

Nanatiling sabik ang
ako sa iyo
Kahit pakiramdam ko
na magkakilala na tayo

Ngunit, oo nga't
ika'y mananatili lamang
sa aking panaginip
Papahiramin na naman
sa iyong tsinelas na
mapanganib
Amboooot HAHAHA! Sana mabasa rin ito ng taong parating nasa panaginip ko. Oy, dedicated to sayo! Kung sino ka man hehe.

— The End —