Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Moon Feb 2020
Hanggang sa pangarap nalang ba kita aabutin?

Kahit sa pagtanda ko'y mas lalong hindi na kita kayang akyatin.

Hanggang sa mga huling hininga ko'y patuloy parin kitang papangarapin, na sana; sana'y masilayan ka man lang bago ang mundong ito'y lisanin.

At 'sabay ng pagpikit ng aking dalawang mata'y babaunin kita hanggang sa aking huling hantungan.

Upang maiparamdam sa'yo na minsan; minsa'y may isang babaeng nangarap na akyatin ka hanggang sa kanyang kamatayan.

Ang pangarap ko'y kay hirap abutin.

— The End —