Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lev Rosario Apr 2021
Maubos nawa ang aking sarili
Maging parang hangin at liparin
Maging kristal na sumasalamin
Sa sansinukob, sa mukha ng ibang tao

Ako naway maging tubig
Na kasing hugis ng nilalagyan
Na dumadaloy sa utos ng Diyos
Nagbibigay buhay sa lahat ng nilalang

— The End —