Madaling araw, mata’y dumilat
Bitbit pa rin ang pag-asang salat
Kumakalam ang sikmura,
pero ang lata, walang laman pa.
Naglakad muli sa kanto't eskinita
Umulan—basa ang katawan, nanginginig sa ginaw
Bumuhos man ang ulan,
walang bumuhos na barya sa kanyang lata.
Isang matahimik na dasal ang binulong,
“Panginoon, kahit konti lang po, tulong…”
Ngunit ang mga tao’y nagmamadali
Walang nakatingin, walang pumapansin.
Sa ilalim ng kariton, muling nahiga
Yakap ang lata, iniisip pa ba siya?
Kahit minsan mahirap maniwala,
Bukas ulit, haharap sa mundo dala ang lata.